Lia's POV
Andito kami ni Kris sa Dr. Jimenez na sinasabi ni Jai.
Wala si Jai kasi may inaasikaso daw, may meeting kasi dapat ang Daddy nya dito, pero since he's here, sya nalang ang pinapunta.
Ang sabi nya susunod siya dito pero mukhang malabong makasunod siya.
Actually hindi ko alam kung bakit kami nandito eh, ang sabi ko naman is healthy ako pero gusto daw nya makasigurado na wala akong sakit at healthy na healthy daw ako.
Simula nung nagising ako after nung time na nagkaroon ng news flash about sa Lost Princess ng Spain, hindi ko alam pero nahimatay ako dahil na naman sa mga nagpiplay sa utak ko, tapos nagising ako sa isang napakalaking kwarto tapos yung design is yung gusto kong design ng kwarto at doon ko nalaman na inuwi pala ako ni Jai at Kris sa mansion nila and they never let me go home doon sa kamag-anak ko
Bantay sarado ako, miski sa CR may mga babae akong bodyguard kaya hindi malapit sa akin yung kambal kong pinsan at hindi rin ako makatakas para makauwi sa kanila. Well, ayaw ko narin naman bumalik doon eh, ayoko na maranasan ulit yung naranasan ko sa kanila for almost 12 years.
Parang feeling ko narereceive ko na yung dapat na kinakalagyan ko sa buhay. Hindi ko alam, ang weird weird ko na.
"P– Lady Lia, Viscount Abraham"
"Good Day, Dr. Jimenez" bati ni Kris sa kanya
"Good Afternoon po" bati ko naman
"This is the list of the tests that needs to be done to Lady Lia. Then, after taking those tests, you can come back on Saturday for the results and for me to discuss the result to you"
Nanlaki ang mata ko nang makitang kailangan ko kuhaan ng dugo
"Hala! Bakit po kailangan ko kuhaan ng dugo? Wala po akong dengue. Healthy naman po ako eh. Hindi ko naman na po kailangan nyan eh" sabi ko
"Sorry, Lady Lia. We are just following the Prince's order"
"Huy, ipatanggal mo nalang to, please Kris. Ayoko nyan, bahala kayo, hindi ako magpapakuha ng dugo"
"Lia, hindi pwede. Utos yan ni Jai. Kami ang malalagot kapag hindi ka nagpakuha ng dugo" sabi ni Kris. "Tsaka hindi yan masakit promise, parang kagat lang ng dinosaur" dagdag nya kaya lalong nanlaki ang mata ko
"Nangangain ng buhay ang dinosaur, Kris, ano ba?! Ah basta ayoko niyan. It's either ipapatanggal niyo yan or hindi ko gagawin lahat ng tests na yan, bahala kayo"
"Bakit ba ayaw mo? Takot ka sa injection?"
"Wala ka na don, basta ayoko nyan"
"Sige ganito nalang, kapag nagpakuha ka ng dugo bibilhin natin yung aso na nakita mo kanina, yung sa may pet store na nadaanan natin"
Nagningning naman ang mata ko.
May nadaanan kasi kaming pet store kanina, tapos sa may display nun sa labas may cute na cute na aso, shihtzu ata yun. Nagka-eye contact pa kami nung aso kasi traffic kanina, kaya ayun parang sinasabi nya na bilhin namin sya. Ito namang si Kris ayaw kasi makalat daw ang aso, eh nasa pangangalaga naman yun eh.
"Promise?"
"Oo promise, basta gawin mo lahat ng tests na yan pati pagkuha ng dugo sayo" sabi nya
"Sige sige, basta promise yun ah"
"Oo nga, hilig talaga sa aso" sabi nya. May binulong pa sya pero di ko na inintindi
Nagsimula na nya akong samahan gawin yung mga need na tests sa akin, sabi nya ihuli nalang daw namin yung pagkuha ng dugo para di ako mabigla.
YOU ARE READING
I am the Long Lost Princess
RomanceAfter the plane crash accident she was involved in when she was 5 Mahlia woke up in an unfamiliar island Surrounded by unfamiliar people, exactly people she doesn't even know Was brought into the city by the people who told her that is her relatives...