Chapter 12

1.4K 48 22
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Isabella Cloud

Nakatitig lang ako sa building na under construction pa rin. Maya-maya ay dadating si Frinn lalo't siya ang titingin ng mga materyeles na padating.

Masakit ang mga mata ko kakaiyak kagabi, hindi ko alam kung maayos bang nakauwi sila Frinn kaninang umaga lalo't umalis agad ako kaninang madaling araw.

Ang panget naman kung magigisingan ako ni Baste na mugto ang mga mata dahil lang pinaiyak na naman niya ako. 

Siguradong masakit ang ulo ni Frinn lalo't marami siyang nainom kagabi. Hindi ko nga alam kung pumasok siya kaninang umaga. Siguradong kawawa na naman 'yon sa mga senior niya.

"Cloud!" Tumingin ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Gillion. Nakapolo ito ng kulay puti at naka-slacks. Halatang galing pa iito sa trabaho.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.

"Si Frinn ba nakita mo?" tanong sa akin ni Gillion kaya naman napailing ako lalo't hindi ko pa siya nakikita ngayon umaga. Kagabi ang huli ko siyang nakasama.

"Hindi pa e, dapat magkikita kami ngayon para ipakita ko sa kanya ang plano ng bahay ni Mr. Cheng pero hindi ko pa siya nakikita," sabi ko kaya naman nakita kong napahawak sa batok niya si Gillion.

Wala naman sigurong naging problema hindi ba? 

"'Di ba kayo ang magkakasama? Nauna lang ako kaninang umuwi lalo't may pasok ako, sayang naman ang ikakaltas sa sahod ko," mahinang sabi ko kaya namna tumango si Gillion bago ko siya nakita may kinalikot sa cellphone nito at may tinawagan.

Kinakabahan naman na ako lalo't nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Gillion.

"Hoy ano bang nangyayari?" kinakahang tanong ko kaya naman nilingon ako ngayon ni Gillion.

"Nag-away kami kanina," mahinang sabi ni Gillion kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko kaya hinayaan ko na lang si Gillion.

Nagpaalam siya sa akin na kailangan niyang bumalik sa trabaho niya at tawagan ko siya kapag nakita ko si Frinn lalo't hindi raw siya sinasagot ni Frinn.

Hapon na nang makita kong bagsak ang balikat na lumabas sa opisina nila si Frinn kaya naman agad akong lumapit sa kanya. Balak kong puntahan si Baste mamaya sa bahay niya lalo't sinabi ni Tita Kate sa 'kin kanina na merong 1 week break si Baste.

"Hoy saan ka galing?" tanong ko kaya naman napatingin sa akin si Frinn tapos parang bata na tumakbo sa akin.

"Pigilan mo ako, sasaksakin ko 'tong head Engineer namin," sabi niya kaya naman hindi ko alam kung tatawanan ko siya o hindi lalo't mukhang  

Alam din naman kasi ni Frinn na talagang sa amin ang bato ng mga gawain lalo't hindi pa naman kami permanenteng empleyado. 

"E lasing ako, sakit kaya ng ulo ko... pasalamat siya talaga mabait pa ako," inis na sabi ni Frinn kaya napabuntong hininga naman ako.

Tumingin sa akin si Frinn habang nakataas ang isang kilay niya kaya naman nangunot ang noo ko. Pinakatitigan niya akong mabuti at inilapit pa nga niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naman napaatras ako bigla lalo't sobrang lapit ng mukha niya.

Mas malapit ang mga mukha namin ni Baste kagabi pero iba naman si Frinn lalo't mapanuri ang tingin na binibigay niya sa akin ngayon.

"Umiyak ka ba?" tanong niya kaya naman umiwas agad ako ng tingin.

"H-Hindi ah!" malakas na sabi ko lalo't siguro ay namamaga ang mga mata ko.

Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya naman umatras ako.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon