-02-

9 1 0
                                    


"Crei?! Nandito ka pa ba?!"

Bigla akong nabalik sa huwistiyo ng sumigaw si Leah. I took a deep breath and shook my head. I'm spacing out again! Paano ba naman kasi, simula ng umuwi ako kahapon si Ruse ang laman ng isip ko kaya parang wala ako sa sarili ko.

"Sorry." I gulp and just drink my coffee. Leah stood up, hands on her hips and arch her brow.

"Ano bang iniisip mo? Kwento ako ng kwento dito hindi ka naman pala nakikinig." She also drink her coffee.

I also don't know why I am thinking about him. I mean, bakit ko naman siya iisipin ng ganito?! Na halos lumutang na ang utak ko kakaisip sa kanya, sa naging pagkikita namin. Parang masyado kong iniisip 'yon.

"Leah," I called my friend "May balita ka ba tungkol kay Ruse?" Nasamid siya sa naging tanong ko at napaubo.

"Balita kay Ruse?" Tumango ako "Wala? Wala naman, bakit?"

"Nagkita kami kahapon." Diretso kong sabi dahilan para maibuga niya ang iniinom niyang kape, buti nalang at sa gilid. Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang kamay.

"ANO?!!" Natakpan ko ang tainga ko nang sumigaw siya "How?! Saan?! Bakit kayo nagkita?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Sunod-sunod niyang tanong. As I expected, bubuhos na naman ang mga tanong niya na pang Miss Universe. May magaganap na namang Q and A neto. Ikinuwento at ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari at detalye. Her lips pursed.

"Wow, grabe naman ang tadhana." Pinitik ko siya noo "Aray ah!"

Napabuga ako ng hangin at  nangalumbaba. Tadhana. Tadhana nga kaya ang may kagagawan no'n? Kung tadhana nga 'yon, bakit? Hindi eh. Nagkataon lang talaga ang lahat.

"Galit pa rin ba siya sayo?" Nagkibit balikat lang ako. I don't know, sa ipinakita niya sa akin, parang hindi na. Malay ko ba kung nagpapanggap lang siyang masaya, I don't know if the smile he gave me was genuine or fake. I can't tell.

"Ang kwento mo sa'kin kanina, he's giving you a smile right? Malay mo napatawad kana niya? O hindi na siya galit sayo dahil kinalimutan niya na 'yon at nagmove on." She said, twisting her hair. Leah have a point, baka nga nagmove on na siya at talagang kinalimutan na ang nakaraan, pero duda ako na napatawad na niya ako.

"Maybe you're right." I sigh.

"Sa tingin mo doctor pa rin ang naging bagsak niya?" Oo nga! Bakit hindi ko 'to naisip kahapon?!

"Ugh... Hindi ko alam." Walang gana kong sabi. Pangarap niya ng maging Doctor dati pa, baka nga doctor na siya ngayon eh, or he's still studying. Alam ko na kahit anong mangyari doon ang bagsak niya. Ewan ko ba kung bakit ko nasabing 'Hindi ko alam'

Back at our life, as first year college students. Leah, Ruse and I are studying in a Medical school. Pare-parehas kaming tatlo ng kinuhang course, at eskwelahan. Being a med-student is stressful, halos wala ka ng oras para magpahinga dahil sa mga projects, thesis papers, ect.

During our exams, nakilala ko si Ruse. He's very passionate about being a doctor, sinabi niya sa'kin na doctor talaga ang gusto niyang maging 'pag laki niya simula pa nung bata siya. He really love what Doctors do.

After 3 months of being friends, he confessed to me, may gusto raw siya sa'kin at gusto niya akong ligawan, that time, me and Ivan broke up. Wasak na wasak ako nang araw na 'yon, hindi ako makapag-isip ng maayos, wala ako sa katinuan kaya nasabi ko na may nararamdaman din ako para sa kanya, he didn't know that I have a boyfriend, I didn't tell them either.  I didn't love him, I just used him to make Ivan back, I took advantage of him. I'm so immature and selfish back then.

Like A SyringeWhere stories live. Discover now