-07-

5 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, reunion na nga namin. Tatlong araw kaming naka-leave. Kasama ko ngayon si Leah at si Ethan. Yeah, Ethan was here too. He want to come with us dahil wala raw siyang kabardagulan at kausap kung wala kaming dalawa ni Leah, samantalang ang dami niyang kakilala at kasundo ro'n sa ospital.

Kasabay naming pupunta ro'n si Ruse, sa kanya kami sasakay para iisa nalang ang dadalhing kotse saka siya ang may alam kung saang beach magkikita-kita.

Dahil beach ang pupuntahan namin, nagsuot ako ng puting two piece sa loob, maong short sa baba at off-shoulder na pink sa itaas. Leah's also wearing a black two piece in the inside, maong shorts rin sa ibaba at black croptop sa itaas. Ethan is wearing a beach polo shirt at sky blue na shorts.

"Ayan na si Ruru!" Napatingin ako kaagad sa parating na sasakyan.

"Good morning." He greeted as he opened the door of his car, taking his shades off. He's also wearing a beach polo, nakatanggal ang tatlong butones at naka-gray shorts. I gulped.

"Good morning." We greeted back.

"Let's go." Hinahanda na namin ang mga gamit na dadalhin namin.

"Looking hot ah," Pansin ni Leah kay Ruse, tumingin ako sa kanya. I gulped again when my eyes went down to his chest "Right Crei?!"

Tumingin sa akin si Ruse, agad akong nag-iwas ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko. I'm going to admit that Leah's right, he looks really hot and tempting on his look.

Nagsasabi lang ako ng totoo!

"Hot, hot." Usal ni Ethan.

"Inggit ka lang kay Ruru unggoy! Pasalamat ka nga isinama ka pa namin, sabit ka lang dito!" Sabi ni Leah. Heto na naman sila, kay aga-aga umuusok ang ilong nila.

Napailing nalang ako at binuhat na ang mga gamit namin papasok sa trunk, nakabukas na rin naman 'yon. Sumulpot bigla si Ruse sa tabi ko, he's the one who helped me with our things habang 'yung dalawa nagsasagutan na may halong asaran.

"I'm glad you came." He looked at me, smiling.

"Mm, yeah." Tipid akong ngumiti.

"You look great with your clothes." He complimented. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"I- Is that so, t- thanks then."

"You're not going to give me some compliments?" He playfully asked. I shook my head and chuckles.

"You look great with your clothes too."

"Thanks then." Panggagaya niya sa akin. Tumawa lang ako.

Nagpatuloy kami sa pagsakay sa mga karga namin, hinayaan nalang namin 'yung dalawang magbangayan hanggang sa matapos kami.

"Crei, dito ka na." Tinapik ni Ethan ang upuan sa tabi niya, papaupo na sana ako ng bigla akong tanungin ni Leah.

"Ayaw mo dito sa harap?" Tanong niya.

"Dito nalang ako." Tumango lang siya saka na rin umupo. Iniabot sa akin ni Ethan ang sling bag ko. Ang sabi ni Ruse, mga 2 oras ang aabutin bago kami makarating sa pupuntahan naming beach. I took my earpod and connected it to my phone. Music made me sleep, and when I wake up, we're already here, just like that.

It was a private beach, exclusive lang ito para sa amin. After we get our things, pumasok na agad kami sa villa. Walang tao sa labas, kaya dumiretso kami sa loob. Nagsimula akong kabahan ng tumapak ako sa rug, napunta lahat ang tingin nila sa amin ng pumasok kami.

"Ruse!" Gerald approached us, he wrap his arms around Ruse and smiled "Alleah France Ignacio?" Na kay Leah na ang tingin. Tumango lang si Leah at ngumiti.

Like A SyringeWhere stories live. Discover now