Chapter 2.

458 17 0
                                    

Nasa labas na sila ng NAIA and Sharlene is still fighting the urge to cry in front of Nash, nag usap kasi sila na walang pwedeng umiyak sa kanilang dalawa.

"Bro, ingat ka dun tsaka kung may nag hahanap ng gwapong model dun... I'm one text or call or skype away." Pabirong sabi ni Francis.

Siniko naman agad siya ni Alexa at nag tawanan silang dalawa.

"Uy, kayong dalawa! Kanina pa kayo tahimik jan ah!" Sabi ni Nash habang niyayakap si Sharlene.

"Oo nga, may problema ba?" Tanong ni Alexa.

"Ah wala—Ah sige tol mag iingat ka sa New York." Sagot ni Jairus.

"Oo, ingat ka." Sabi naman ni Mika.

Nag group hug naman sila bago pumasok si Nash sa loob ng airport at makapag check in at nag si alisan naman sila isa isa. Francis and Alexa always go together at bigla naman silang nag taka na naisipang sumabay ni Mika kay Sharlene papuntang trabaho.

On the way to the café nag usap silang dalawa ni Mika at Sharlene.

"Ay te alam ko na yang mga ganyan ah? Nag away kayo noh?" Tanong ni Sharlene whilst her eyes we're on the road.

"Siya kasi! Nagalit nalang siya bigla nung naamoy niya yung alak sa bibig ko." Sagot ni Mika kay Sharlene, naramdaman rin niya na kanina pa nag vi-vibrate ang cellphone niya pero hindi niya ito sinasagot o tinignan man lang.

"Hindi mo ba nasabing nag celebrate tayo kahapon? Tsaka sa pag kakaalam ko naman ayaw niyang umiinom ka kapag wala siya sa tabi mo and hmm te! Marami kang nainom kahapon. Wag mong i-drown yung sarili mo sa alak dahil malungkot ka, try mong sampalin si Jairus nang matauhan yun!"

Tumawa naman si Mika at natigilan ito nang napansin niyang seryoso pala talaga si Sharlene sa sinabi niya.

"Seryoso ka? Sasampalin ko talaga?" Tanong ni Mika.

"Try mo! Tulungan pa kita eh—alam mo, ayoko sanang umagree sa mga sinasabi sayo ni Alexa pero hindi ko naman mapigilan eh. Tama siya, Jairus has no time for you at all eh pati nga anniversary niyo kinalimutan niya diba?"

Tumango naman si Mika umagree siya sa sinabi ni Sharlene pero she couldn't just slap Jairus nang dahil nakalimutan niya ang anniversary nila.

__

"Ma'am, may tumawag po sa phone... kapatid niyo raw po—si Miles." Sabi nung assistant ni Sharlene na si Darla as she enters her office.

Sharlene always see her sister Miles as a competition, nakapag tapos ito sa kursong business ad sa Europe and she is successful as hell and Sharlene always see her as a threat. Everytime umuuwi siya galing Europe hindi siya maubusan ng kwento tungkol sa mga achievements niya, mga manliligaw, modeling offers that she turned down and etc. and every reunion ipinagmamalaki siya ng mga magulang nila.

"Tell her I'm busy." Sagot ni Sharlene.

"Okay po mam." Sagot naman ni Darla as she left the office.

Nagulat naman si Sharlene sa biglang pag atake ni Miles sa kanyang opisina. She was dressed in black from head to toe. Sharlene stares at her killer dress na kitang kita ang curves ng katawan niya and those killer heels na matagal nang inaasam asam ni Sharlene.

"So, you're really avoiding me huh?" Miles said with an accent.

"Busy ako." Sagot ni Sharlene while her eyes are still glued to her laptop.

"Big time ka na pala ngayon baby sis—look at you all grown up with a big office on the top of a café." Miles said.

Mabait naman si Miles at paboritong paborito niyang kapatid si Sharlene and seeing Sharlene hating her pains her the most. Hindi niya kasi alam kung bakit ganun nalang siya kung tignan ni Sharlene eh lahat naman nang bagay shine-share niya.

Stranded Book 2: Standed All-Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon