Rinig hanggang kabilang bahay ang sigaw ni mrs Lydia Florez dahil sa binalita sa kaniya ng nag-iisang lalakeng anak.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?!! Nakatayo siya ngayon at hindi mapakali. Tumaas na naman ang kaniyang dugo.
Ngayon, mag-isa niyang tinataguyod at binubuhay ang dalawang anak dahil wala na ang kaniyang asawa.
Isa siyang kilalang journalist, marami na siyang naisulat na article na pumatok at malaking impact sa public kaya naman hindi pa umabot ng isang taon sa trabaho, tumaas ang posisyon niya. Local and international ang nakukuha niyang mga awards.
Kumikita na rin siya ng malaking pera, hanggang ngayon. Isa siya na may income na millions yearly. Pataas ng ng pataas ang kinikita niya.
Nakapagtayo siya ng malaking bahay na umaabot ang budget sa tatlong million. May ilang properties din siya sa bansa. At may isang malaking bahay sa Amerika.
Lumapit ang kaniyang mommy para pakalmahin siya. Binigyan siya ng upuan ni mrs Merlina Garcia dahil siya ang nahihilo sa kalalakad ng anak.
Binigyan siya ng maiinom ng kaniyang nag-iisang anak na babae, si Nicollene Florez. Siya ay isang high school, nakakulay ng pula ang kaniyang medyo makulot na buhok, kasing tangkad niya ang kaniyang mommy, lagi siyang nagsosoot ng unicorn na hairbond kaya hindi maiwasan kutyain siya ng mga classmates niya sa school or kahit ibang bata
Mahalaga sa kaniya ang unicorn hair bond niya dahil ito ang nag-iisang alaala ng kaniyang namayapang daddy.
Kinakausap ni Lydia ang kanyang nag-iisang lalakeng anak, si Junvenne Florez.
Medyo matangkad pa sa kaniya ang kaniyang girlfriend, kaunti lang naman ang lamang. Mahal na mahal ng binata ang kaniyang girlfriend.
May pagka-chinito siya, medyo matangos ang ilong, black beauty. Sa madaling salita, pogi ang binatang ito.
This year ay magtatapos siya ng kolehiyo. Ang kinuha niyang kurso ay piloto, iyon ang gusto niya. Iyon ang pangarap niya.
Pero ang gusto ng mommy niya ay sumunod sa kaniyang yapak bilang journalist ngunit he refused dahil ayaw niya magsulat ng mga article or magbalita. Ayaw niya ma-involve sa media dahil magulo raw.
Gusto niya ng tahimik na buhay kapiling ang babaeng pinakamamahal at magiging mga anak.
Nakaupo siya sa sofa at katabi ang kaniyang girlfriend, si Dazel Malazaga.
Ang babaeng ito ay medyo kakaiba kesa sa ibang babae. Mahilig siya mag-make up at maglagay ng makapal na lipstick.
Sexy, maputi, matangkad, confident, palaban siya, makapal ang mukha at malakas ang loob. Parang lalake pomorma.
Kabaliktaran niya ang ugali ng kaniyang boyfriend pero nagkakasundo sila. Hindi sila nag-aaway pa, since naging sila.
Gaya ni Jun ay isang college student na sana siya at magkasabay sana silang ga-graduate ng boyfriend pero dahil sa nangyari sa buhay niya, her life turned into a nightmare. Huminto siya ng high school dahil sa pagkamatay ng nag-iisang pamilya niya, ang kaniyang nanay. Napilitan siyang magtrabaho dahil ayaw niyang mamatay sa gutom. Nagtrabaho siya para buhayin ang sarili.
Sa umpisa ng pagtatrabaho ay para siyang isang inosenteng batang takot at hindi alam ang gagawin sa mabagsik na mundo. Marami siyang pinagdaanang hirap bago naging isang palabang babae.
Nang may sapat ng pera, nagrenta siya ng isang apartment. Ayaw niya munang magtrabaho sa isang bahay dahil sobrang nakakapagod. Kaya siya kumuha ng apartment para makapagpahinga siya ng maayos.
Magtatrabaho nalang siya diyaan sa tabi-tabi bilang stay out. Masuwerte siyang nakapasok sa isang mamahalin at kilalang restaurant na pagmamay- ari ng poging si Mira-i Zargo. Napakabait ng amo niya.
BINABASA MO ANG
Junjun and I (Completed Tagalog)
General FictionAnak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi san...