Lia's POV
Andito ako sa school at ang katabi ko ay si Naiah.
Si Kris at Jai hindi pumasok kasi may aasikasuhin daw sila, pero inihatid ako ni Jai kanina papasok. Tapos may sandamukal na guard din ako sa palibot ng school.
"Girl, ang weird mo na talaga, sana all nagagamit both left and right hand"
"Ano na namang problema mo sakin?"
"Kasi you're writing using your left hand, but, when you draw, ang gamit mo is right hand"
"Eh doon ako comfortable eh" sabi ko at nagpatuloy sa pagdudrawing.
"Lahat ba may susuotin na for the prom next month? You guys should start preparing for the prom" sabi ni Sir Rosales
"Nakaprepare na sir, last year pa"
"Grabe yon ah, na-foresee na ang prom? Anyways, prepare for a quiz tomorrow, 20 items quiz. That's all, class dismissed" sabi nya at lumabas na.
Oo nga pala, Senior prom na next month. Hindi rin naman ako aattend doon, wala naman akong pera pambili ng dress na gagamitin ko.
"May dress ka na, girl?" Tanong ni Naiah
"May pera ba ako?"
"Sabay tayo bumili, papabilhan din kita kila Mommy"
"Wag na, tsaka di ko rin feel umattend sa Prom" sabi ko.
Makikipaglaro nalang ako kay Tofi.
Napangiti na naman ako nang maalala si Tofi.
Ano na kayang ginagawa nya sa kwarto ko?
Nilalaro kaya sya nung mga maid doon?
Namimiss ko na si Tofi, gusto ko na mag-uwian para makalaro ko na si Tofi.
Oo nga pala, walang nakakaalam na kila Jai ako nakatira, miski si Naiah hindi nya alam, ang alam parin nya is kila Tito ako nakatira. Ewan ko, di ko feel sabihin sa kanya malisyosa tong babaeng to eh.
Pagka-breaktime, dumiretso kami ni Naiah sa cafeteria para kumain, tinext din kasi ako ni Jai na wag ako magpapalipas ng lunch at susunduin daw niya ako mamaya.
"Usap usapan parin yung nawawalang prinsesa ng Spain noh? Naging hot topic even sa social media"
"Mukha ba akong nagsosocial media? Pero naririnig ko nga yan sa mga balita. Hindi parin ba nila nahahanap?"
"Mukhang hindi pa eh, alam ko maglalabas na sila ng reward sa makakahanap eh. Pero paano mahahanap kung wala naman silang nilalabas na picture ng prinsesa"
"Bakit? Makikihanap ka na? Ano to? Finder's keepers?"
"Girl, hindi biro yung reward kapag mga ganyan, malay mo diba? Pag nahanap ko yung prinsesa, aba kahit ako na magpaaral sayo hanggang Law School"
"Sige suportahan kita dyan. Magiging scholar ako ni Zenaiah Santos, wala namang maintaining GPA diba?"
"Wala noh! Basta papakopyahin mo ko lagi"
"Baliw ka talaga" sabi ko at nagtawanan nalang kami
"Ay may isa pa akong chika" sabi nya
"Alam mo, Marites ka ng taon noh? Ang dami mo laging baon na chismis"
"Syempre, ano pa at kaibigan mo ko kung hindi ka mababahagian ng chika diba? So yun na nga, may chismis na kumakalat sa buong AEHU"
"Ano naman yan? Bakit parang di naman ako updated?"
"Eh paano ka magiging updated eh lagi kang nagkukulong sa room tapos nagdudrawing, minsan pa MIA ka" sabi nya
Hindi ko sya masisisi, napapadalas kasi yung pananakit ng ulo ko at pagkahimatay ko, parang di ko narin feel makihalubilo, gusto ko lang tahimik tas mag-isa ako.
Tsaka hindi rin alam ni Naiah yung mga nangyayari sa akin lately and thankful ako na hindi naman sya nagtatanong.
