MY DELIVERY BOY EP. 14.

0 0 0
                                    

Lian: Baby busy ka ba Ngayon? (Bungad nito sa vcall) pwede mo ba ako tulungan mag set up Ng PC ko Dito sa kwarto, di ako marunong eh.

Xian: No problem baby, after work diretso ako diyan sayo, Wala ka bang pasok?

Lian: Kakauwi ko lang Dito sa Bahay what time ka uuwi?

Xian: Mga 7 pm po ata,

Lian: Dito kana lang mag dinner. Wait kita.

Xian: Sure, cge ba.

Lian: Ingat ka I love you.

Xian: Love you too.

Pagkatapos na pagkatapos Ng work ni Xian diretso ito sa Bahay ni Lian upang tulangan itong mag set up Ng PC nito.

Xian: Nasaan ba Yung PC mo?

Lian: NASA kwarto di ko binubuksan baka may masira ako.

Mama Lourdes: Naku anak mamaya na niyan, mag dinner muna kayo.

Xian: Mauna na po kayo nay, sabay nalang po kami ni Lian.

Mama Lourdes: O siya, kumain na maya maya at baka lumamig na Ang ulam.

Lian: Opo nay Salamat Po ako na bahala Kay Xian.

Tumalikod na Ang nanay ni Lian.
Umakyat na Ang dalawa sa Taas.

Xian: Saan mo ba to ipupuwesto?

Lian: Dito nalang lipat ko tong maliit na kabinet,

Xian: Ano ba ang lamang niyan?

Lian: Mga laruan ko nung bata ako.

Xian: Dami ah, yang buong maliit na kabinet?

Lian: Oo, Hindi Naman sakin Yan, Yung Iba bigay lang sakin, may kalaro daw Kasi ako dati palagi akong binibigyang Ng toys, mayaman daw Yun, nung 5 years old ako, di ko masyado maalala, gusto mo Makita?
Madami Yan kung gusto mo pa maglaro sayo nalang ahaha.

Xian: Loko ka talaga, maya tingnan ko may mga toys collection din Naman ako sa Bahay diba Nakita mo? Mula Bata din ako nun, tapusin muna natin tong iset up.

Maya maya pa ay tapos na Si Xian na I set up ito.

Xian: Naku parang may kulang,

Lian: Anu Yun?

Xian: Gaming Chair.

Lian: Ano kaba mahal Yun, ayos na itong upuan ko Dito lagyan ko nalang unan para Hindi masakit sa likod.

Xian: Ano ka ba, gift ko na sayo. At bawal tumanggi.

Lian: Eh ka...s

Tinakpan ni Xian Ang bibig nito.

Xian: Sabing bawal tumanggi, tsaka diba nag C-COD ka tsaka ML.

Lian: Kaya nga eh, excited na ako maglaro, hehe, bayaran ko nalang pag nagkapera ako.

Xian: Huwag na ano ka ba, oh ako na bahala Ng mga toys mo ah lagay nalang natin sa gilid Ng kama mo Dito sa may mga books.

Umupo na nga si Lian sa harap Ng PC Niya. At kung ano ano na Ang kinakalikot dun.

Habang hinahalungkat ni Xian Isa Isa Ang laruan ni Lian ay bigla siyang nakaramdam Ng Kaba, may mga iilan Kasi na toys na parang pamilyar sa kanya.

Bumilis Ang kabog Ng dibdib Niya  nang madampot Niya Ang laruang si Luffy, kilalang Kilala Niya Ang laruang ito nung Bata pa siya, pero baka magkapareho lang ito nung laruan Niya, naalala Niya na may dinikit sila na sticker Ng mukha ni Zoro sa likod, dahan dahan niyang tiningnan Ang bandang likuran Ng laruan at nanlaki Ang mga mata Niya nang Makita Ang kupas na kupas na mukha ni Zoro sa likod nito, Bigla na lamang tumulo Ang luha Niya at binitawan Ang laruan. Agad na yumakap ito Kay Lian na patuloy na umaagos Ang luha, hinawakan Ang mukha ni Lian at pinaghahalikan ito sa noo, Ng makailang ulit.

💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now