Djnote: Huwag gayahin. Baka mapasama kayo.
Ika apat na kabanata- Ang ritwal ni Madonna
Sa guidance office ay binisita ni Mr.Amon ang kanyang asawa na si Tanya ang guidance counsilor ng university.
"Hi Hon sorry I did not come with you for lunch, may appointment kasi ako sa isang estudyante." Panimula ni Tanya
Pabalik-balik si Brylle sa paglalakad habang naka-sapo sa noo.
"What's the problem?" Tumayo si Tanya sa pagkakaupo nito sa kanyang swiveling chair. "I think Madonna likes me at hindi ko alam ang gagawin ko." Lumapit si Tanya sa asawa at niyakap ito. "I guess I have to talk to her for a guidance counseling."
---
Sa school ground habang nakatambay sina Ted at Robert, nakita nila si Ben at nilapitan ito. Si Ben ay isang nerd at scholar ng university.
"Hey Ben." Inakbayan ni Robert ang binata at sinabayan nila paglalakad. "Ah bakit? Sino kayo?" Tugon ni Ben.
"Ikaw yung student assistant sa audio-visual tama?" Tanong ni Ted sa binata. "Ako nga po bakit?"
"Baka gusto mong sumama sa amin bukas ng gabi. You know it's weekend and just a little party before we graduate." Paanyaya ni Ted.
"Ah eh hindi ako sigur-"
"Oh come on para naman mas magkakilala tayong mga batchmates." Kalaunan ay napilit din ng dalawa si Ben.
Maging ang magkasintahang Mikayla at Eddie ay napilit ni Ted upang sumama sa kanilang little party na ang totoo ay parte lamang ng kanilang plano para kay Madonna.
Kinagabihan matapos manggaling ni Madonna sa skwela ay agad itong pumunta sa kanyang kwarto at nagbihis. Matapos niyang magpalit ng damit ay nakita niya ang picture frame ni Brylle sa lamesita ng kanyang kama. Kinuha niya ito at tinitigan.
"Magiging akin ka Mr. Brylle Amon." Tumayo si Madonna upang tanggalin ang isang itim na carpet at tumambad ang isang pa bilog na mayroong sulat mula sa ibang lenggwahe. Sa gitna nito ay may dalawang triangle na magkasalungat ang pagkakasulat na lumikha ng isang star-shape. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at umupo sa gitna. Sa pag-upo niya ay inilawan niya ang apat na kandilang itim na nakapaligid sa kanya.
Binuklat ng dalaga ang black book galing kay Mikayla at binasa ang isang love binding ritual. Ipinatong niya ang panyo na binigay sa kanya ni Mr. Amon noong lumuluha siya kasama ang guro. Pumutol siya ng kapirasong hibla ng kanyang buhok at ipinatong sa panyo. Kinuha niya ang isang kandilang itim at pinatakan ang kanyang buhok at panyo ng kanyang guro na sumisimbolo ng pag-iisa ng kanilang puso ni Brylle. Binigkas ang mga kataga.
"Mula sa mga sinaunang nilalang ng kabilang dimensyon. Inaalay ko ang aking kaluluwa sa inyo. Dinggin ang aking ninanais."
Itinapat niya ang kanyang palad sa ibabaw ng kandilang itim.
"Ilawan mo ang apoy na ito na parang nagliliyab na ibon sa mga abo at ibangon ang nagliliyab kong kagustuhan. Bigyan mo ako ng kapangyarihan upang kunin ang dapat sa akin at wasakin ang sino mang haharang sa aking daan."
Hawak ang isang punyal ay binigkas niya ang huling mga kataga.
"Kapalit nito ay ibibigay ko ang aking puso, ang aking kaluluwa at ang aking dugo..."
"Oh great nagmukha na akong mangkukulam sa itsurang ito." Hindi niya tinuloy ang paghiwa sa sarili upang ialay ang kanyang dugo. Niligpit ng dalaga ang lahat ng kalat niyang ginawa at natulog na lamang.
---
Kinaumagahan ay nagising si Madonna dahil sa ringtone ng kanyang phone at sinagot ito ng dalaga.
"Hello? Sino ito?" Panimula ng dalaga.
"Si Brylle 'to Donna." Sagot ng kabilang linya.
"Hindi kita maintindihan."
"Mahina ang reception si Sir Brylle mo ito."
"Sir? Bakit ka po napatawag?"
"I like you Donna, and I know you like me too."
"Pero Sir..."
"Ayaw mo ba sa'kin Donna?"
"Hindi Sir gusto ko kayo."
"Papayag ka ba makipagkita sa akin mamayang gabi?"
"Huh? Para saan?"
"Gusto kitang makasama buong gabi Donna
"Pero paano si Mrs. Amon?"
"Hindi niya kailangang malaman at hindi mo naman siguro sasabihin 'di ba?"
"Syempre naman Sir hindi at gusto kita makasama."
"Magkita tayo sa hostel bukas. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal."
"I would love to Sir."
"I love you."
"I love you Sir." Kasabay nito ay nag-hang up na ang tawag. Ngumiti si Madonna at tumayo sa kama niya.
"Tumalab yung spell." At nagtatalon siya sa sobrang tuwa.
---
"That was so cool babe." Siniil ni Cassandra ng halik si Ted matapos ibaba ng binata ang telepono.
"Matuturuan na natin ang Madonna na 'yan ng tamang asal."
---
Ano ang naghihintay kay Madonna?
---
Writing tip #3:
Hindi mo kailangan gumamit ng BS or love scenes sa iyong obra. As long na kaya mo magpakilig ay mapapaganda mo parin ang iyong gawa. Mas nagugustuhan ng mga readers ang genre ng Rom-Com kaysa sa mga Non-teen fiction although mas mukhang tinatangkilik ang mga ganitong uri ng genre. Try to have some dating scenes and some kulitan scenes na may pagka humor ang dialogues and sure it will click.
•°•°DjHemishere•°•°