MY DELIVERY BOY EP. 1

15 3 0
                                    

My delivery boy...

Malas Naman.. 😡bakit Ngayon pa umulan? Ayos lang diretso ko na to' malapit na Lang distinasyon ko, (mapapatingin si Lian sa monitor Ng kanyang cellphone habang nakabukas Ang kanyang gps) Isa siyang working student at eto lang Ang naisip niyang marangal na trabaho upang sumuporta sa kanya at sa kanyang pamilya  lalong-lalo na sa kanyang bunsong kapatid. Ang maging Isang food grab driver. May tatlong araw siya na bakante sa loob Ng Isang linggo kung kaya imbes na sayangin ay inilalaan Niya ito sa pagiging delivery boy Ng food grab, masaya siya sa kanyang ginagawa lalong Lalo na sa mga taong naaappreciate Ang kanilang serbisyo at pagod, Sobrang ikinasasaya Niya kapag may mga nagbibigay Ng malaking tip para sa kanyang ginagawa...

Matagal pa ba?? Biglang labas sa kanyang screen, Ng mensahe Mula sa kanyang costumer,

Mabilis nalang po..5 minutes,, pasensya na po naabutan po Kasi ako Ng ulan...tumigil muna po ako saglit..

Seryoso ka? Tumigil ka? Gutom na ako... Mag iisang Oras na yang pizza na order ko ahh.,,

Relax lang po boss, malapit na,😊

Siguraduhin mo lang😡😡😡

Di alam ni Lian kung matatakot ba siya o ano sa tatlong emoji na kasabay Ng last message Ng costumer...
Sungit Naman Neto naisip nalang Niya kasabay Ang pagbuntong hininga Neto, buwesit Kasing ulan to basang basa na ako,, Basang basa na nga ang kanyang green uniform pati Ang kanyang pantalon, ayaw pa sana niyang tumuloy kaya lang nag aalburuto na Ang kanyang costumer..

Pagdating Niya sa subdivision kung saan nandoon Yung house number at kitang kita Niya sa kanyang cellphone screen na nakarating na nga siya sa Bahay Ng kanyang costumer ay kinabahan siya bigla, di Niya na ipinasok Ang kanyang motor upang Hindi na siya mahirapan  pabalik, bumaba siya sa kanyang service motorcycle, binuksan Ang box sa likod at kinuha Ang dalawang box Ng pizza, kinuha Niya Ang cellphone at tinawagan Ang number ng kanyang costumer ring lang ito Ng ring..

Malayo Ang iniisip ni Xian habang nakababad sa kanyang bath tub, kanina pa siya umiinom ganito siya palagi kapag nalulungkot at kailangan magrefresh at magreset Ng sarili sa mapanghusga at mapanglokong Mundo, katatawag lang Kasi kanina Ng kanyang daddy na NASA ibang bansa, Kinukumusta Ang kanyang  application sa PMA upang sumunod sa yapak nito at sa nahantungan Ng kanyang Tito na mga sundalo Ng bansa. Siya ay nakatira sa kanyang Lola at sundalong Tito, dalawang malaking Bahay At sa Isang Bahay nagiisa siyang nakatira, eto Ang kanilang Bahay noon na NASA likod lamang Ng Bahay Ng kanyang Lola,, Malaki ito para sa kanya, dahil sa nagiisa siyang anak Ng kanyang mga business minded na mga magulang, Ang kanyang mga magulang ay NASA ibang bansa malalaki Ang restaurant na pinapalakad nito sa Thailand, Taiwan, at Singapore kung saan madami din itong branch Dito sa Pilipinas.
Eto na tlga Ang negosyo Ng kanyang mommy na pamana pa Dito Ng kanyang Lolo at Lola sa mother side. Pagkatapos mag retired Ng kanyang ama sa pagiging sundalo ay sumunod na ito sa kanyang Ina sa ibang bansa, siya ay naiwan sa Lola at Tito na hindi malayang nakapipili Ng gusto Niya sa buhay, Ang angkan nila sa father side ay pawang mga tagapaglingkod Ng bansa kahit na siguro Ang nga Babae niyang pinsan Ang karamihan sa mga ito ay mga Pulis at sundalo, big deal sa kanila Ang mga profession na ito.,

Isa pa sa kanyang pinoproblema ay Ang kanyang girlfriend na Kasama sa sermon Ng kanyang ama kanina noong tumawag ito. Hiniwalayan Niya Kasi ito dahil Hindi Naman tlga siya masaya,hindi dahil Hindi ito caring at mapagmahal kundi he's not into girls, pero minahal Niya ito bilang Isang napakalapit na kaibigan, Yun Ang kasinungalingang tinago Niya Dito sa loob Ng tatlong taun na pagiging magjowa nila, ilang beses na din itong nagtangkang makipagsex sa kanya pero hanggang halikan lang Ang nangyayari dahil ayaw na ayaw tlga Ng kanyang Sistema Ang ganong pangyayari sa kanilang dalawa.,,,

Nakaisa pa siya Ng bote Ng beer nang maalala Niya Ang kanyang order. Naramdaman na din Niya Ang pagkalam Ng kanyang tiyan...Ang tagal na.. nasaan na kaya Yung delivery boy na Yun?? Galit na umalis siya sa bath tub nagshower Ng konti inabot Ang kanyang tuwalya at sinuot Ang kanyang maroon boxer brief.

💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now