Narinig nila ang tuwang sigaw ni Kakay na dumating na si Jun.
Nakita nila ang paglalakad nito papunta sa kanila.
Lumapit si Lydia at niyakap ng mahigpit ang anak.
"Sobrang na-miss kita. Bakit ba kasi ngayon ka lang dumalaw?"
"Alam niyo naman po,maam. I'm graduating kaya marami kaming mga ginawa. Hindi rin madali ang kurso na kinuha ko. Sobrang nakakapagod kahit basic lang. Mas maganda talaga maging bata nalang kesa maging matanda!"
"You're right!" Tinanong ng ginang si Kakay kung maayos ng nakahanda ang pagkain sa hapagkainan.
"Opo ma'am! "
Sunod naman niyang niyakap ang kaniyang kapatid . "Ikaw, maayos ba ang pag-aaral mo? Baka puro ka kalandean, ha?!"
"Kuya naman!"
Sunod niyang niyakap ang kaniyang lola. "Apo, buti naman nakauwi ka. Sobrang miss na miss kita!"
"Wag na po kayong umiyak lola, nandito na po ako. Na-miss ko rin po kayo!"
"Tears of joy 'to!"
Sunod niyang nilapitan ang kaniyang mag-ina. Niyakap niyang mahigpit si Dazel. "Kung malapit lang dito ang school ko, araw araw akong uuwi para makita ka at masubaybayan ko ang paglaki ng tiyan mo. Araw araw marinig ng baby natin ang boses ng dad niya. Lagi ko kayong iniisip. Kayo ang inspiration ko kaya pursigido akong makatapos ng pag-aaral."
"Miss ka na rin naming dalawa. Araw araw kitang na-mimiss. Kaya sana, sa apat na araw na pag-stay mo rito. Spend more time to us?!"
"Oo naman!"
"Wag ka namang madamot!" Mahinang parinig ni Lydia kay Dazel.
Binalewala at hindi nalang pinansin nila ang mga sinasabi ng ginang.
Kinausap ni Jun ang kaniyang baby, "Baby nandito na si dad, sorry ha! Kung ngayon lang kita nadalaw. Nagsusumikap kasi si dad na mabigyan kayo ng magandang buhay ni mommy mo. Mahal ko kayong dalawa!"
"Stop that. Tara, pumunta na tayo sa dining area. Alam ko, nagugutom ka na aking anak."
"Halika na honey!"
"Oo, para makakain na rin kayo ng baby natin!"
Habang kumakain sila ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag-aaral ni Jun.
"Sobra pong nakabaliw ang mga lesson namin. Hindi lang yung major ko ang aking pinagtutuunan, pati yung ibang subject. Dumagdag pa ang masusungit na mga professors! Hay, nakakapagod, nakaka-stress!" Kuwento ni Jun tungkol sa pagiging istudyante niya.
"Ako rin anak. Ganyan din ang pinagdadaanan ko during my college life."
"Wala yan sa pinagdaanan ko noon. Alam niyo naman gaano kahirap ang buhay noon bilang istudyante. Buti nga sa inyo ngayon, kinokonsider ng subject teacher niyo kapag wala kayong ma-isubmit na project or something. Eh, sa amin noon, kapag wala kang ma-i-submit na project sa date na binigay. Zero ang makukuha naming score. Kaya kayo, pahalagahan ninyo ang pag-aaral ninyo ngayon." binalikan ni Merlina ang old life niya. Masaya siya binahagi ang experienced niya noon bilang college student.
"Parang ayaw ko na tuloy mag-college. Kayo kasi eh, ang lakas ng spoilers ninyo!" Napatawa sila sa sinabi ni Nicole.
Nakikinig lang si Dazel sa kuwentuhan nila.
"Apo, sa biyernes mamamasyal kami sa amusement park!"
"Oh, maganda yan. Para rin magbonding din tayong pamilya!" Tuwang sabi ni Jun.
BINABASA MO ANG
Junjun and I (Completed Tagalog)
BeletrieAnak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi san...