1

3.9K 41 4
                                    

Mahlia De Guzman

"Hoy Muchacha!" rinig kong tawag ni Ashelle sa akin

Ito na naman po

Sa araw araw na ginawa ng diyos, araw araw din pahirap ng pahirap ang buhay ko sa bahay na ito.

Araw araw puro utos, kapag hindi nagawa ng maayos hagupit ng sinturon or ng mga kamay nila ang natatamo ko.

Lord, wala na po bang mababago sa buhay ko? Ito na po talaga?

Dito sa bahay na ito ko naranasan na matalsikan ng mantika, mapaso sa mga kawali at kaldero. I feel like I am not supposed to do those chores, basta pakiramdam ko hindi ganito yung mga ginagawa ko dati. I feel like I don't belong here, I don't belong in their family.

Since I was 5, sila yung kinilala kong pamilya, basta isang araw nagising nalang ako sa isang isla eh, tapos nagpakilala sila as my uncle and auntie at inuwi nila ako dito sa syudad sa bahay nila. They took care of me for a year, but after that, tinrato na nila akong basahan at muchacha sa bahay na to.

Lumapit ako kay Ashelle na naglilinis ng kuko nya

"Kapag tinatawag ka, lumapit ka agad! Wag kang kukupad kupad!" sabi nya at binatukan pa ako

"Ya estoy aqui, que mas quieres?" Mahina kong bulong.

Actually, hindi ko alam kung saan ako natuto mag Espanyol, bigla bigla nalang sya lumalabas sa bibig ko minsan lalo kapag galit ako or naiinis ng sobra.

"Ano?! May binubulong bulong ka dyan?!" inis nyang tanong at pinisil pa ang pisngi ko sa pagitan ng kamay nya

"Wala po" sabi ko

"Gawin mo itong assignment ko, kailangan mo yan matapos ngayong gabi kundi yari ka sakin"

Magkaiba kami ng strand pero ako pinapagawa ng assignments nya

Buti nalang tinatapos ko na yung assignments ko sa school bago umuwi kaya wala na akong poproblemahin, kaso pati assignments nila ako pinapagawa nila.

Minsan naiisip ko, may natututunan pa ba sila?

Kinuha ko yung mga notebooks at libro nya at bumalik sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung matatawag bang kwarto to dahil para lang syang storage room na nilagyan ng foam para may mahigaan, yung mga damit ko rin at nakatiklop lang at nasa isang durabox, tapos may lampshade lang as my source of light na regalo sa akin ni Naiah nung birthday ko.

Sa totoo lang, may times na gusto kong tumakas sa bahay na ito eh, kaso naiisip ko kapag ginawa ko naman yun wala akong ibang mapupuntahan dahil sila lang ang kamag-anak ko, wala akong ibang kamag-anak dito.

Ginawa ko nalang yung assignments ni Ashelle kesa na mapagbuntunan na naman nya ako.

Pagkatapos kong gawin yung assignments nya, bumalik ako sa kwarto nya at binigay na sa kanya yung mga libro nya at hindi man lang ako nakatanggap ng pasasalamat

Ano pa bang aasahan ko?

Pagkabalik ko sa kwarto, natulog nalang ako kasi may pasok pa bukas.

Pagdating ko sa school, sinalubong ako agad ng bestfriend ko

"Liababes!!!"

"Ang aga aga ang ingay mo, Naiah" sabi ko

"Namiss lang kita, kamusta ka naman?"

"Weekends lang ang nagdaan, Naiah. Ang OA mo"

"Kahit na, kamusta naman? Kinawawa ka na naman ba ng mga peste mong kamag-anak? May bagong pasa ka na naman ba? O sugat?"

"Wala naman, tsaka don't say that thankful parin ako kasi sinusustentuhan nila yung needs ko noh"

"Hay ewan ko sayo, Lia! Masyado kang mabait kaya inaabuso ka ng mga yun eh. Sabi ko naman sayo doon ka nalang sa amin tumira eh"

"I know your parents can protect me, pero ayokong madamay kayo sa gulo ng buhay ko. It's enough for me na andyan ka to make me smile"

"Ewan ko sayo! Anyways, balita ko may mga transferee daw ah, di ko lang sure kung lalaki o babae, pero sana lalaki tapos pogi, yummy!"

"Pag-aaral ang atupagin mo, Naiah, hindi lalaki"

Grade 11 na kami and same kami na ABM yung strand kasi pareho kaming gustong maging Lawyer in the future

Sana matupad ko, susuportahan parin kaya nila Tita yung pag-aaral ko sa College? Sana man lang kahit scholarship magkaroon ako, less din yun sa gastos, tapos kahit magpart time nalang ako

I'm 17 years old, turning 18 next year. Pangarap ko magkaroon ng debut pero alam kong imposibleng mangyayari yun. Kahit makapagblow lang ng cake sa 18th birthday ko sana man lang matupad ko.

Pumasok na kami sa room at umupo sa kanya kanya naming upuan. Nagdudrawing nalang ako habang nakahawak sa kwintas ko.

Ayun nga pala kung paano ko nalaman yung birthday ko, nung nagising kasi ako may binigay na kwintas sa akin yung nurse tapos nakalagay sa name is Lia tapos sa likod nung crown pendant is birthday ko. Oo inassume ko na birthday ko yun, parang tugma lang naman.

Pagkarating ng prof namin, nanahimik na yung mga kaklase ko at bumati kami lahat sa prof namin

"Ok, so alam ko nababalitaan niyo na may mga transferee dito sa school natin, well, dalawa lang naman sila, and dito sila sa class natin mapapabilang, so I am expecting each and every one of you to treat them well and respect them like how you respected each other, ok?"

"Artista ba yan, Miss?"

"Nope"

"Anak ng politician?"

"Bakit ang sabi sabi po may katungkulan daw?"

"Well, they have, but, they are powerful than those. Boys, come in" sabi ni Miss

May pumasok na dalawang lalaki at literal na nangunot yung noo ko.

They look so familiar

Saan ko ba sila nakita?

Bakit parang nakita ko na sila, namumukhaan ko sila!

Geez! Hindi ko alam saan, pero parang nakita ko na sila.

The taller guy looks cold and not showing any emotions, familiar talaga yung mukha nya

The smaller one is a bit bubbly, he's smiling pero hindi ko alam pero hindi totoo yung ngiti nya, it's a fake smile.

They are both so familiar with me.

The taller guy brushed his hair that made him looks even handsome

Halos lahat ng babae dito laglag panga, pero ako talagang nakakunot noo

Lumitaw na tattoo sa may braso nya

Mi corazón

"AHHH!!!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang pagsakit ng ulo ko

"Mi Corazón?" The little boy asked

"Sí. Todavía somos jóvenes para tatuarnos, así que eso servirá."

"Qué?"

"Cuando seamos viejos, quiero tener un tatuaje, los dos. pondrás Mi Corazón en esa parte y Yo pondré Mi Caballero en mi muñeca"

"No, don't put a tattoo on your skin. But, I will put a tattoo on mine with Mi Corazon, because you're my heart" the little boy said that made the little girl smile

"AHHH!!"

"Lia, are you ok?"

I was about to stand up but darkness consumed me.

I am the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now