MY DELIVERY BOY EP. 6

0 0 0
                                    

Napakaganda Ng sikat Ng araw.Pakanta-kanta si Nanny V habang dinidiligan Ang mga orchids Ng kanyang madam Ester.

Nanny V: La, Lala, La la,

Pakanta kanta pa ito habang nililibot Ang buong garden.

Lola Ester: Uy V, gisingin mo na Yung dalawa sa kabilang Bahay para makapag almusal na. Sigurado andun pa si Lian, Andito pa Yung motor.

Nanny V: Sige madam, excited itong nagtungo papunta sa kabilang Bahay.

Sa sobrang antok at kalasingan Ng dalawa Hindi na nila namalayan kung ano Ang mga nangyari sa nagdaang gabi. Pareho silang nakahubad pang itaas at nagkalat Ang mga unan at ilang kumot sa sahig. Pinatay Kasi ni Lian Yung Aircon Bago ito matulog dahil sa Hindi ito sanay na may Aircon. Kaya siguro sa sobrang init at sobrang kalasingan Ng dalawa ay ganito na Ang naging itsura Ng mga ito.

Si Xian ay nakaboxer brief na lamang na natatakpan Naman Ng kumot. Makikita Ang payapang mukha nito habang hinahaplos Ang mukha Ng sinag Ng araw sa Umaga. Mas along pinatingkad Ang kulay Ng mapupulang labi nito. Ang itim na itim na buhok ay may Lalo pang ipinapamalas Ng liwanag Ng araw. Ang Isang paa nito ay nakapatong sa paa ni Lian. Ang Isang kamay nito ay matatagpuan sa ibabaw Ng pribadong parte Ng katawan ni Lian. Wala itong kamalay Malay kung paano dumako Ang kanyang malikot na kamay sa bahaging iyon.

Si Lian Naman ay parang maamong anghel na nakatihaya lamang habang nakaunan sa Isang bisig ni Xian. Ang linis nitong tingnan, Ang kayumangging balat Ng katawan, Ang malulusog na braso, Ang masasagan nitong dibdib.,

Payapa Ang tulog Ng dalawa....

Nanny V: Aaaaahhhyy!

Sabay napadilat Ng mata Ang dalawa. Papungay pungay na mga mata at takang taka Ang itsura bakit sumigaw si Nanny V. Nagkatinginan Ang dalawa, napadako agad Ang tingin ni Xian sa kanyang kamay na nakahawak sa parteng iyon Ng katawan ni Lian.

Xian and Lian: Ay gago, (mabilis na kunalas Ang dalawa sa isat-isa.

Ramdam din Kasi agad ni Lian na parang may nakadagan sa bahaging iyon Ng kanyang katawan, normal pa Naman Ang paninigas nito sa Umaga. Kaya mabilis din silang napabangong dalawa.

Nanny V: Ano Ang ginagawa niyo?

Xian: Ano pa ba Nanny eh di natutulog!

Nanny V: Natutulog? Ganun ba Ang natutulog? Eh nakahawak ka sa ano

Xian: Tumigil ka nga Nanny, Mali Ang iniisip mo, natulig lang kami, tsaka nambubulabog ka kaya.

Nanny V: Eh bakit kayo nakahubad? Naka boxer at brief nalang kayo. OMG!!

Huli na nang malaman ni Xian na nakabrief nalang Pala siya at tambad na tambad din kung ano Yung Nakita ni Lian sa una nilang pagkikita, Ang kaibahan nga lang dahil tambad Ang bukol na Yun sa bahagi Ng knayang katawan.

Xian: Tumigil ka nga Nanny, matulog lang Kai Ok, Ang alam ko Ang init init Ng kwarto kagabi, kaya naghubad ako, nag brownout ba?

Nanny V: Hindi Naman, (patuloy na pinupulot Ang mga nagkalat na unan at kumot sa sahig Hindi na ito makatingin sa kabilang dalawa.

Lian: Ahh sorry, pinatay ko Pala Yung Aircon kagabi Hindi Kasi ako sanay sa sobrang lamig eh.

Nanny V: O siya siya, sabi ni madam mag almusal na daw kayo.

Wala nang umimik sa dalawa habang nag aalmusal Ang mga ito, nagkakatinginan nalang silang dalawa at parehong umiiwas pag nahuhuli Ng bawat Isa. Nagpaalam na si Lian kina mam ester at nagpasalamat na lamang Kay Xian. Nagbiling na lamang ito na ihahatid nalang Ang hiniram nitong damit. Hinatid ni Xian palabas Ng gate Ang kanyang kainuman kagabi, walang gustong magsalita tungkol sa nangyari

Lian: Salamat Pala kagabi.

Xian: No, ako dapat mag thank you, dahil sinamahan mo ako, sa uulitin hah.

