15

1.2K 33 0
                                    

Lia's POV

After ng confession ni Jai na yun

Syempre ito ako, araw araw gumigising at natutulog ng masaya, although there are times that I am still having nightmares pero si Jai doon sa kwarto ko natutulog

Don't judge ah! Sa may sofa bed sya natutulog, hindi po sa tabi ko!

And each night na nagkakaroon ako ng nightmares, mas lalong lumilinaw yung mga mukha ng tao na andun at mas lalong lumilinaw yung nangyayari

Am I near to my real identity? Am I near to knowing who I really am?

Sana naman, napakahirap mabuhay na wala akong ibang alam about my past.

I am also noticing some changes in me na naninibago ako kasi pakiramdam ko natural sya pero para akong nagkakaroon ng ibang katauhan.

Enough of that for now, so ayon, andito kami sa isang park kami magkakaklase kasi may performance chuchu pala daw sa Sports Fest, tapos yung section namin yung pambato daw ng ABM strand, kaya section namin yung nilista, so dito kami magpapractice.

May guards parin kaming kasama, pero nakamotor lang si Jai at Kris, at syempre inangkas ako ni Jai. Boyfriend ko siya eh

Kilig pariiiin

I am wearing a black oversized shirt and black na high waisted short. Pinag-awayan pa namin ang pagshushort ko pero syempre nanalo ako, but, he brought one of my gray sweatpants, in case daw, tapos nilagay nya sa bag na dala namin.

Andun kasi mga necessities ko like water, extra shirt namin, tapos towel, then our phones, tapos yung sweatpants ko nga.

"Ano ba kasing mix natin?" Tanong ni Naiah na kumakain dito sa tabi ko.

Badtrip nga, ayaw pa nya mamigay nung fries nya, may period kasi sya kaya nagdadamot at nagsusungit

"Penge lang isa" I pleaded

"Isang kuha, isang sapak" sabi nya sakin

"Ganyan ka na sakin?"

"May dalaw ako kaya oo" sabi nya that made me pout. "Pabili ka sa jowa mo, girl, pwede naman" she even said in a low tone para kami lang makarinig

"Baliw ka" sabi ko.

"I'll just buy something, Mi amor" sabi ni Jai

I looked at him intensely

"Kasama ko si Kris, naiinggit daw siya sa fries ni Santos eh, so he's asking me to go with him to buy fries din" sabi nya and kissed my forehead

"Ako?" Tanong ni Kris.

Nangunot yung noo ko sa sinaad ni Kris kaya nagpalipat lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ah oo nga, gusto ko ng fries. Akin na muna jowa mo, oo tama, ako yung bibili ng fries" sabi nya at umalis na sila.

"Girl, paano umamin si Prince sayo?"

"He just told me he loves me" I said

"Saan? Kelan? Paano?"

"You ask so many questions ah. Basta, umamin siya, yun na yun" sabi ko

"Nagsisikreto ka na sa bestfriend mo ah"

"Next time, ikukwento ko, promise" sabi ko.

Habang nagkukwentuhan kami at inaayos yung mix ng sasayawin namin, naramdaman kong may papalapit sa akin or someone na papunta sa direksyon namin

I looked around and I saw Loiza, and she was about to pull my hair when someone pulled me first, and umakbay sa akin

"Trying to hurt my girl, eh?" Jai said coldly.

I am the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now