NAPASALAMPAK na lamang ako sa loob ng kwarto ko nang makarating ako sa bahay. I was so tired and in that time span I've been in the hospital, I only come home twice. Pinilit ko na lamang ang sarili ko na makapunta sa kama ko.
Gusto kong maligo kaso wala talaga akong lakas para kumilos pa.
It's been a month since the thing about the organization has been dealt with. All the people that are directly connected into the crime that the organization did was sentence to reclusion perpetua. However, it's not the case for those in the inner circle.
Akala nila makakaligtas sila since there's no death penalty in this country but they're not that lucky. Kahit na walang death penalty sa bansa, dahil sa petition ng mga taong bayan pati na rin ng mga nasa ibang bansa ay hinatulan sila ng kamatayan.
For the students in Mint Academy, they're all busy trying to use their brains to stabilize everything that our country needed. From the finance, economy, educations, volunteer, and other part of the organization party. Sinabihan kasi kami ni Kuya Jared na tumulong sa pagpapabangon muli ng bansa.
May ilang bansa rin naman na nanghingi ng tulong sa amin ngunit hindi namin magawang tulungan sila kaagad dahil sa kailangan namin na unahin ang bansa namin. Since the day that the whole organization was arrested, the students of Mint Academy are too busy. Ni hindi ko na nga rin nakikita ang ilan sa kanila. Kahit mga first year students iilan lang sa kanila ang nasa schools.
For the fourth year students, wala na talaga, hindi na talaga sila mahagilap sa loob ng school. Kahit kaming mga third year.
As for my family, they're doing well. My mom, she's not really dead. Pinalabas lang ni daddy na patay na siya para hindi na siya hanapin pa ng organization. She's not really dead but dad locked her up in a room where no one could find her. As for my brother, he's part of the organization inner circle but it was for his work. Sino ba ang mag-aakala na isa pala siyang spy ng government? Wala akong alam dahil sinabi rin ni kuya na huwag ipaalam sa akin.
As for dad, he's still in coma. Hindi pa siya nagigising at wala siya sa normal na hospital. Kinuha siya nina Miss Rika para doon gamutin sa hospital sa loob ng Forbidden World. Hindi ko pa alam kung ano na ang kalagayan ni daddy dahil wala pa rin naman silang sinasabi sa amin. It's not really that easy to get an information from the world where you can't even enter.
Kinuha ko ang mahaba ko na unan at saka ko ito niyakap. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lamang ang luha na tumulo sa aking mga mata. Sobrang dami ng nangyari at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. It was too tiring and my mind and body are trying to cope up. I have to, I need to. Kung hindi ako magco-cope up ano na lamang ang mangyayari sa akin? Sa tao sa paligid ko?
I wish everything will be okay. Sana maging okay na ang lahat para wala nang masaktan.
"It's okay, I'm okay. You'll be fine."
Napaliwas na lamang ako ng upo nang bigla ko na lamang marinig ang boses ni Marvin sa tenga ko. Para akong napa-paranoid. Napasabunot na lamang ako ng buhok ko at napakagat ng labi. What the fck.
Napatingin ako sa wall clock ko at saka ko naman pinilit na tumayo. I need to go to the hospital now. My mom was there and so he is.
Habang nagsa-shower, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga huling pangyayari noong araw na 'yun.
Marvin was standing right beside me and everyone was busy trying to save those they could save. Hawak hawak ko rin si daddy noon at dahil sa pagkontrol sa kaniyang isipan ay hindi talaga maganda ang lagay ni daddy. Akala namin okay na ang lahat, akala namin wala nang problema, 'yun pala, akala lang pala namin 'yun.