Ikatlong Kabanata- Ang lihim na pagtingin ni Madonna

73 4 0
                                    

Ikatlong Kabanata- Ang lihim na pagtingin ni Madonna


Matapos kumain ng lunch ni Madonna ay naglalakad na ito pababa sa hagdan nang isigaw ni Robert at Ted ang pangalan ng dalaga. "Donna!!" Tumingala si Madonna at nakita nitong nagmamadaling bumababa ang dalawa papunta sa kanya. Tumakbo rin si Madonna para takasan ang dalawa. "Tara pare habulin na natin."

Tumakbo si Madonna hanggang sa makapasok siya sa classroom nila at naabutan niya si Mr. Brylle Amon. "Donna sandali may kailangan kami sa'yo." Nang makapasok ang dalawa at nakita nila ang guro ay dali dali silang tumalikod at tumakbo paalis.

"Ano kailangan nila sayo Donna?" Lumapit si Brylle at biglang napaluha ang dalaga.

"Sinisisi nila ako sir *sniff* galit na galit sila sa'kin." Binigay ni Brylle ang kanyang panyo sa lumuluhang dalaga.

"Hindi mo 'yon kasalanan Madonna dahil sila na ang may kasalanan don at dahil magaling ka kaya naiinggit sila sayo." Pang-aamo ni Mr. Brylle.

"Talaga po sir?" Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay nakikinig si Cassandra sa pinag-uusapan nila. "Oo Donna, ikaw ang pinaka-magaling sa klase ko at special ka sa akin kaya huwag kang magpapa-apekto sa kanila." Halos kuminang ang mata ni Madonna sa narinig at kinapitan niya ang pisngi ni Brylle upang halikan.

"No!!" Kinapitan ni Mr. Brylle ang kamay ni Madonna at nasaksihan ni Cassandra ang pangyayaring iyon bago siya umalis.

"Im so stupid." Lumuluha si Madonna na tumakbo pababa sa hagdan at pumasok sa ladies room at doon binuhos ang lahat ng luha nito. Matapos niya umiyak ay umuwi na siya at hindi na pinasukan ang natitirang subjects.

Sa open field ng skwelahan ay nakatambay sina Cassandra, Ted at Robert. "Bwisit na Donna yan at nagsulat pa ng ganong article." Galit na saad ni Ted. Niyakap ito ni Cassandra.

"Donna? You mean yung girl na pumalit sa akin as the editor in chief? That whore." Nag crossed arms ito.

"Kilala mo s'ya babe?" Tumayo si Ted sa pagkakaupo nito sa bench. "Well yeah I just saw her trying to kiss Mr. Amon. I think that bitch is inlove with your teacher."

"Kailangang turuan ng lesson ang babaeng yan." Wika ng binata at nag-isip ng plano.

     Pagbaba ni Madonna ng tricycle ay tumakbo agad ito papasok sa kanilang bahay. Naabutan niya ang kanyang ama na lango sa alak. "Ikuha mo nga ako ng beer sa ref." Utos nito sa kanya. "Dad wala po ako sa mood at masama ang pakiramdam ko. Kayo nalang kumuha." Tumakbo ang dalaga sa kanyang kwarto, humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.

Itinuloy niya ang pag-iyak sa ilalim ng kanyang kumot nang pumasok ang kanyang ama. Madilim ang kwarto ni Madonna. Mas pinili nito ang mga kandila para bigyang liwanag ang buong kwarto kumpara sa mga bumbilya. Lumapit ang kanyang ama dala ang isang bote ng beer. "Ano, ito nalang ba trabaho mo? Magtatago ka nalang sa nakakatakot at madilim mong lungga?" Humalakhak ito at lumagok ng alak.

"Dad please lang!!! Umalis ka na." Natigilan si Roman nang may maramdaman siyang pagyanig ng lupa matapos ang pagsigaw ni Madonna. Inisip nito na baka may tama na siya kaya naramdaman niya ang ganoon kaya minabuti nitong umalis na sa kwarto ni Madonna.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Mikayla dala ang black book ng kanyang lola. "Kai!!" Nakita ng dalaga ang kanyang boyfriend na kumakaway sa kanya at tumatakbong palapit.

"Napaka aga mo yatang pumasok. Good morning." Humalik si Eddie sa pisngi ng dalaga. "Maaga lang baka kung napaka aga ay kanina pakong 5am dito." Nagtawanan sila.

"Tulungan na kita sa dala mo." Alok ni Eddie. "Wag na Ed baka may makakita sayong dala 'toh." Ipinakita nito ang libro sa kasintahan.

"Ano ba yan? Pagkalaki-laki naman niyan." Curious si Eddie. "Sa lola ko ito, ibibigay ko kay Donna sayang naman walang gagamit nito sa amin." Binuklat nito ang aklat.

"Weird." Habang tinitignan ni Eddie ang mga pahina. "Weird talaga." Sagot ng dalaga. "Parang bestfriend mo." Banat ng binata nang...

"Ako ba tinutukoy mo?" Nagulat sila nang makita si Madonna sa kanilang tabi. "Ah eh oo sabi ko hilig mo talaga magbasa ng ganito." Palusot ni Eddie. "Hindi ko nga rin alam eh mana siguro ako sa mama ko haha." Tumawa si Madonna. "Huh? Akala ko hindi mo naabutan ang mama mo?" Nagtataka si Mikayla. "Oo pero sabi ng daddy ko may pagka weird din si mama." Kamot ulong sagot ng dalaga.

"Oh sige eto na itago mo na itong libro." Binigay ni Mikayla ang libro sa kanyang bestfriend. "Thank you dito bhes bored ako sa bahay eh atleast may mababasa naman ako." Pagsisinungaling ng dalaga dahil may iba itong plano at balak gawin sa libro.

---

Writing Tip # 2: Don't force yourself and your mind.

Spend atleast 2 hours of your day in writing your chapters BUT BUT BUT kung walang pumapasok sa utak mo ay huwag magsulat. Try to write in the morning pagkagising mo or at night bago ka matulog. Huwag mo pilitin tapusin ang isang chapter ng isang araw at kung ipagpipilitan baka ikapangit ng story.

•°•°Djhemishere•°•°

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon