Lia's POV
It's Monday again and need na naman harapin yung William na yun.
But, I really don't feel like going to school. Ang bigat ng pakiramdam ko, nilalamig ako ng sobra.
I cover myself with my thick blanket and nagsuot din ako ng makapal na hoodie ni Jai bago matulog kagabi, pero ganun parin.
"Good Mo– Mi amor? Are you ok?"
Ramdam ko ang pag-upo ni Jai sa kama ko at unti unti nyang tinanggal yung blanket ko sa ulo.
"P-Pakipatay nung aircon, please" I favored weakly.
"Shit!" He said and stood up.
Rinig ko ang pagpatay nya ng aircon, at pagpasok nya sa bathroom ng kwarto ko. Nilagyan nya ng tubig yung basin na nasa sink sa banyo ko at kumuha ng malinis na bimpo sa closet ko.
Pagbalik nya, may dala narin syang thermometer.
"Say Ah!" He said at sinunod ko naman.
He put my thermometer in my mouth.
He soaked the cloth in the water at pinigaan tsaka inilagay yun sa noo ko.
"Wait me here, Mi amor. I'll tell them lang that you're having a fever, ok?"
I just nodded at pinikit ang mata ko.
I tried going back to sleep kaso ang sakit ng katawan ko, hindi ako makatulog, lalo yung likod ko ang sakit.
Pagbalik ni Jai, kasama na nya sila Mommy.
"Anak, what are you feeling? Saan masakit?" Tanong ni Mommy.
"My body" I weakly said.
Kinuha ni Mommy yung thermometer nang tumunog ito.
"39 degrees. Dalhin ka namin sa ospital, sweety"
"Ayaw" I said and pout
"What do you want? Any food you want to eat?"
"Do you want me to cook porridge, Mi amor?"
I nodded at him at lumabas sya ng kwarto ko para siguro magluto.
"What else do you want, anak? We will excuse you to your class nalang for the whole week"
"I'll call our doctor narin" sabi ni Daddy at may tinawagan, but, they never left me here in my room.
My tears started pooling in my eyes. I never imagine this dat would come again.
For 12 years, walang nag-aasikaso o nag-aalaga sa akin tuwing maysakit ako. Everytime na may sakit ako pinapakilos parin ako ng mga De Guzman sa bahay nila at sinasabihan ako na nag-iinarte lang.
Kahit hindi ko na kaya tumayo, at sobrang hinang hina ako na para akong magcocollapse, pinapaglinis parin nila ako ng bahay nila, at pinapaglaba parin nila ako.
May one time pa na nagkasakit ako tapos sumabay yung menstruation ko, sobrang hinang hina ako, pero pinaglaba parin nila ako, tapos nagcollapse ako sa may laundry room nila. Nagising nalang ako dahil sinisipa nila ako para gisingin, pinili ko daw tulugan yung trabaho ko.
Pero ngayon, nakahiga lang ako at inaalagaan ng magulang ko. All of their attention is on me dahil sa pag-aalala. I'm really happy to finally be at home.
Dati kasi naiinggit ako kila Ashelle at Loiza kasi everytime may sakit sila, sobrang alaga nila ng magulang nila, dinadala pa sila sa ospital.
Ngayon na kasama ko na magulang ko, hindi ko na kailangan mainggit. I'm home, and maaalagaan na ako ng mabuti ng pamilya ko
YOU ARE READING
I am the Long Lost Princess
RomanceAfter the plane crash accident she was involved in when she was 5 Mahlia woke up in an unfamiliar island Surrounded by unfamiliar people, exactly people she doesn't even know Was brought into the city by the people who told her that is her relatives...