MY DELIVERY BOY EP. 5

0 0 0
                                    

Hindi alintana Ang pagod ni Lian. Kahit Ang init init Ng panahon ay matiyaga pa Rin niyang inihahatid Ang mga orders sa area Niya. Kahit medyo may kalayuan Ang iba ay pinapatos Niya na, kailangan Kasi Lalo pa't mahina Ang bilihan Ng mga baboy dahil sa lumalaganap na sakit sa mga ito. Naaapektuhan tuloy Ang kita Ng tatay Niya. Kaya Naman doble kayud siya bilang breadwinner sa pamilya.

Sa lomihan inalis Niya Ang pagod sa tatlong Oras na pagdedeliver, hinubad Niya na Ang uniform tsaka nagsando nalang siya. Uuwi na din Naman Kasi siya pagkatapos Niyang kumain. Nakakaalis Ng pagod Ang paghigop Ng special lomi ni Aling Karing. Dito siya dinadala Ng mama Niya noong Bata pa Lalo na nung umiiyak siya sa pag-alis Ng kanyang tatay Mando upang magtrabaho sa Maynila. Ngunit dahil sa sakit sa atay, at palagiang sinusumpong Ng highblood ay hindi na ito pinabalik sa Maynila Ng nanay Niya. High school pa lamang siyang magkargador sa palengke at magtrabaho sa maliit na lupain Ng nanay Niya pati na Rin sa Manukan at babuyan. Kaya Naman gumanda Ang hulma Ng katawan Niya dahil sa batak ito sa pagtatrabaho. Habang hinihigop ang masarap na sabaw Ng lomi ay biglang tumunog Ang messenger Niya.

Xian: Good evening delivery boy, 2 boxes of pizza, same size, same flavor, same address.
Note: Sana Hindi basa Ang karton

Napangiti na lamang si Lian sa nakalagay sa note, Hindi na siya nag reply, Dali Dali niynag tinapos Ang paubos nang lomi tsaka pumunta sa Angel's pizza.

Lian: Isa pong medium size Ng pepperoni, at medium size Ng ham and cheese.

Cashier: Anything else sir.

Lian: Yun lang mam.

Pagkabigay sa kanya Ng dalawang box ng pizza ay Dali Dali niyang tinahak Ang highway patungo sa Bahay ni Xian, Nang NASA harap na siya Ng itim na gate Saka na siya nagmessage

Lian: Nandito na po ako sa harap Ng gate niyo.

Xian: Wait pagbuksan lang kita.

Lian: Good evening po sir. Eto na po order niyo.

Xian: Mukhang pauwi kna ah, di kna naka uniform, baka naabala kita.

Lian: Naku Hindi Naman po sir, maaga pa Naman.

Xian: Anong maaga 8 pm na, baka kung mapano kapa diyan sa labas.

Lian: Galing po Kasi ako sir sa lomihan, pahinga lang Konti bago umuwi.

Xian: Huwag mo na nga akong tinatawag
na sir, masyadong pormal para akong NASA office.

Lian: Sorry po Respeto lang po.

Xian: Magkasing edad lang Tayo eh.
Ilang taun kna ba?

Lian: 23 po.

Xian: 24 plang ako kaya wag mo na ako ma sir sir.
Anyway nandito ka na Rin lang Naman, join me, let's drink. Umiinom Kasi ako sa loob. It's a tiring day kaya chill Tayo.

Lian: Huwag na po sir nakakahiya.

Xian: Ano bang dapat kong Gawin para tawagin mo akong Xian.

Napakalapit na Ng mukha nito sa kanya kaya Amoy na Amoy Niya Ang alak umiinum nga ito.

Lian: Sige po, Konti lang po baka gabihin po ako, di na ako makauwi magdadrive pa po Kasi.

Xian: Gabi na Naman talaga tsaka pwede ka Naman matulog Dito, napakalaki Naman Ng Bahay ko para sating dalawa, kaya pwede mo ko samahan, Tara pasok na Tayo.
La!! Andito Yung favorite mong delivery boy magiinum lang kami sa kabilang Bahay.

Lian: Magandang Gabi po.

Nanny V: Hi prince charming, nakoo gwapong Bata.

Lola Ester: Sandali lang apo, nagdinner na ba tong si Lian?

💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now