MY DELIVERY BOY EP. 4

0 0 0
                                    

Lian: Good morning nay, Tay, Bunso Good morning..

Hannah: Good morning kuya..

Mama: Lika na nak, sabay kana samin mag almusal, nagluto kapatid mo Ng longganisa tsaka itlog.

Lian: Sipag ni bunso ah,

Hannah: Siyempre Naman, mana sayo kuya.

Tatay Mando: Saakin ba Hindi ka nag mana?

Hannah: naku si tatay, sayo ako mas nagmana.

Lian: Sarap nito.

Hannah: Kuya Lian, kailangan ko na Pala magtuition this week para sa final exam.

Lian: Sige bunso may sobra pa Naman ako sa scholarship ko pwede mo Yun gamitin, this week ko Yun makukuha.

Hannah: Yuun, kagabi pa ako namomroblema niyan, sinabi ko na Kay mama, tanungin daw muna kita.

Mama Lourdes: Pasensya na nak hah, Ikaw na inaasahan namin para sa bunso mong kapatid. Yung kinikita Kasi namin Ng papa mo sakto lang sa pangangailangan natin Dito sa Bahay.

Tatay Mando: Pasensya na anak kung sana nakuha natin Yung mana Ng Lolo mo sa pagiging tenant sa Mga Rodriguez, sa pagiging tenant nito Ng 45 years eh di Sana Malaki din pinagkukunan natin, Hindi Tayo mahihirapan Ngayon. Halos kalahati Ng buhay Ng Lolo niyo Ang inilaan Niya sa pangangalaga ng lupain Ng mga Rodriguez, sa huli tinanggal siya sa listahan Ng mga magmamana Ng hati sa lupa. Hindi lamang iyon ipinapatay pa siya.

Lian: Kawawa Naman Pala si Lolo, noh Tay.

Tatay Mando: Sinabi mo pa nak, kaya grave Galit namin noon, nang pati Ang kaso Ng mismong pumatay ay napawalang Sala, Wala na Kasi Tayong Pera para sa mga pagdinig na dapat dinadaluhan.

Mama Lourdes: Mando Hindi dapat Yan pinaguusapan sa harap Ng hapag kainan, tsaka matagal na Yun, simulan na nating iwaksi sa isipan natin Ang nangyari at magpatawad n Tayo. Ituon nalang natin Ang pansin sa kung Anong meron Tayo, tsaka swerte Tayo sa dalawa nating anak, masisipag na matatalino pa.

Lian: Nay may nakalimutan ka, gwapo O.
Hannah: Naay, O gandaa.

Tawanan silang lahat. .

Lian: Bunso, mag commute nalang Tayo pinapaayos ko pa motor ko eh.

Hannah: Opo kuya no problem.

Naglakad na ang magkapatid palabas Ng Bahay hanggang makarating sa labasan upang pumara Ng tricycle. Nagaabang sila Ng tricycle nang may tumigil sa harapan nila na itim na kotse. Dumungaw Mula sa loob si Xian. Napanganga si Lian sa nakita yayamanin tingnan Ang NASA loob bagay na bagay Dito nag pink na long sleeve nito, at nakaayos Ang buhok nito kamukha nito Ang mga Korean Actor sa kdrama na pinapanuod Ng kapatid Niya.

Xian: Saan Kayo?

Lian: Papasok na kami sa school, eto Pala si Hannah Kapatid ko.

Hannah: Hello kuya pogi.

Lian: Hayst tumigil ka nga nakakahiya ka. Pasensya na sa kapatid ko may saltik Yan minsan.

Xian: Sabay na kayo sakin, dadaan lang din naman kamo sa St. Louise College.

Lian: Paano mo nalaman na doon kami nag aaral?

Xian: NASA ID Lace mo po.

Hannah: Halika na kuya sumakay kana para makita Ng mga classmates ko na bigtime ang Taga hatid ko.

Lian: Sumakay kana Kasi nakatunganga ka pa diyan.

Napilitan na ngang Sumakay si Lian dahil nauna na nga ang kanyang kapatid Ang Malala pa nito ay nauna pa ito sa tabi ni Xian, No choice siya sa likod na siya pupuwesto. Gusto pa Naman Sana niyang maamoy Ang pabango nito... Mukhang Ang Bango Bango Kasi tingnan.