Lian: Cge ba, (ngumiti ito).

Xian: Stop!

Lian: Why?

Xian: Stop smiling.

Lian: Bakit Naman,

Xian: Basta, cge na tanghali na baka hinahanap kana sainyo

Lian: (Nagtataka) sige. Salamat ulit.
Have a good day.

____________________________________
Lian: Good morning nay.

Mama Lourdes: O nak, nag almusal kana ba? Mukhang napadami inom niyo kagabi ahh.

Lian: Di Naman po nay, Konti lang po nainom namin, di na ako pinauwi ni sir, delikado daw po eh, tsaka nag almusal na po ako sa kanila.

Mama Lourdes: Bait Naman ng kaibigan mo na Yun. Tsaka nak, Ang gwapo ah, Nakita ko kagabi sa phone.

Lian: Si nanay, mas gwapo Naman ako dun eh. Tsaka Hindi Yun mabait, masungit Yun. Siya Yung napagdeliveran ko, pinagsesermonan ako nun dati.

Mama Lourdes: Ah Yun ba Yung kinuwento,,, mo na nagaalburutong costumer kahit na maulan, pilit kang pinagmamadali.

Lian: Mismo nay, kaya Hindi Yun mabait masungit Yun.

Mama Lourdes: Baka Naman may problema lang Yung tao, tsaka mabait na Naman sayo Ngayon ah, himala, medyo may napansin din ako anak.

Lian: Ano Yun nay?

Mama Lourdes: Ah Huwag na hayaan mo na Yun, maligo kna, at samahan mo ako mamimili Tayo Ng mga kakailanganin natin Dito sa after natin magsimba.

Lian: Sige nay maligo muna po ako.

Habang naliligo si Lian Ay Hindi mawala sa isip Niya si Xian, Ang bawat anggulo Ng mukha nito, Ang Amoy nito, Ang presensya nito, Ang mga ngiti nito. Alam naman niya na na attract na siya Dito nung una palang nilang pagkikita, Lalo na nung nagsusungit ito imbes na mairita siya, mag nasisiyahan siya na nakikita ito sa ganun.  Hindi lang akalain ni Lian na medyo may paglalim sa pagtingin Niya rito Lalo na nang makainuman Niya ito kagabi. Hindi Naman siguro awa Ang nararamdaman Niya para Dito dahil natataranta siya kapag NASA paligid Niya ito at napapabilis Ang pagtibok Ng puso Niya tuwing kakausapin siya nito. Ayaw Naman niyang seryosuhin Ang sinabi nito nung tinanong Niya ito kung ano Ang hinahanap nito sa Isang  partner, parang narewind sa isipan Niya Ang salitang (IKAW)

Lian: Aaggggggh! Kainis Naman Lian ayusin mo sarili mo, focus ka sa priorities mo Ngayon.

Kaya niyang pigilan Ang sarili Ng ilang saglit pero Ang katotohang may gusto na siya rito ay Hindi Niya maiwawaksi sa kanyang puso't isipan.

Bawat madaanan ni Xian ay napapalingon sa kanya, kasalukuyan itong nag jo-jogging ,malayo layo na Ang narrating nito Mula sa kabilang subdivision, Ang Hindi lamang Niya malayuan at maiwan at patuloy na bumabalik sa kanyang isipan ay Ang pangyayari Kasama si Lian. Tinatanong Niya Ang knayang sarili kung tama ba Ang nararamdaman Niya, naguguluhan Kasi siya. Isa lang Ang ibig sabihin kapag paulit-ulit mong naiisip Ang Isang tao at hinahanap mo Ang presensya Niya, may gusto ka sa taong Yun.

Xian: Hayst ano ba Ang nangyayari sakin? Sa dinami-rami Naman Ng problema ko dumagdag pa tong delivery boy na to'

Sumagi sa isipan niya Ang mukha ni Lian habang nakangiti ito. Pamatay talaga Ang dimple nito na para bang tumitigil Ang Mundo Niya Ng ilang Segundo. Isa lang Ang Hindi siya sigurado interesado din ba ito sa kanya? Kaya Niya bang magtapat Dito Ng nararamdaman Niya. Handa na ba siya.

Xian: Aaagghh, bahala na! Bakit kapa dumating Lian.

Naisip na naman Niya Ang nakangiting mukha nito.

Peeeep!! peeeeep!!
Muntikan pang mahagip si Xian Ng dumaang kotse

Driver: Magpapakamatay ka ba?

Xian: Pasensya na boss.

Driver: sa susunod kung gusto mo nang mamatay, gumitna ka pa.

Humarurot na ito

Xian: Ang Ganda Ganda Ng araw, init Naman Ng ulo.

Naalala Niya na naman si Lian at napangiti siya nito, at bumalik na sa kabilang Bahay.


💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now