"So yun nga girl, yung kumakalat na chismis is andito daw sa school nag-aaral ang nawawalang prinsesa"
Hindi ko alam pero bigla akong natigilan.
Eh ano naman?
Hindi naman ako makikihanap
Bakit para akong na-a-alarma?
"H-Huh? P-Paano naman nila nasabi?"
Bakit ba ako nauutal?
Ano naman sa akin kung dito nag-aaral ang prinsesa?
She has the right of Education naman ah!
"Walang proof pa, kasi walang nakita sa CCTV pero may isang painting daw na nakita sila Miss Jess sa painting room na kapareho na kapareho ng mga paintings daw ng Prinsesa nung bata pa siya. Hindi pareho yung mismong painting pero yung quality daw, the paint strokes and all. Tapos dinala nila iyon sa Dean's office pero isang araw biglang nawala daw yung painting sa office ni Dean Cyrus. Walang nakakaalam sino kumuha"
Lalo akong kinabahan sa sinabi nya
"K-Kelan nakita yung p-painting?"
"Nung last last week ata, after ng breaktime"
"Ano itsura nung painting?" Tanong ko
Hindi naman siguro nila ako nakita na pumasok ng painting room diba?
Eh hindi naman ako ang prinsesa eh
"Walang nakakita, sila Dean lang nakakaalam ng design, walang ni isang picture nung painting kaya hindi alam ng mga estudyante yung itsura, basta sabi lang ni Miss Jess, disturbing yung type ng painting"
"Eh paano nila nalaman na sa prinsesa yon?"
"Ano ba yan! Sagana ka na sa chismis mula sakin ah. Pero dahil bestfriend kita, sige sabihin ko sayo yung narinig ko noon sa Dean's Office."
Pati pagiging chismosa umaabot ng Dean's Office
"So ito na nga, matagal na daw palang pinag-aaralan ng History at Art Department yung mga gawa ng prinsesa especially her paintings. Nagtataka sila what is with her paintings na nakaka-attract ng maraming tao. But girl, ang nalaman ko, may mga paintings daw ang prinsesa that is seeking for help or like may danger"
"Help? Paano? Sa type ng painting?"
"Nope, the color combinations na ginagamit ng prinsesa"
"Red indicates danger" I unconsciously said
"Yun nga, tama. Yung ibang mga drawings nya kahit hindi need ng color red is may makikita ka daw na shade of red, so sinasabi nila is simula pa noon pinapahiwatig na ng prinsesa that she's in danger"
"Wait lang, Naiah, CR lang ako" sabi ko at tumakbo na palabas.
Hindi ko alam bakit, pero tumakbo lang ako papunta sa kung saan, yung mga guard ko tumatakbo kasabay ko para mahabol ako.
Unti unting bumibigat yung paghinga ko, hindi ko alam ano na namang nangyayari sa akin.
I just saw myself running to the parking lot, para akong humahanap ng kakampi sa hindi ko malamang dahilan.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mabangga ako sa isang matigas na bagay.
"Hey, Mi amor. Why are you running? Are you ok?"
Nang makita ko ang mukha ni Jai, kumalma ako ng kaunti at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya para langhapin ang nakakakalma nyang amoy.
Ang lalalim ng paghinga ko, hindi ko alam bakit pakiramdam ko suffocated ako.
"Hey, you're safe. Andito ako, calm down, baby" he said and rubbed my back with his hand
Nakayakap lang ako sa kanya habang tumutulo yung mga luha ko na hindi ko alam ang dahilan.
I just felt him kissing the top of my head and whispering calming words to me hanggang sa kumalma ako at bumalik na sa classroom kasama siya at si Kris.
YOU ARE READING
I am the Long Lost Princess
RomanceAfter the plane crash accident she was involved in when she was 5 Mahlia woke up in an unfamiliar island Surrounded by unfamiliar people, exactly people she doesn't even know Was brought into the city by the people who told her that is her relatives...