Hannah: Kuya di mo Pala sinasabi samin, may kakilala kang sobrang yaman, kita mo o, sobrang linis Ng sasakyan Ang gara bili din Tayo nito kuya pag nag kawork kana. By the way kuya pogi, ano Pala name niyo po?

Xian: just call me, kuya Xian.

Hannah: Ano po work niyo bakit parang anak mayaman po kayo?

Xian: Sa Ngayon ako nagmamanage Ng restaurant namin,, Yung Island Restaurant sa parents ko Yun.

Hannah: Saan po parents niyo?

Xian: NASA Ibang bansa, business din Ang inaasikaso nila Doon.

Hannah: Sino po Kasama niyo sa Bahay?

Xian: Wala akong Kasama sa luma naming Bahay, pero katabi lang Naman Ang Bahay Ng Lola ko tsaka andun Naman Ang Yaya namin si Nanny V.

Hannah: Naks Ang yaman talaga, may Yaya pa.

Xian: Hindi Naman, kung walang negosyo sila mama Wala kaming Pera kaya sinisiguro namin na maayos din Ang family business namin. Anyway Lian about sa scholarship nasabi mo na ba Dito Kay Hannah?

Hannah: Ano pong scholarship?

Lian: Nakalimutan ko pa lang sabihin, bunso.

Xian: Diba balak mong Kumuha Ng Culinary?

Hannah: Opo kuya gustong gusto ko po Yun!

Xian: Sakto nagooffer kami Ng full scholarship para sa mga aspiring chef, pwede mo subukan Yung qualifying exam. Tsaka Ok Yun Kasi pwede ka pa mag Intern sa mga restaurant namin. Malay mo maging chef kana dun.

Hannah: Naku super thank you kuya, di ko palalampasin to' napakabait niyo Naman, pogi pa.

Xian: Gusto niyo dumalaw kayo minsan sa Bahay welcome kayo Doon, may internet Doon, madaming pagkain Wala Naman kumakain ako lang Kasi mag Isa.

Hannah: Talaga kuya??

Xian: Gusto mo pag dalaw niyo Ng kuya Lian mo, bake Tayo Ng cake. Mahilig ka ba sa cakes?

Hannah: Opo Naman

Lian: Lahat Naman Ng pagkain kinakain niyan.😂

Hannah: Pinapahiya mo ko kuya, si Kuya mahilig din yan kumain tsaka magluto, siya Kasi Taga luto samin kahit Anong ulam kaya Niya na
sigurong lutuin.

Xian: Di nga, Wala sa itsura Ng kuya mo mukhang walang ginagawa sa Bahay niyo haha,

Lian: Yun Ang Akala mo sir, pero ako tlga Ang cook samin. Pangkarenderya nga lang na mga ulam Ang kaya ko.

Xian: How about beef caldereta.

Hannah: Ay opo Naman favorite Niya Kasi Yun.

Xian: Totoo ba favorite mo Yun, (tumingin ito Kay Lian habang nakangiti). pagluto mo ako nun ah.

Lian: Sure, baka makalimutan mo pangalan mo, haha.

Xian: hahahaha Loko eh di ipaalala mo.

Nagpatuloy sa kuwentuhan Ang dalawa sa unahan na para bang matagal na itong magkakilala, namangha si Lian sa masungit na costumer Niya dati, siguro sobrang stress lang ito nang mga panahong una silang nagkita. Ngayon parang mahihiya ka kapag napagsabihan mo ito Ng masungit, napakabait na tao.

Hannah: Kuuuuyyaaa, school na baba na!

Hindi na namalayan ni Lian na nakababa na pala ito Mula sa kotse. Bumaba na Rin siya.

Hannah: Maraming salamat po kuya pogi, sa uulitin. Ingat po kayo.

Lian: Salamat sir, ingat kayo.

Ngumiti Ng maluwang si Xian at kumaway na Kay Hannah, ibinaling Ang TINGIN Kay Lian.

Xian: Welcome kayo Ng kapatid mo sa Bahay.

Umalis na sa harapan ni Lian Ang kotse nito, subalit Ang mukha nito ay napako Lalo sa kanyang isipan, mas Lalo itong naging attractive dahil sa kabaitan nito.

💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now