Ika-anim na Kabanata. (Life and Death)

52 1 0
                                    


Ika-anim na Kabanata. (Life and Death)

"Hayop ka! 'Tinuring kitang kapatid tapos ganito ang igaganti mo!" Bumaksak si Mikayla sa kama habang nakapatong si Madonna sa kanya.

"Donna itigil mo yan!" Umaawat si Eddie sa kanilang dalawa ngunit nakalmot ni Madonna ang binata sa braso.

Pumasok si Ted sa kwarto dala ang videocam nito at ipinatong sa lamesa. "Patahimikin nyo nga ang babaeng yan! Baka marinig tayo ng owner at ng mga employers." Utos ni Ted sa mga kasamahan dahil sa pagiging histerikal ni Madonna.

Tumulong si Robert kay Eddie upang hilahin si Madonna palayo kay Mikayla ngunit kinagat ng dalaga ang kamay nito. "Ahhh tangna!!" Itinulak ni Robert si Madonna upang matanggal ang pagkakakagat ng dalaga. Humagis si Madonna diretso sa edge ng lamesa at nauntog. Kasabay ng pagbaksak niya ang videocam ni Ted at nahulog sakto at nakatapat kay Madonna habang nakadilat ang mata nito.

"Oh God patay na ba sya?" Ani Cassandra na kinakabahan.

"Hindi siya gumagalaw." Napako silang lahat sa kanilang mga kinatatayuan. Nilapitan ni Mikayla si Madonna.

"Hindi ko maramdaman ang pulso niya." Lumapit si Ted kay Mikayla upang kumpirmahin ang tinuran ng dalaga.

"Oh shet napatay mo sya!" Nagwawala na si Ben habang lumalapit kay Robert na siyang may kagagawan ng lahat.

"Kailangan walang maka-alam nito." Ani Ted habang sinasara ang pinto.

"Nasisiraan ka na ba? May patay na tao sa harapan natin! Kailangan natin humingi ng tulong." Ani Mikayla.

"Ikaw ang nasisiraan gusto mo ba makulong tayo?" Inagaw ni Ted ang telepono ni Mikayla at ibinato sa pader.

"Ayokong makulong..ayokong makulong..." Paulit-ulit si Robert habang nakatakip sa magkabilang tenga.

"Walang makukulong!! Hanggat hindi tayo nagkakasundong lahat." Kinukumbinsi ni Ted ang lahat upang walang sino-man ang magsalita.

"Hindi. Kailangan malaman ng mga pulis ang nangyari." Tumayo si Mikayla upang lumabas ng pinto ngunit pinigilan siya ni Ted.

"Kaya naming palabasin na ikaw at ang nobyo mo ang may kagagawan ng lahat ng ito. May hawak ako na ebidensya." Ipinakita niya ang videocam kay Mikayla.

"Kaya namin sabihin na nag-away kayo at tumulong lamang kami. Ano magsusumbong ka?" Pagtutuloy ng binata.

"Kai." Lumapit si Eddie kay Mikayla. "Tama si Ted. Nasa kuko ni Madonna ang balat ko at nasa mga kamay niya ang hibla ng buhok mo. Tayo ang madidiin dito dahil mahahanap nila ang DNA natin." Paliwanag ng binata sa kanyang kasintahan.

"Ben?" Tumingin silang lahat kay Ben.

"Ewan kooo. Wala akong n-nakita." Ani Ben habang tinatangal ang kanyang salamin at nangangatog sa sobrang takot.

"It's 5 against 1 Mikayla." Lumapit si Mikayla kay Ted.

"Ano ngayon ang bwisit mong plano?"

---

Sa gitna ng kakahuyan ay dinala nila ang bangkay ni Madonna. Sina Ted,Robert at Eddie ay nagbungkal ng halos tatlong talampakang hukay upang paglibingan ni Madonna. Sina Cassandra, Ben at Mikayla ay nagtulong upang buhatin ang katawan ni Madonna at ilagay sa hukay.

"Hindi pa huli ang lahat sa atin guys. Pwede pa tayong tumawag ng tulong." Binasag ni Mikayla ang katahimikan nila habang tinatabunan nina Ted ng lupa ang bangkay ng dalaga.

"Will shut your fu**ing mouth!" Nairita na si Ted sa dalaga ngunit nang lumingon siya sa hukay ay naglaho ang katawan ni Madonna.

"Nasaan sya?!" Nagpanic na si Cassandra nang biglang pumula ang paningin niya at tsaka niya nalaman na tinuhog ang kanyang ulo at ngayon ay puro dugo na ang kanyang mukha.

Nagimbal ang lahat at nagtakbuhan sa magkakaibang direksyon. Si Ted ay walang humpay sa pagtakbo ngunit huli na nang makita niya sa harapan si Madonna at dukutin nito ang kanyang lalamunan.

"Ahhhhhhhyy!" Narinig ni Madonna ang sigaw ni Cassandra na ilang metro ang layo at sa isang kisap mata ay nasaksihan niya si Madonna na hinihiwa ang tiyan niya. Bumaksak siya sa lupa kasabay ang paglabas ng kanyang mga bituka.

"Eddie bilisan mo ang takbo mo at h-humingi ka ng tulong." Naghiwalay ng direksyon si Mikayla at natigal siya ng makita niya si Ben na sumakay sa kotse at handang sagasaan si Madonna.

"Mamatay ka!!" Humaharurot na Umabante si Ben papunta kay Madonna ngunit naglaho ito sa paningin niya at ngayon ay babangga siya sa isang malaking puno. Humagis si Ben palabas dahil sa pagkabasag ng windshield at hindi siya naka seatbelt kaya tumama siya sa puno. Bumaksak ito sa lupa at nasaksihan ni Mikayla ang mukha ni Ben na punong puno ng bubog bago ito mawalan ng hininga.

"Uhhhggg." Nilingon niya ang narinig at nakita ni Mikayla ang kanyang nobyo nang sipain ito ni Madonna at bumaksak sa lupa.

"Itigil mo yan!" Tumingin sa kanya si Madonna.

"Ohh bakit ngayon mo lang sinabi?" Ani Madonna matapos niyang yapakan ang ulo ni Eddie hanggang sa madurog ito.

"Hindeeeeeeeeeeee!!"

--

Nagising si Mikayla dahil dinalaw nanaman siya ng isang bangungot. Lumuluha siya nang tignan nito ang mga pasa niya sa braso na dulot ng ginawa ni Madonna at patunay na napatay nga nila at inilibing si Madonna.

•°•°Djhemishere•°•°

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon