Ikalimang Kabanata- Ang Plano ni Ted

53 3 0
                                    

To my crush este idol pala haha.

Ika-limang Kabanata [ Ang Plano ni Ted ]


Alas-nueve ng gabi ay naligo na si Madonna at inihanda nito ang pinakamagandang dress na maisusuot niya. Kinulot ng dalaga ang buhok nito at naglagay ng make-up at pabango upang mas lalo siyang magustuhan ni Brylle.

Bago umalis ang dalaga ay pinigtal nito ang page ng love spell sa black book nito at inilagay sa kanyang bulsa.

--

Sa hostel ay nagtipon na sina Cassandra, Ted, Robert at Ben. Ang magkasintahang Eddie at Mikayla at dumating narin at sinalubong sila ni Ted at Robert. Pagkapasok nila sa kwarto ay naabutan nila si Ben at Cassandra.

"Hey, glad you make it dude." Bati ni Ben kay Eddie. Lumapit si Cassandra kay Mikayla.

"'Dun tayo sa kama may beer ako." Dinala ni Cassandra si Mikayla sa kama.

"So about sa shower room, Im sorry." Panimula ni Cassandra.

"You know kailangan mong kilalanin si Donna, she's a very cool girl." Ininom ni Mikayla ang beer niya.

Tumayo si Ted sa sofa at naglakad papunta sa pinto. "Dude saan ka pupunta?" Pagpigil ni Ben."

"May tatawagan lang ako. Samahan mo muna sila at i-enjoy ang palabas." Binuksan ni Eddie ang TV at bumalik sa kanilang kinauupuan.

Pagpasok ni Ted sa kabilang kwarto na kanyang binayaran para pagdausan ng kanyang plano inilapag niya ang videocamera sa ibabaw ng lamesita tapat sa kama. Ibinaba niya ang isang kumpol ng bulaklak na may liham sa ibabaw ng kama at pumasok sa CR.

---

Dumating si Madonna sa kanilang tagpuan ni Brylle at pumasok sa pintuan. Agad na napukaw ang kanyang tingin sa isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng kama. Kinuha ng dalaga ang liham at binasa.

"Gusto ko wala ka ng saplot pagkatapos ko maligo. Mahal kita." Saad ng liham at awtomatiko ang paghubad ni Madonna ng kanyang jacket.

"Ooohh dude maganda nga ang palabas." Tumawa si Ben at sinundan ni Eddie at Robert. Tumayo si Mikayla sa kama at tinignan ang pinagtatawanan ng mga kalalakihan.

"Ano yan?" Humarap siya sa TV.

"I don't know. Late night entertainment?" At tumawa nanaman sila.

Nahubad na ni Madonna ang kanyang dress at ngayon ay tanging bra at panty na lamang ang kanyang suot. Inihiga niya ang sarili sa kama at ipinatong ang kumot sa kanyang hubad na katawan. Nailinigan niya ang pagtila ng buhos ng tubig mula sa shower-tapos na maligo si Brylle. Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. Makikipag-relasyon siya sa kanyang propesor.

Bumukas ang pinto ng CR at lumabas ang anino ng isang matipunong lalaki. Lumitaw ang mga ngiti ni Madonna nang makita ang minamahal ngunit binalot siya ng pagsisisi nang makita kung kaninong anino ang nagtatago sa pinto.

Lumitaw si Ted at tawa ito ng tawa matapos kunin ang videocamera sa lamesita at itinapat ito sa dalaga. "Sa tingin mo ba gugustuhin ka ni Mr. Amon ha Donna?" Sumasakit na ang tiyan ni Ted katatawa habang hinihila ang kumot ni Madonna upang lumantad ang hubad nitong katawan.

--

"Grabe hindi ko nahalatang siya yan." Nagulat si Eddie sa nakita at nagtawanan sina Cassandra at Robert habang pinapanood ang video na naka-konekta sa TV at sa videocam ni Ted.

"Oh shit." Napatayo si Mikayla nang makita ang matalik na kaibigan sa telebisyon. Galit nitong sinakal si Cassandra at tinitigan. "Nasaan si Madonna?!" Galit na tanong ng dalaga kay Cassandra.

--

"Ilayo mo sa akin yan. Maawa ka please ilayo mo yan." Lumuluha na si Madonna habang nagtatapis ng kumot at isinusuot ang kanyang damit.

"You bitch napaka-landi mo at kahit anong gawin mo hinding hindi ka magugustuhan ng professor natin hahaha." Nagsasayaw pa si Ted habang naka-focus ang camera sa dalaga.

Pagkasuot ni Madonna ng kanyang sapatos ay tumakbo ito palabas ng kwarto. Nadapa pa ang dalaga nang matalisod ito sa isang naka-usling pako.

"Donna!!" Nakita ng dalaga si Mikayla sa pinto ng kabilang kwarto at sumiklab ang galit ni Madonna.

"Ikaw!! Pinagkatiwalaan kita!" Lumuluhang sinugod ni Madonna ang kaibigan at hinablot nito ang kanyang buhok papasok sa kwarto kung saan naroon sina Cassandra.

---

•°•°Djhemishere•°•°

Madonna (Unrated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon