Ito ang ang hinihintay ng lahat!
Enjoy Reading, Sweeties.
"Tang-ina doon na agad sa likod, gago!" sigaw ko habang titig na titig sa nilalarong mobile games.
"Ang bobo mo talaga, Sebastian! Sinabi nang retreat e!" sigaw sa akin ni Finn.
Napahawak na lang ako sa noo ko at hindi mapakali lalo't 30 seconds pa bago mabuhay ang character ko sa laro.
"Tanga mo naman kasi Finn. Core ka, farm ka ng farm nasa clash na kaming lahat!" inis na sabi ko kaya binatukan naman ako ni Cloud.
"Ikaw ang bobo! Marksman ka kaya dapat nasa likod lang kita. Nangunguna ka e, sana ikaw na lang nag-tank," sabi pa ni Cloud sa akin kaya masama ko naman siyang tinignan.
Nang nabuhay na ako ay pinagpatuloy ko ang paglalaro at hindi na pinansin sila Cloud na ang ingay maglaro.
Lima kaming nandito sa soccer field ng University lalo't nagre-review kami malapit na kasi ang finals ngayong sem.
Si Finn at Frinn ay Civil Engineering Student, kambal ang dalawa. Third year.
Si Gillion ay Med tech student, third year din.
Ako naman ay kumuha ng BS Biology, graduating na kung tutuusin lalo't kailangan ko pang kumuha ng MS degree in General Surgery habang nagtra-trabaho na ako.
Si Cloud naman ay Architecture ang kurso. Graduating na rin sana kaso tumigil ito ng isang taon lalo't kinapos daw sa tuition. Kasalukuyang fourth year.
Hindi man lang sinabi sa akin para naman natulungan ko. Naging abala lang talaga ako lalo't tumatao na rin ako sa hospital ng pamilya ko.
Nauna lang akong nag-aral lalo't home schooling ako noon at hindi na ako tumagal sa elementary at nag-jump na agad ng highschool lalo't nakapasa naman ako sa tests.
Highschool ko nakilala si Cloud.
Uhoging bata pa.
Ang tagal na pala naming magkaibigan. Hindi ko alam kung gaano katagal.
"Natalo tuloy!" sigaw ni Cloud.
Siya lang ang nag-iisang babae sa barkada namin.
"Bobo kasi ni Finn!" sigaw ko naman at dinuro si Finn.
"Ikaw ang bobo! Gago!" sabi naman niya kaya masama kaming nagkatinginan.
"Tignan niyo naman kung sinong tanso. Nananahimik sa isang tabi ah," nang-aasar na sabi ni Gillion.
Napatingin naman ako sa screen ng cellphone ko at nakitang si Frinn ang tanso.
Nagtawanan kami nang makita naming pinagalitan ni Finn si Frinn.
Napailing na lang ako at napangiti. Dapat ay nag-aaral ako ngayon pero dahil mas masaya silang kasama ay tsaka na lang ako mag-aaral kapag umuwi ako mamaya.
"I heard you like Bea, ah," Frinn said while playing his phone.
"Sino? 'Yong Archi, student?" tanong ni Finn kaya napakagat naman ako sa ibabang labi ko.
"Aba binata na si boy!" malakas na sabi ni Gillion kaya natawa na lang ako.
"Hindi sira! Manahimik nga kayo d'yan. Mag-aral na tayo," ani ko lalo't aasarin lang ako ng mga gago.
BINABASA MO ANG
Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETED
Romance[HIS SERIES 2] "Hanggang sa susunod mong pag-ulan mahal kong ulap." Keith Sebastian Ramirez