Ika-Walong Kabanata (First Revenge)

78 4 0
                                    

)

"What? Have you lost your damn mind? Hinding hindi ko na babalikan ang lugar kung saan natin siya inilibing." Ani Robert nang lamigin sa takot dahil sa tinuran ni Mikayla.

"Wala tayong choice Robert. Lahat tayo hindi matatahimik hanggat hindi natin nakikita ang katotohanan." Pagmamatigas ni Mikayla.

"I think she's right, we could have a lot of sleepless nights brought by Madonna if we don't have to see it by our own eyes." Saad ni Cassandra habang naka-ekis ang mga braso.

Natigil lamang ang usapan nila nang buksan ni Eddie ang pintuan at hinila si Mikayla palabas.

"Kailangan nyo makita 'to." Kinabahan at natakot silang lahat kaya patakbo nilang tinungo ang lugar kung saan sila dinala ni Eddie.

-

SA audi-visual room ay abala si Ben para ihanda ang musical patterns na gagamitin para sa farewell party ng mga 4th year students ng university. Mamaya pa ang klase niya kaya minabuting tapusin na ito ng binata. Lunch break ng lahat kaya pinili nitong bumili ng pagkain at sa loob na lamang ng kwarto ito kainin kahit mag-isa lamang siya.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng isang TV monitor at napamulagat ang kaniyang mata sa nakita.

"Patahimikin nyo nga ang babaeng 'yan." Nakita ni Ben ang video ni Madonna habang inaawat nila ito sa pagwawala.

"Ahhh tangna!" Isinara niya ang pinto ng AVR matapos marinig ang sigaw ni Robert sa video at pilit niyang hinanap kung saan nagmumula ang video. Hinugot niya ang lahat ng CD na nasa player ngunit ayaw tumigil ng video.

"Oh God patay na ba siya?" Matapos sabihin ni Cassandra sa video ay biglang namatay ang TV monitor.

"Patay na ba talaga ako?" Napa-balikwas si Ben matapos makita si Madonna sa likod niya gayong alam nitong ni-lock niya ang pinto.

"D-Donna. Buhay ka?" Napa-atras si Ben dahil sa takot.


"Oo Ben buhay na buhay ako." Malamig ang boses ni Madonna.


"T-tungkol sa nangyari p-patawarin mo ako." Marahang lumapit si Madonna kay Ben.

"Inilibing mo ako ng buhay at wala kang ginawa kundi ang panoorin ako habang ibinabaon sa lupa." Tinulak ni Madonna ang binata sa upuan at pumunta sa likod nito.


"Alam mo ba ang pakiramdam ng nasa ilalim ng lupa?" Umiling si Ben at kinakabahang tumingala kay Madonna.

"Pwes ipaparamdam ko sayo." Tinitigan ni Madonna sa mata si Ben at napasa-ilalim ito sa kapangyarihan ng dalaga at nakita ang buong nakaraan ni Ben.

"Buong buhay mo ay takot ka. You were always bullied by the people around you. You're a loser at walang ginawa kundi ang sugatan ang sarili. How pathetic." Bulong ni Madonna sa binata na napako ang mga kilos at may kakaibang nararamdaman.


"Kung ikaw ang nasa sitwasyon nang gabing ilibing nyo ako, mararamdaman mo ang lupa na unti- unting pumapasok sa bibig mo na pumipigil sa paghinga mo." Sunod-sunod ang mabilis na paghinga ni Ben kasabay ng paglabas ng mga buhangin sa bibig niya na nagpa-samid sa binata.

"Ang mga insekto at uod na unti-unting kumakain sa laman mo." May kirot na naramdaman si Ben sa kanyang tiyan at pagtaas niya ng kanyang polo ay naglabasan ang mga uod kasabay ng paglaglak ng kanyang bituka na pinaliligiran ng iba't ibang insekto.


"Ngayon may gagawin ka para sa'kin." Tumawa si Madonna nang makita ni Ben na isang ilusyon ang mga nakita niya ngunit ramdam ng binata ang sakit.

--

NARATING nina Mikayla ang gymnasium at sa isang malaking LED TV monitor ay pinapanood nila si Ben. Nakipagsiksikan sila sa ibang estudyante na nanonood para marating ang unahan malapit sa TV.


"Palagi akong kinukutya dahil sa pagiging tahimik at pagiging matalino ko. I'm a nerd and I'm a loser, last weekend ay may nagawa akong kakaiba-" Nagkatinginan sina Eddie at Mikayla sa parteng iyon ng tinuran ni Ben.


"Binagabag ako ng aking konsensya at paulit-ulit na bumubulong ito sa akin. Hindi ko kailanman kayang sabihin ang aking nakita." Hinugot ni Ben ang isang cutter at inilagay sa leeg ang isang tali.


"Hear no evil." Unti-unting hinihiwa ni Ben ang kanyang tenga na nagpabaliktad sa simukra ng lahat ng nanonood.


"Speak no evil." Inilabas niya ang kanyang dila at sinimulang putulin ito. Agad na na-alarma si Mr. Amon at tumakbo papunta sa AVR upang mapigilan si Ben sa balak niya.

"S-see no e-evil." Hirap na si Ben sa pagsasalita dahil sa kawalan ng dila ngunit itinaas niya ang cutter at itinapat sa kanyang mata.

"Huwag!!" Nahuli na si Brylle Amon dahil naitarak na ni Ben ang cutter sa kanyang mata at bumagsak sa upuan nitong kinatatayuan.

Naghihinagpis niyang sinulyapan ang nakabigting si Ben na may nakatusok na cutter sa mata. Maging sa loob ng gymnasium ay madaming naluha at nandiri dahil naka tapat sa camera ang bangkay ni Ben kaya kitang kita ito sa malaking TV.


Sa itaas na bahagi ng bleachers ng gymnasium ay lihim na nag-kubli si Madonna at isang malagim na ngiti ang ipinakita nito matapos na masaksihan ang pagkitil ni Ben sa sarili dahil inutos niya na gawin ito ng binata kamakaylan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon