Ikalawang Kabanata- The Bullies

72 4 0
                                    

Ikalawang Kabanata- The Bullies


-Riiiiiiiiiiiiing-

Matapos tumunog ang bell ay siya namang pagpasok ng mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Isang sexy, hot at talaga namang maganda ang pumasok sa section 4A. Ngunit nang pumasok siya ay isang tao lang ang kanyang nakita- si Mr.Brylle.

"Uhhm sir naistorbo ba kita?" Bungad ni Madonna sa kanyang propesor.

"Kanina pa kita hinihintay." Hinila nito si Madonna at siniil ng maiinit na halik. Inupo nito si Madonna sa lamesa sa harap ng blackboard at duon niya hinawakan ang buong katawan ng dalaga habang hinahalikan.

"W-wait sir baka may makakita sa atin." Pagpigil ni Madonna. "Wala akong pakialam sa kanila uhhhm." Sumubasob si Mr. Brylle sa dibdib ng dalaga nang marinig ni Madonna ang kalabog ng pintuan at duon ay nakita ang ilang estudyante na tuwang tuwa sa nakikita.

"Sir pinapanood nila tayo." Walang humpay si Mr. Brylle sa ginagawa niya sa dalaga. "Sir!!" Tinulak niya ito at nakita niya ang buong classroom na puno ng tao at pinagtatawanan siya.

"Hindi kita mamahalin kahit kailan Donna." Ang natatawang saad ni Mr. Brylle at nagtawan sila habang si Madonna ay tinakpan ang kanyang tenga dahil sa paulit-ulit na pagsigaw ng kanyang pangalan.

"Donna Donna Donna Donna..." Pabilis yon ng pabilis hanggang...

"Donna!!" Nagising ang dalaga dahil sa sigaw ni Mr. Amon sa kanya.

Kinuha ni Robert ang isang booklet  kay Madonna mula sa likod at natatawang sinabi ang titulo ng libro.

"Illuminati and the new world order. Haha napaka weirdo mo talaga." Nagtawan ang kanyang mga classmate maliban kay Mikayla at sa boyfriend nitong si Eddie. Lumapit si Mr. Brylle at kinuha ang libro.

"'Wala kang pakialam Mr. Aguilar sa gusto ng ibang tao." At ibinalik nito ang libro kay Madonna matapos mag-ring ng bell.

"Okay remember class we will be having a quiz on Monday." Pagtatapos nito at nag-alisan na ang mga estudyante. Nagpahuli si Madonna.

"Donna." Lumapit sa kanya si Mr. Brylle dala ang isang papel.

"Yes sir?" Nilahad ni Brylle ang kamay nito sa dalaga at kinamayan siya.

"Congratulations for your article about the drug testing. We were one of the lucky schools in the country na napabilang for the random drug testing especially sa mga athletes natin." Pagbati nito sa dalaga.

"Po? Uhhhm thank you sir." Nahihiyang saad nito sa guro. "You really did a great job and I'm looking forward for your next articles for the school's newspaper." "Sige po sir makakaasa po kayo." At umalis na ang dalaga.

Pumunta si Madonna sa canteen at bumili ng makakain niya bago ang susunod niyang klase. Tinabihan siya ni Mikayla.

"Bakit naman nakatulog ka sa klase kanina?" Bungad ni Mikayla.

"Ah eh kasi napuyat ako sa assignment." Pagsisinungaling ng dalaga dahil ang katotohanan ay pinagpuyatan niyang basahin ang mga librong hiniram niya sa library.

"Anyway naglinis ako noong weekend ng bodega at attic namin tapos nakita ko yung lumang black book ni Lola Esther. Tinanong ko kay Mommy kung bakit may ganun si Lola pero pinapatapon niya sa akin." Biglang nabuhayan ng dugo si Madonna. "Talaga? Eh nasaan?" Kamot ulo si Mikayla.

"Eh nasa kwarto ko tinago ko muna kasi naalala kita mahilig ka kasi dun diba?" Nilapit ni Madonna ang upuan niya sa kaibigan. "Oo. Oo mahilig ako."

"Oh sige dadalhin ko bukas kasi sayang naman antique na antique ang dating." Matapos 'yon ay inubos na nila ang kanilang kinain at pumunta na sa gym.

P.E ang kanilang subject at basic swimming naman ang kanilang topic kaya pumunta ang buong klase ng 4A sa kani-kanilang shower room upang makapag bihis. Tatlo ang pool ng skwelahan kaya may ibang section silang kasabay.

Pumasok si Madonna sa shower room at sinalubong siya ng mga bullies ng section C.

"Oh look, the new editor in chief ng school newspaper. How cheap." Wika ni Cassandra na dating editor in chief at pinalitan ni Madonna.

"Nang dahil sa article niya about drugs ay na-promote agad? Oh gosh baka sa susunod same sex marriage naman ang gawin niya hahah." Ani kasama ni Cassandra.

"Hey back off." Paningit ni Mikayla sa panlalait ng mga taga ibang section.

"Oh look who's here the shining shimmering facking savior?" Pangmamata ni Cassandra.

"Yep, at kung ayaw mong bumagsak sa kinatatayuan mo lumayo-layo ka lang okay?!" Sagot ni Mikayla.

"Let's go girls, we don't have time with those losers hahahaha." Nagtatawanan silang lumabas ng shower room.

"Thank you Kai huh." Ngumiti si Mikayla. "Donna 'wag mo nalang sila pansinin okay? Isipin mo nalang mga drug addict sila kaya ganyan sila sayo." Nagtawanan sila. Nagsimula na ang klase nila sa PE.

----

Don't forget to leave your comments :D

Writing Tip # 1=  Read read read and read. You have to gain experience in reading. Matuto ka munang magbasa bago magsulat para malaman mo how to exactly express an emotion as well as the formats in writing. Basahin mo yung mga genre na gustong gusto mo.

•°•°Djhemishere•°•°

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon