-03-

7 1 0
                                    

"Thank you Doctora."

I just gave them a smile before leaving the room. Paglabas ko napabuntong hininga ako. Sa wakas, tapos ko na silang matingnan lahat, makakakain na ako.

Sabay kaming kakain ni Ethan, hindi namin makakasama si Leah dahil nasa OR siya, isa rin kasi siyang Anesthesiologist gaya ko kaya kailangan niyang mag-stay do'n hanggang sa matapos ang operasyon.

Napunta ang tingin ko sa coat ko ng maramdaman kong mag-beep ang phone ko.

Text Message: Ethan

Tinawagan ako ni mommy, nagpapasundo siya sa Airport, hindi na kita masasamahan kumain, babawi ako next time. Sorry Crei.

Matapos ko siyang mareplayan itinago ko na sa aking bulsa ang phone ko saka naglakad papunta ng office. Umupo ako saka hinarap ang laptop. Nangalumbaba ako. Wala na naman akong kasamang kumain.

Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko,  paglabas ko may narinig na naman akong nagbubulungan, mga nurse. Napailing nalang ako saka na tumuloy.

Magsimula kahapon, si Ruse ang pinag-uusapan ng lahat rito sa ospital. Siya ang topic ng mga nurse, babaeng Doctor, pati na ng mga ibang pasyente o bisita. Kinikilig pa nga sila sa kanya kapag daraan siya. Wala akong ibang naririnig kundi siya.

Sa totoo lang, naririndi na ako!

Sa office ko nalang sana ako kakain kaso nagbago bigla ang isip ko kaya humanap ako ng makakainan. Actually, maraming restaurant at fast food chains malapit dito kaya hindi ko na dinala ang kotse ko. Kapag kasama ko kasi 'yung dalawa, gusto nila biyabiyahe pa kami, nagsawa na sa mga resto dito. Minsan sabay sabay kaming kumain, minsan hindi kasi magkakaiba ang schedules namin. Sometimes, we're not be able to eat dahil sa dami ng trabaho.

"Good afternoon Ma'am, what's your order?"

I decided to eat in a Japanese restaurant. I really love Japanese foods!

"Uhm... Ramen, Takoyaki, and Yakisoba."

Ngumiti lang ito at ibinigay ang order ko sa may counter. I roam my eyes around, ang ganda ng designs. Japan na Japan ang style. Bagong bukas lang.

Dahil nagandahan ako, inilabas ko ang phone ko para magpicture, humanap ako ng magandang anggulo. Ibinaba ko na ito, napunta ang tingin ko sa entrance ng may pumasok, literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na kasama nila si Ruse.

I immediately cover my face with my left hand. Dapat pala sa dulo ako pumwesto, hindi ko naman alam na dito pala sila kakain!

"Wow, ang sossy naman dito."

"Sa'n tayo?"

"Doon nalang siguro."

My eyes grew more bigger. I'm dead.

"Psst, ako diyan." Sumilip ako "Ako sa tabi ni Doc. Alvaro."

Nakita kong itinataboy ni Carla si Roy, nakikipag-agawan siya sa pwesto para makatabi si Ruse. Nagkunwari akong may tinitingnan sa cellphone, still covering my face.

"Doc. Alvaro! Dito kana!" Malanding sabi ni Doc. Carla.

"Doc. Alvaro! Dito ka nalang!" Pag-angal naman ni Doc. Fatima. Hindi niya alam kung saan ba talaga siya uupo dahil dalawa ang gusto siyang makatabi.

The two Doctors smiles at him, seducing him. Nanatili siyang nakatayo, Doc. Will stood up, bigla nalang dumako ang tingin niya sa direksyon ko kaya binaling ko agad ang atensyon ko sa phone. Shoot!

"Creixia?" They looked at me. Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko, giving them a force smile.

"H- Hi." How did he saw me?! Dahil ba sa coat ko?! Sa name tag?!

Like A SyringeWhere stories live. Discover now