MY DELIVERY BOY EP. 2

1 0 0
                                    

Nanlaki Ang mga mata ni Lian sa inaasahang itsura Ng kanyang costumer matapos malaglag Ang tuwalya nito.
Unti-unti niyang itinaas Ang kanyang mukha habang hawak Ang Pera at Ang basang tuwalya. Pareho silang nagkatinginan sa mata, dilat na mga mata, pilyong tiningnan ni Lian Ang ibabang bahagi Ng katawan ni Xian. Kitang-kita Niya Ang bahaging iyon na bumubukol sa maroon boxer brief nito sabay pilyong ngumisi Dito.
Nahihiya Ang mukha ni Xian habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Lian, Hindi ito makapagsalita at tarantang tinakpan Ang bahaging iyon na kanina pa tinititigan Ng kaharap.

Lian: Eto na po sir, laki niyan ah.

Xian: Gag*,(sabay kuha nito ng tuwalya at mabilis na isinara Ang pinto).

Lian: Sir, sa susunod ayusin niyo Yung paglagay Ng tuwalya para walang delivery boy na matatakot.(Humahalakhak si Lian habang papaalis sa Bahay Ng kanyang masungit, gwapo, mayaman, at daks na costumer.

Inis at hiya Ang naramdaman ni Xian habang pinapanhik Ang hagdan papunta sa kanyang kwarto, nagsuot na siya Ng pajama at sando, inilapag sa mesa Ang dalawang box ng pizza at binuksan ito. Habang kumakain, ay paulit-ulit na sumasagi sa isipan nito Ang gwapong mukha Ng delivery boy. Ang ngiti nito, Ang pagiging cool, at Ang cute na dimple nito. Naiinis at nahihiya siya kapag naaalala Niya Ang panunudyo nito nang Makita siya nitong nakaboxer brief. Ginulo-gulo Niya Ang kanyang buhok at lumagok Ng natitirang beer kanina.

Habang pinipihit ni Lian Ang kanyang motor Hindi siya makapokus sa pagmamaneho, umuulan pa din Ng pakonti-konti pero di Niya ito pansin dahil nasakop na ata Ng mukha ni Xian Ang kanyang isipan. Tumigil siya saglit sa lomihan at Doon tuluyang nagpatigil Ng ulan, habang kinakain Niya Ang special lomi ay naaalala Niya Ang nakita kanina. Hindi Naman tlga siya nagbibiro, totoo Yung sinabi Niya Malaki Naman talaga, ngumingisi siya kapag naaalala Niya Ang nakitang costumer na nakahubad at nakaboxer brief lamang at pinagpala pa.

Lian: Kaso Ang sungit.(pagpigil Niya sa kanyang sarili).

Ito na ata ang nagpabuhay Ng kanyang pagiging bisexual. Alam niyang attracted siya Dito. Binaling Niya Ang kanyang atensyon sa Oras sa kanyang Relo, oras na para magpahinga, nagbayad na siya sa lomihan na iyon at pinihit Ang kanyang motor pauwi. Pagdating sa Bahay ay nadatnan Niya Ang kanyang mga magulang na nanunuod Ng tv Kasama Ang kanyang bunsong kapatid na si Hannah.

Hannah: O kuya, dinner ka na. Masarap Yung niluto kong gulay paborito mo, ginisang ampalaya.

Lian: Oo bunso, maraming salamat pagkaligo ko kain na Tayo.

Hannah: Naku, kuya tapos na kami nila mama at papa kumain, Ikaw na Lang Ang kakain.

Lian: Ganun ba, sige maliligo muna ako.

Mama: O nak, bakit basang-basa ka? Diba sabi ko sumilong ka muna kapag ganitong umuulan, di mo pa Naman Dala Yung raincoat mo.

Lian: Sorry po nay, may Isang costumer Kasi na nagaalburuto kanina gustong magmadali kahit umuulan Ng malakas na malakas.

Mama: Naku, baka magkasakit ka niyan, Maligo kana diretso.

Lian: Ok lang po ako, malakas kaya tong anak niyo, sige na po maliligo na po ako at nang makakain na, matutulog na rin po ako agad. Good night na po.

AFTER TWO WEEKS.......

Mama: Nak, gising na Akala ko magduduty ka Ngayon sa area mo alas kwatro na O'.

Lian: Sige po nay, (tinatamad na bumangon si Lian sa kanyang kama). Wow nay, favorite ko yang niluluto mo ah meryenda ba natin Yan?

Mama: Hindi ah, ilalako namin to Ng kapatid mo diyan sa may labasan pandagdag sa gastuin sa Bahay.

Lian: Puwede ba akong tumikim, favorite ko Yan eh,

Mama: Magbayad ka muna, Sampu lang.

Lian: Si nanay naman O, napaka business minded, ayaw malugi.

Mama: Biro lang nak, siyempre may tinabi ako diyan para sayo Ikaw pa ba, alam ko favorite mo to.

Lian: Yuuun, sarap Neto sa kape.

Yumakap si Lian sa nanay Niya at pumasok sa banyo upang Maligo.

Sobrang saya Ng araw Niya Ngayon habang nagdedeliver. Maayos lahat Ng costumer walang nagrereklamo,

Lian: Kung lahat ba Naman ganito kababait na costumer, eh di walang problema. (Naalala nalang Niya Ang kanyang gwapo ngunit masungit na costumer). Kumusta na kaya Ang ugok na Yun? (Sa isip isip ni Lian).

Nagscroll siya Ng mga order request na malapit nalang sa area Niya. Nang Makita Niya ang order request, apat lang na burger iyon, kinuha na Niya para di na siya mapalayo pa at mabilis na makauwi. 5:30 na din iyon Ng hapon. Binili Niya Ang order at humarurot papunta sa location na makikita sa GPS sa kanyang screen.

Parang pamilyar Ang Lugar, lalong-lalo na nang makarating siya sa itim na gate na nakabukas. Kinuha Niya Ang cp Niya at tinawagan Ang number Ng costumer. Akala Niya Yung masungit na Naman na lalaki Ang umorder nito. Pero laking gulat Niya nang boses Ng Isang babae Ang sumagot.

Lian: Hello po, nandito na po ako sa tapat Ng gate niyo.

Costumer: Sige iho, pasok ka na bukas Yan.

Lian: Sige po.

Costumer: Salamat, Anang babae sa kanilang linya.

Lian: Tao po, eto na Yung order niyo

Xian: Sorry Hindi ako umorder. (masungit na tinig Mula sa balkonahe.

Nagulat si Lian sa pamilyar na boses na Yun. Hindi Hindi Niya makakalimutan Ang boses na Yun. Nang tumayo ito sa pagkakaupo at humarap sa kanya parehong nanlaki Ang mga mata nilang dalawa.

Xian: IKAWW NA NAMAN???!!!!

💗My Delivery Boy💗Where stories live. Discover now