Chapter 27

1.2K 38 162
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Warning: Matured Content! Dedicated sa nabitin sa halikan ni Cloud at Baste sa hospital. HAHAHA







Isabella Cloud

"Pinagod ka ba masyado ni Mom?" Baste asked. Siya agad ang bumungad sa akin si sala pagkarating na pagkarating ko. 

Kakapasok ko lang sa condo niya at nakabusangot ako lalo't ang sakit-sakit ng katawan at ulo ko. 

Magkasama kami buong araw ni Tita Kate.

Panay kain lang ang ginawa namin at lakad kami nang lakas.

"Yes!" inis na sigaw ko. Kung hindi ko lang mahal si Tita Kate ay talagang ayaw kong sumama sa kan'ya. Halos bilhin niya lahat ng laman ng mall. Kung hindi pa siya pipigilan ay hindi siya titigil.

Nakita kong napabuntong hininga si Baste at tumayo sa sofa matapos patayin ang TV dito sa sala. 

"Galing si Attorney rito kanina. Ayoko ko sanang maabala ka pa pero nalalapit na ang hearing mo at isa sa mga kaso niya ay attempted rape," mahinang sabi niya at nagulat ako nang yakapin niya ako at hinalikan ako sa gilid ng ulo.

Parang normal lang 'yon para kay Baste.

Sa isang linggong lumipas ay nadadalas ang ginagawa ni Baste na para bang nasa isang relasyon kaming dalawa. 

Siya ang nagluluto sa kabila ng tama niya sa tagiliran ay nagluluto pa rin siya. Minsan si Gillion pero kapag nagugutom ako ay talagang tatayo siya sa higaan.

Nagtatabi na rin kami sa kwarto niya.

Nakikipag-away pa siya sa Mommy niya kapag araw-araw na lang ay nandito si Tita Kate at ginugulo kami. Araw-araw rin akong wala lalo't mapilit si Tita Kate.

"Say no to Mom too, Cloud. You're pregnant. You are always not here and she takes you aways from me."

Nagtatampo ba siya sa Mommy niya? Oo nga at palagi kaming magkasama si Tita Kate pero palagi naman niya akong bine-baby lalo't masayang-masaya raw siya na magkakaroon na siya ng apo sa amin.

"Oo doctor ako pero sa nakalipas na araw kailangan ko rin ng katulong para linisan ang sugat ko. Paano niya nasabi na kaya ko nang gawin 'yon dahil doctor ako para lang makuha ka niya sa akin? I'm her son," inis na sabi ni Baste kaya naman natigilan ako.

Nasa kusina na kami ngayon at naiwan ang lahat nang pinamili ni Tita Kate sa akin sa sala.

"Bakit sa akin ka nagrereklamo?" inis na tanong ko habang nakahawak sa t'yan ko.

"I'm not complaining to you. I just want you to think that you also need to rest."

Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Tuwing gabi na lang kaming nagkakasagutan dahil sa ginagawa ni Tita Kate.

Laging naiirita si Baste at mas mapili pa siya sa pagkain sa akin. Maging si Frinn ay sinusungitan niya rin kaya naman hindi na pumupunta si Frinn dito.

"Babalik na ako sa trabaho, Cloud. Hindi man lang tayo nagsama sa isang buong araw," rinig kong sabi niya kaya naman tumayo ako at galit na tumingin sa kan'ya.

"She's your Mom. Why don't you talk to her?"

"Cloudy, ikaw ang madalas niyang puntahan. Okay I get it, she likes you. Okay. But, kailangan bang araw-araw sumama ka sa kan'ya? For what? Relax? Pagod ka ngang umuuwi e," inis na sabi ni Baste habang naghihiwa ng sibuyas kaya naman kahit hindi pa kami tapos mag-usap ay nagmamadali akong tumaas sa ikalawang baitang ng condo at hindi tumuloy sa kwarto niya.

Attaining His Broken Cloud - R-18 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon