Chapter 3

1.2K 48 13
                                    

Enjoy Reading, Sweetie:)

Mabilis na lumipas ang segundo, minuto, oras, araw, linggo, at naging buwan.

Magkakatabi kami at napagpasyahan na sabay-sabay tignan ang mga pangalan namin kung nakapasa ba kami.

Magkakasama kaming apat nila Frinn, Finn, ako at si Gillion.

Si Baste kasi ay susunod dawn. Nandito kami sa malaking puno sa parke malapit lang sa village nila Baste. Malapit na rin sa bahay namin pero matagal kapag lalakarin.

Malapit kung may sasakyan.

"1, 2, 3! Tingin!" sigaw ni Gillion kaya isa-isa naming hinanap ang pangalan naming apat.

Minabuti naming sabay-sabay na mag-deactivate ng account at magdelete ng ibang social media accounts. Hindi rin kami nakisalamuha sa iba matapos kaming magtake ng exam.

Talagang tiniis namin na huwag pansinin ang mga texts at tawag. Off-notification lahat. Nasa bahay lang ako ng magdamag para iwas sa spoiler.

Alam din ni Baste kaya nirespeto niya kami at nakisabay din sa amin. Si Baste lang naman ang sobrang talino sa amin na may award pa noong grumaduate.

"Engineer na ako Cloud!" tili ni Frinn at tumalon-talon pa.

Nilukob na ako ng kaba.

Sumunod na sumugaw ay si Finn.

"Cloudy! Engineer na ako!" sigaw niya at nakisabay sa pagtalon sa kakambal niya.

Nagsimula nang nag-ulap ang mga mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Lalo't nagsisiduling-duling na ako ay hindi ko makita ang pangalan ko. Nagsisimula na akong kabahan. Kung hindi ako nakapasa ano na lang ang ihaharap kong mukha sa mga magulang ko?

"Tang-ina! Pasado! Wah!" nagyakapan na silang tatlo.

Napapikit ako.

"H-hindi ako pumasa," mahinang sabi ko pero tumigil silang tatlo at sabay-sabay na naupo sa harapan ko.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa dahil sa naging reaksyon nilang tatlo.

"Cloud," mahinang sabi ni Frinn.

"Check mo baka naduling ka lang," pagpapalakas ng loob na sabi ni Finn sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Cloudy! Meron 'yan. Check natin," nakangiting sabi ni Gillion pero dama ko ang kabang nararamdaman nilang tatlo na para bang nawala ang kasiyahang nararamdaman nila dahil lang sa sinabi kong hindi ako nakapasa.

Paano na ngayon?

Hinarap ko ang cellphone ko sa kanila.

"Pakibasa nga kung ano 'yan?" mahinang sabi ko.

Para naman siyang tatlong mga bata na titig na titig sa screen ng cellphone ko ay nakakunot pa ang noo niya ngunit kita ko ang kaba.

"Miguel, Isabella Cloud Ocampo!" sabay-sabay nilang sabi.

Nagsitilian kaming apat!

"Bobo ka! Architect ka na animal!" sigaw ni Frinn kaya naman sumagaw na rin ako bago nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Nagbunga na lahat ng sakripisyo ng mga magulang ko.

Tumayo kaming apat at nagyakapan bago kami tumalon-talon habang paulit-ulit binibigkas ang mga propesyon namin sa buhay.

Achievement!

Lahat ng pagod, puyat, at pagdadalawang isip ay worth it!

"Congratulations, guys." Naghiwa-hiwalay kami nila Finn at napatingin sa lalaking bagong dating.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon