Chapter 56

1.4K 30 30
                                    

Enjoy Reading, Sweeties

Isabella Cloud











"Mahal mo pa rin ba ako Cloud?" he asked.






I can't take my eyes on him.

"Bakit hindi ko ako sagutin ng totoo, Cloud?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko na para bang nandoon na agad ang kasagutan sa tanong niya niya sa akin.

Nakatingala ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit hindi tunatanggi ang isip ko sa katanungan niya sa akin.

Maya-maya lang ay tumalikod siya sa akin na para bang hindi na niya kailangan ng sagot ko dahilan kung bakit tumayo ako bigla.

"Aalis ka na lang?" mahinang tanong ko kaya lumingon siyang muli sa akin.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Nalaman ko kay Mama na ikakasal ka na sa susunod na taon. Gusto kitang palayain, gustong-gusto ko! Tapos ganito? Makikita kita rito? Ano'ng dahilan nang pagpunta mo rito?"

Sinabi ni Mama kay Keith ang pinag-usapan namin ni Cy.

Ang relasyon namin ni Cy ay isa lang pagpapanggap.

"B-bakit kailangan bang may dahilan ang pagp—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Keith.


"Kung gano'n ihahatid na kita sa inyo," mahinang sabi niya. Mukha siyang stress at hindi alam ang gagawin.


Nakaramdam ako ng kakaibang inis nang sumagi sa isip ko na ayaw niya akong kausapin ng maayos. Pakiramdam ko marami pa rin akong mga bagay na hindi nalalaman at patuloy niyang inililihim sa akin.


Hindi ko 'yon gusto.


"Bakit ba ayaw mong sabihi sa akin ang lahat Keith? Lahat ng konektado ako bakit ayaw mong malaman ko?! Karapatan ko 'yon! Bakit ayaw mong dumalo sa amin ngayong pasko? Pamilya mo ang Mama ko!"


"Para ano? Para saan? Hindi ko tunay na ina ang tinutukoy mo," nakaiwas na tingin na sabi niya.


Galit akong lumapit sa kan'ya at malakas siyang sinampal.


Sino siya para sabihin 'yon? Ang Mama ko ang tumayong Ina sa kan'ya!


"Kung galit ka sa akin! Sa akin lang! Alam mo ba kung gaano kagusto ni Mama na makasama ka sa araw na 'to? Naiintindihan ko ang katayuan mo para sa mga batang naulila ngunit hindi mo ba naisip na ngungulila rin sa 'yo si Mama?"


Nakaiwas siya ng tingin sa akin.


"Nando'n si Cy," mahinang pag-amin niya. Mula na rin sa bibig niya na ayaw niya ngang makita kasa-kasama ko si Cy. "Sa tingin mo kaya ko pang lunukin ang sakit, Cloud? Hindi ko kaya, nirerespeto ko kung ano ang meron sa inyo ni Cy... pero hindi mo nirerespeto ang nararamdaman ko."





"A-ano?" gulat na tanong ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin.


"Ako na 'tong lumalayo... lapit ka nang lapit. Sige sabihin nating coincidence lang na naisipan nating dumalaw rito, sana tama na 'to... kung meron mang pangyayari na magkakatagpo tayong muli sana sa kasal mo na 'yon. Hindi ko na kaya," mahinang sabi niya sa akin.


Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon