Enjoy Reading, Sweeties:)
Unti-unti akong lumapit kay Baste, nasa lakas kasi siya sa upuan malapit sa malaking puno sa tabi ng bahay namin.
"Kape," mahinang sabi ko at ibinigay ang isang tasang tinimpla ko.
Malayo kasi ang iniisip niya kaya lumapit na ako.
"Alam ba ni Bea na nandito ka?" tanong ko kay Baste at pinakita niya ang phone niya na senyales na ka-text niya si Bea.
"Hmm-mm," mahina niyang sabi sa akin.
Ayaw ko lang ng gulo. Ang panget ng tingin sa mga kaibigang babae ng isang lalaki. Ayaw ko namang isa ako sa pag-aawayan lalo't kung dadating ang panahon na hindi na naiintindihan ni Bea kung bakit malapit kami ni Baste.
Pero mukhang okay lang naman yata lalo't mabait naman si Bea at hindi rin naman nagbibigay ng kahit na anong ikakasakit ni Bea si Baste.
Mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Talk to Tita properly, why you want to marry Bea. Baka pinairal mo na naman ang init ng ulo mo kaya nagsigawan na naman kayong dalawa ni Tita Kate," mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga bituin kung saan pinaggigitnaan ang malaking buwan.
Hindi naman sumagot si Keith kaya alam kong malalim nga ang pinagmulan ng away nila ng Mama niya.
"Your relationship with Bea has been going on for a long time. Mabuting tao naman si Bea kaya siguradong magugustuhan siya nila Tita, konting suyo-suyo lang," mahinang sabi ko habang nakatitig sa mga bituin.
"I want to give Bea my last name permanently," Baste whispered.
Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya.
Sa tagal naming pagkakaibigan nasilayan ko kung paano kami nnag-grow na dalawa, kung paano nadagdagan ang mga kaibigan namin at kung paano nabawasan.
Doon din unti-unti nabuo ang pagmamahal na naging sentro na ng pagkakaibigan naming dalawa. Habang mahal na mahal ko siya bilang siya ay mahal naman niya ako bilang kaibigan niya.
At first I was satisfied and I thought that if he really likes me, he will find a way for us to have a deeper relationship.
Pero hindi lumalim... hanggang sa dumating si Bea at unti-unti kong natanggap na kahit kailan ay hindi masusuklian ang pagmamahal ko.
Nagsimula ang pagmamahal ko sa kanya ng higit sa pagkakaibigan ng hindi niya alam, matatapos din ng hindi niya alam.
Ayaw ko ng gulo.
Nirerespeto ko si Bea maging si Baste.
Ayokong masira ang pagkakaibigan na matagal naming pinatibay.
"Kaya nga talk yo your Mom. Para rin 'yon kay Bea," nakangiting sabi ko na lang.
Tumatanda na nga kami.
Naisip ko sa lalim ba ng pagmamahal ko kay Baste ay makakahanap pa ako ng daan papalabas?
Ikakasal din kaya ako?
"Hindi ko alam pero nahihirapan na ako... natatakot ako kung anong pipiliin ko, pinagpipili ako ni Mom. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang propesyon na 'to tapos bigla na lang idadawit ni Mom dahil lang ayaw niya akong maikasal," mahinang sabi ni Baste at nahiga sa upuang mahaba at gawa sa kahoy.
"Then talk to Be---"
"Pinipilit na ako ni Bea na magpakasal sa kanya asap," Baste whispered kaya nanlaki naman ang mga mata ko.
"H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko," mahinang sabi ko kaya narinig ko naman ang malakas niyang tawa pero ramdam kong malungkot siya.
Magsasalita na sana siya nang tumunog ang cellphone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/316481746-288-k101367.jpg)
BINABASA MO ANG
Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETED
Romance[HIS SERIES 2] "Hanggang sa susunod mong pag-ulan mahal kong ulap." Keith Sebastian Ramirez