-06-

5 1 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil si Leah sa pangungulit sa akin, hanggang dito sa office ko sinusundan ako. Rinding rindi na ako sa kanya, sa kakasigaw niya.

"Crei naman, sumama kana, that's our reunion! All of us should be there!"

After 8 years, our former classmates decided to have a reunion. Lahat kaming magkakaklase simula nang 1st year   college kami. Ngayon pa lang kami nagkaroon ng reunion dahil ngayon pa lang din sila nagbalak. Gerald planned it. At ngayon, pinipilit ako ni Leah na sumama. Sa beach nila napiling ganapin ang reunion, tatlong araw raw kami roon. All of us are Doctors, we have a duty and a lot of responsibilities. We can't stay in there for too long. Pero dahil nga raw halos 8 taon kaming hindi nagkita-kita, hinabaan nila ang araw ng reunion, naging isa itong bakasyon.

"Sumama kana, samahan mo akong makita 'yung crush ko dati na si Eric, pupunta daw siya eh!"

"A- Ano?! Naging crush mo pala si Eric?!" Bakit hindi ko alam na naging crush ng babaitang 'to si Eric?! Ang dami ko pa atang hindi alam ah.

"Oo, sorry hindi ko sinabi sayo." Nagpeace sign pa siya saka malapad na ngumiti.

"Hay, ewan ko sayo."

"Sige na kasi, sumama kana! Please, please, please...!"

"Hindi uubra sa'kin 'yang pagpapacute mo." I hissed. She didn't stop making her eyes teary, hindi niya ako tinantanan. I let out a heavy sigh at kinuha ang folder sa gilid ko, I rolled my eyes.

"Leah," Mariin kong tawag sa kanya "I'm not going, I'm sorry." I didn't give her any look.

"Ayaw mo bang sumama at pumunta dahil sa nangyari 8 years ago?" Natigil ako sa pagbabasa, ibinaba ko ang folder na hawak ko atsaka diretsong tumingin sa kanya "'Yun ang inaalala mo diba?"

Tama siya. 'Yon talaga ang inaalala ko, ayaw kong sumama at pumunta dahil sa kahihiyan. Until now, dala-dala ko pa rin ang kahihiyang ginawa ko noon. Marami sa kanila ang hinusgahan ako, kinainisan, at iniwasan. Imagine, we're studying for 7 years, sa 7 taon na 'yon ganoon ang naramdaman sa'kin ng iba. It doesn't changed. Most of them hates me, and I can't even blame them. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila kung sakali mang pumunta ako, baka maulit lang ang nangyari, at sa tingin ko, nakatatak na sa mga isipan nila ang kasalanang ginawa ko kay Ruse. Yeah, it's a real deal for me, at mahirap 'yong makalimutan.

"Crei..." Lumapit siya sa akin "Wala kang dapat katakutan, you didn't mean to do that, tsaka nandito naman ako oh! Uupakan ko sila." Tinuro pa niya ang sarili niya. I chuckled and shook my head. Ganito lagi ang sinasabi niya kapag heto ang pinag-uusapan, kesyo uupakan niya raw sila, kesyo ganiyan ganito. Siya ang nagtatanggol sa'kin dati, nakakatuwa lang isipin na willing siyang makipag-away at ipagtanggol ako.

"Ano? Sasama kana ba?" Tanong niya "Sumama kana kasi, akong bahala sayo! Gaya ng dati." I smiled at her.

"Pag-iisipan ko, pag-iisipan ko."

"Ay, pag-iisipan mo pa?" She said, disappointed "Pero, waaaah! Go lang! 2 days pa naman 'yon." Nabuhayan siya.

"Sige na, back to work."

"Basta pag-isipan mo ah," Aniya at akmang aalis na nang may bigla siyang maalala "Oh, oo nga pala, nakausap ko si Ruru kanina, ang sabi niya sasama raw siya." Sasama siya?

"T- Talaga? G- Gano'n ba..." Halos pabulong kong sabi.

"Sige!" Niyugyog ko lang ang kamay ko at ngumiti.

Bumalik ako sa pwesto ko at nilaro laro ang kamay ko sa mesa. Hindi ko inasahang sasama siya, well, wala namang dahilan para hindi siya sumama. Isa 'yong reunion, REUNION, kaya lahat dapat pumunta. Lahat dapat mag-attend. Gaya nga ng sabi kanina ni Leah 'All of us should be there'

Like A SyringeWhere stories live. Discover now