Unang Kabanata

114 4 0
                                    

Unang Kabanata

Ang pag-ibig ay isa sa napaka-sarap na pakiramdam na maaaring maranasan ng lahat. Nagagawa nitong pasayahin ka, nagagawa din nitong paluhain at saktan ang kahit sino. Darating nalang ito ng hindi mo ine-expect magugulat ka nalang kapag sinabi mo na "inlove na ako". Pero magagawa ba ng pag-ibig ang pumatay? Magagawa ba ng pag-ibig ang bumuhay ng namayapa na? Tunay na ang pag-ibig ay isa sa pinaka-misteryosong bagay sa mundo.

6am na at bago lang ako babangon sa pagkakahiga. Sanay na ako sa ganitong pangyayari dahil sa sobrang sipag ko mag-aral at hindi ko maitatangging nerd ako. Ako si Madonna, isang tahimik na dalaga at madalas ma-bully sa klase. Halos lahat sila ay walang ginawa kundi ang pagtripan ako kaya nga isang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko at siya ang bestfriend ko simula pagkabata na si Mikayla. Siya lang ang kaya ko lapitan sa mga oras na walang wala ako at hopeless. Nag-iisa na lang ako sa buhay, bagamat may kinikilala pa akong ama ay wala itong paki-alam sa akin at sa katunayan ay may itinatago akong sikreto sa pagitan naming dalawa.

Bago ako umalis sa bahay ay lumapit ako kay papa upang humalik sa pisngi.

"Pa, alis na po ako." Pagkahalik ko sa pisngi niya ay agad niyang hinila ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.

Binigyan niya ako ng 300 para sa aking baon at pagsara ko ng pinto ay agad kong pinunasan ang aking labi at mga luha sa aking mata. Oo, simula ng mamatay si Mama ay hindi na naghanap si Papa ng mapapangasawa at sa halip ay minomolestiya niya ako. Ayoko man sa ginagawa niya ay hindi ako maaaring tumanggi dahil siya ang nagpapakain at nagpapa-aral sa akin.

Pagkarating ko sa school ay nakatingin sa akin ang lahat. Pakiramdam ko ay tinititigan nila ako mula ulo hanggang paa pero hindi ko sila iniintindi at naglakad ako sa hallway habang hawak hawak ko ang mga libro ko at itinakip sa aking bibig. Nang makita ako ni Mikayla ay agad niya akong niyakap.

"Nakagawa kaba ng assignment natin?" Tanong ni Mikayla sa akin.

"Ah eh oo natapos ko naman kahit papaano." Pagtugon ko sa kanya.

Pagkatapos namin magkwentuhan ni Mikayla ay siya namang pagdating ng aming prof na si Dr. Brylle Amon. Katatapos lamang niya makuha ang kaniyang PH.D degree at ngayon ay professor namin siya sa Rizal's Life. Bata pa si Sir at talaga namang gwapo kaya nga marami kaming may crush sa kanya at tila ako pa nga ay may pagka-stalker pa sa kaniya.

"Okay before we start our class please pass your assignments." Ang utos ni Sir Brylle sa aming lahat.

Hanggang matapos ang klase namin sa kanya ay wala akong ginawa kundi tumitig sa kanya. Marami akong iniisip na tungkol sa aming dalawa sabihin man na madumi ang iniisip ko.

Pumunta ako sa library at muli ay kumuha ako ng mga librong gustong gusto ko basahin. Kakaiba akong babae dahil maliban sa mga academic books ay mahilig ako magbasa ng mga weird topics like Illuminati, Supernaturals and witch craft. Apat na libro ang binabasa ko hanggang sa mapansin ko ang isang page sa libro na nagpapaliwanag kung paano mahuhulog sayo ang isang tao na iyong minamahal kahit pa hindi ka niya gusto. Agad na pumasok sa isip ko si Dr. Brylle, gusto ko siyang mapasakin.

Tumayo na ako at inayos ang salamin sabay labas sa library. Dumeretso ako sa computer lab ng school at nag surf sa google ng mga posibleng spell na gawin at nai-save ko sa flash drive. Wala naman siguro mawawala sa akin kung gagawin ko.

--

Djhemishere

Comments/Votes are well pleased :)

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon