Tatlong araw na mula nang magtapat si Xian tungkol sa nararamdaman nito. Ngunit Hanggang Ngayon ay Wala na itong paramdam Kay Lian.
Gulong-gulo Ang isip habang nagmamaneho si Lian Ng kanyang motor, at naghahatid Ng mga order request. Bumabagabag sa isipan Niya kung Mali ba na Hindi Niya muna sinagot si Xain at binalewala Niya Ang pagtatapat nito. Parang Ang bastos Niya Naman ata sa inasal Niya nung nakaraan baka napahiya o nasaktan Yung tao kaya di na siya kinakausap Hanggang Ngayon. Nagsisisi Lalo siya.
Lian: Ikaw Kasi Ang tanga tanga mo! Gusto mo Rin naman Yung tao tapos pinalampas mo. Paano nalang kung maghanap na Ng iba Yun? kainis ka talaga(paninis nito sa sarili)
Nagextend pa Ng dalawang oras si Lian sa kanyang area malakas pa Kasi Ang mga orders. Tsaka para makalimot din sa pagkadismaya na kanyang nararamdaman. Habang binibili Niya Ang order sa Isang restaurant ay napansin Niya Ang pamilyar na kotseng NASA parking area Hindi niya na lamang ito pinansin dahil baka kumakain Naman si Xian sa restaurant, Inasikaso na lamang Niya Ang order. Paglabas Niya sa restaurant ay Nakita ni si Xian at may Kasama itong babae sa loob Ng kotse, tama nga hinala Niya na Kay Xian Ang sasakyan na Yun. Nakalinutan na ata nitong isara Ang bintana. Hindi na lamang Niya ito pinansin nang palapit na siya sa kotse Napanganga siya at nadismaya sa Nakita. Kitang-kita Niya na hinahalikan si Xian Ng babae sa loob Ng kotse. Gulat na gulat Ang mukha nito nang Makita siya at biglang kumalas sa babae.
Xian: Lian! Tawag nito.
Bumaba ito Ng kotse pero patuloy lang si Lian sa paglalakad patungo sa motor nito halata sa mukha Niya sa inis na inis na siya. Naiisip lang Niya noon na napakagago ni Xian, pagkatapos magtapat sa kanya tapos makikita niyang may kahalikan sa kotse. Mas naiinis pa siya Kasi Hindi Naman Niya dapat maramdaman Ang Magalit Kasi Wala Naman sila.
Xian: Lian, sandali lang that's not what you think
Lian: Hindi mo kailangang magpaliwanag,Excuse me may idedeliver pa ako.Pinaandar na nga ni Lian Ang motor, mabilis ito ramdam Ang pihit nito at Ang pagkainis sa Nakita.
Napasabunot si Xian sa buhok, na alalang-alala Ang mukha. Bumalik ito sa kotse.
Xian: Jen, please, umalis kana. Wala na Tayo di mo ba Yun naiintindihan?
Jen: Babe, Hindi pwedeng ganun nalang Yun, Hindi ako papayag gustong gusto ako ni Tito for you.
Xian: Please Jen, umalis kana tapos na Tayo, kaibigan nalang Turing ko sayo ilang beses ba kailangang ipaliwanag.
Jen: Babe please, I can't
Xian: Jen, you deserve someone best for you. Yung kaya kang mahali pabalik. Excuse me!
Matagal na nagisip-isip si Lian sa lomihan ni Aling Karing, halos ito na Lang ata Ang natitirang costumer Ng gabing iyon.
Aling Karing: O, Iho mukhang malalim Ang iniisip ah.
Lian: Ayos lang Po Aling Karing, salamat pALA sa lomi niyo nagiging comfort food ko kapag nalungkot ako, nakakaalis po Ng sama Ng loob.
Aling Karing: Alam mo Iho, ayos lang Yan, ganyang talaga Ang buhay minsan masaya, minsan malungkot pero huwag nating hayaan na matabunan Tayo palagi Ng lungkot, mas piliin pa Rin nating maging masaya. Itawa lang natin Ang problema, maikli lang Ang buhay Iho, kung lovelife man Yan, mas maganda Yung nagiging honest Tayo sa nararamdaman natin sa kapareha natin.
Lian: Salamat Po Aling Karing, Hindi lang kayo MAgaling magluto MAgaling din Pala kayo mag advice.
Aling Karing: OO naman, sa dinami-rami ko ba namang napagdaanan sa buhay aba'y marami akong maipapayo sayo.
Lian: Sige po Aling Karing, maraming salamat po, mauuna na po ako medyo malalim na din Ang Gabi eh.
Aling Karing: Cge Iho, ingat ka, Gabi na
YOU ARE READING
💗My Delivery Boy💗
RomanceSa panahon Ngayon mahirap nang maniwala sa tinatawag na forever. Pero sabi nga sa kanta "bawat puso't kaluluwa, ay may kaparehang itinakda". Eto Ang kwento nina Xian at Lian. Simpleng kwento Ng wagas na pagmamahal na kahit Anong pagsubok Ang duma...