Chapter 41

1.3K 50 91
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)






Isabella Cloud













I want to laugh so bad; I think this is the saddest Christmas ever in my life.



I feel like I'm in the middle of the night searching for my light— my salvation, I've completely left Keith's life but I still can't find happiness.










Hindi pa rin ako okay.







Hindi pa rin ako maayos.






Nasasaktan pa rin ako.



Takot na akong tumingin sa salamin para tignan ang repleksyon ko. Paano hindi? Hindi na malaki ang t'yan.

Wala na akong baby na hihintayin.

Unti-unting nagkaroon ng mga ilaw ang bawat bahay katulad ng bahay namin ngayon dahil nga sa pagsalubong sa kapaskuhan sa kabila no'n ang dilim pa rin ng buhay ko.

I can't stop my mother from putting different decorations in our house, especially since it's out tradition every year.



Para ko na ring tinanggalan ng kasiyahan ang mga magulang ko dahil lang sa hindi ako masaya.


"Ate sasama ka ba kila Nanay mamalengke ngayon para sa pagsalubong ng pasko mamaya?" tanong ni Raine habang kumakatok.


Hindi ako nagsalita para umalis na lang siya. Natatakot ako.

Baka nasa labas na naman si Keith.

Para bang hindi na nasasaktan ang katawan niya sa pananakit ni Tatay sa kan'ya tuwing pumunta siya rito.



Ang kulit pa rin niya, gusto niya akong makausap kahit na ayoko na.


"Huwag ka nang mag-alala ate, wala po si Kuya Keith sa labas," mahinang sabi ni Raine. Alam kong nasasaktan na rin siya sa nangyayari sa akin ngayon.

Hindi pa rin ako sumagot. Agad akong pumikit nang buksan ni Raine ang pinto ng kwarto ko. Nagpanggap akong natutulog para hindi na niya ako kulitin.




I don't feel like going out maybe I'll see a woman holding her baby again ang I'll suddenly cry just like when Keith's mother took me to a beautiful place near here in our house.


When Raine thought I was sleeping, he immediately left my room.

Ayaw ko ng ganito na nagtatago ako pati sa pamilya ko pero hindi ko pa talaga kayang makisalamuha.

Narinig ko sila Nanay na balak bumalik ni Tatay sa trabaho dahil wala na akong maibigay. Naubos na nila ang huli kong binigay kaya pakiramdam ko hinila ko sila sa pagkakadapa ko.

Hindi ako nagpaalam sa kanila nang tawagan ko si Tita Velinda— kapatid ng Ama ko sa Canada. Umaasa ako na meron siyang maibibigay sa akin na magandang trabaho doon.



I can't mourn forever. I'm not rich and I still have to work to earn money for my parents and siblings.

Lahat napaapektuhan sa pagluluksa ko.

Muli kong narinig ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"A-anak, si Mama Katelyn 'to," mahinang sabi ng nasa labas ng pinto ko kaya naman agad akong tumayo sa pagkakahiga ko at binuksan ang pinto.

Agad na bumugad ang malungkot na mukha ni Mama sa akin. Hindi ko nga alam kung Mama pa rin ba dapat ang itawag ko sa kan'ya.

"O-okay na po ba ang lisensiya ko?" mahinang tanong ko.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon