Gabi ng nagtatapon ako ng basura. Bakit ba kasi malayo ang basurahan dito.
Sabi ng landlord gagawa sila ng lagayan ng basura. Lagpas na ng limang buwan wala pa ring sariling lagayan ng basurahan ang building niya. Pagrereklamo ko!
Pagkatapos kong magtapon ng basura. Ako ay umupo muna sa gilid ng daanan.
Ganito ba kapag buntis, araw araw kang pagod? Pagod ang buong katawan mo?
Hinimas ko ang aking tiyan at kinausap ang aking baby.
Ilang buwan nalang, isisilang na kita, baby ko. Sana, maging mabuti ang kapalaran sayo. Huwag sanang tutulad sa akin.
Napatingin ako sa kalangitan, alam mo, siguradong ginagabayan tayo ng lola mo.
Bigla bigla nalang napatulo ang mga luha ko.
Lola,kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Maraming salamat dahil tinanggap niyo ako! Maraming salamat dahil sa sandali ng buhay mo, naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ina. Salamat po!
Pangako, aalagaan ko ng mabuti ang iyong apo. Papalakihin ko siyang mabuting tao na may takot sa Diyos gaya niyo.
Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kayo. Nami-miss ko na kayo, lola.
Napatingin ako sa aking likuran dahil may tumawag sa aking pangalan.
Tumayo ako para lapitan siya. "Jun. Bakit ka nandito? I told you diba, na wag ka mo ng pumunta rito?!"
Nagtatako ako kung bakit siya ngumiti sa akin.
"May taong gustong kumausap sayo!"
"Ha, sino naman? May kasama ka?" Tumingin ako sa likod ni Jun, nakita ang kaniyang mommy.
Umayos ako sa pagtayo. Napatingin ako ibang direction. Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako.
Lumapit si Lydia kay Dazel at niyakap kaya nabigla ang dalaga.
"I'm sorry! After mapanood ko ang video ni mom. I realized, mali ang mga ginawa ko sayo. Humingi ako ng tawad sayo sa lahat ng panlalait na narinig mo mula sa bibig ko lalo na kagabi. I'm really sorry. Mapapatawad mo ba ako?"
"Opo."
"Thank you! "
Kinuha ni Jun ang mga gamit ni Dazel sa apartment niya dahil doon na siya ulit titira sa mansion.
Sinalubong din siya ng yakap ni Nicole. "Masaya ako dahil nandito ka na ulit."
"Humihingi ako ng tawad sa inyo! Patawad sa mga hindi kaayaayang ugaling pinakita ko. I'm really sorry!
Nasasaktan ako dahil kailangan pa mawala ni Mom para magbago ako. Hindi ko tuloy maipakikita sa kaniya ang pagbabago ko," napayuko ang ginang. Lumapit sa kaniya si Dazel.
"Mom" pumayag na si Lydia tawagin siya ni Dazel na Mom.
"Masaya po si lola sa pagbabago niyo. Nakikita ka po niya."
"Ito ang gusto ni lola, ang magmahalan tayo!" wika ni Nicole.
Sa wakas, natanggap na rin ni Lydia si Dazel kaya sobrang masaya ang babae sa pagtanggap ng ginang.
Tatlong araw bago nilibing ang bangkay ni Merlina. Todo ang pag-iyak ng mga mahal niya sa buhay.
Limang araw ang lumipas bago unti unti natanggap nila ang pagkawala ng matanda.
Tinupad ni Lydia ang kaniyang pangako sa ina. Hindi na siya nagpapakapagod sa trabaho.
Pumapasok siya ng 8m sa umaga at umuuwi ng 7pm sa gabi. Sa sabado naman, pumapasok siya ng 9am sa umaga at umuuwi sa gab ngi 6pm.
Sa linggo ay wala siyang pasok kaya ang ginagawa ng tatlo ay nagmomovie marathon at nagsha-shopping.
Hinahatid niya sa umaga sa school si Nicole kaya natutuwa ang dalaga sa bagong Lydia.
Madalas, ang ginang ang sumasama sa check up ni Dazel. "Ang cute naman ng apo ko!" Kumukuha rin siya ng video para ipasa sa anak para mapanood ng kaniyang anak ang mag-ina niya.
Naging maayos at maganda ang set up ng bagong buhay nila.
A months later....
Natataranta sina Nicole, Lydia at Jun sa pangyayari ngayong araw na ito.
Nagpatulong si Nicole kay Kakay na idala sa hospital ang kaniyang ate Dazel dahil manganganak na ang babae.
Nagsisigaw na ito sa sakit. Kinalma siya ni Kakay.
"Nandito na tayo sa hospital?" tanong niya sa mga kasama.
"Oo!"
"Hindi ko na kaya! Baka dito nalang ako manganak!" Pinagpapawisan na si Dazel.
"No, baka mahulog ang baby mo! Don't worry, nandito na tayo sa room mo!"
Pinasok na sa loob ng room si Dazel. Nakipag video call siya sa kaniyang kuya at mommy.
"Saan na ba kayo?! Pati ako rito ay natataranta. Alam niyo naman wala akong experience sa mga ganito!"
"Ngayon may experienced ka na!" Pagbibiro ng kaniyang mom para mapakalma ang anak.
"Mom!"
"Joke lang! Ito na, papunta na ko diyan sa hospital! Malapit na ako."
"I'm sorry talaga hindi ako makakapunta, may demo kami ngayon!" Panghihinayang ni Jun. Hindi niya makikita ang unang tawa ng kaniyang baby.
"Don't worry kuya, magvi-video call tayo para mapanood mo," sabat ni Nicole.
"Anak, wag kang mag-alala dahil nandito naman kami. Mag focus ka nalang diyan," dagdag ng kaniyang mommy.
"Oo nga kuya. Proud sayo ang anak mo dahil ginawa mo yan para sa future niya, future ng mag-ina mo. Relax ka nalang diyan at watch the video nalang mamaya!"
"Okay, thank you! "
Nakarating na rin sa ospital si Lydia. Tinanong niya ang kaniyang anak kung naisilang na ba ang baby.
"Halikayo mom, tingnan niyo!" Tumingin sila sa mallit na glass window sa pintuan.
"Ang cute niya, kamukha niya ang daddy niya!" napangiti ang ginang nang tiningnan niya ang baby. Kumaway kaway siya.
Pinayagan na rin silang pumasok kaya agad pinuntahan ng dalawa ang baby nina Dazel at Jun.
Nilapit ni Nicole ang phone niya para makita ng maayos ang baby ng kuya niya.
Napaiyak si Jun. Naroon din ang mga kaniyang ilang mga classmates, Nakikipanood. "Daddy na ako, daddy na ako mga bro!"
"Congrats, bro!" Bati sa kaniya ng mga kasama.
"Kamukha mo siya, anak!" Sabi sa kaniya ng mommy niya
"Oo, mom!" Sagot niya habang mangiyak ngiyak.
Kinamusta niya rin ang magiging asawa niya. "Kumain ka ng marami ha?! para bumalik ang lakas mo!"
"Oo, pero tataba ako, eh!"
"Wala akong pakialam kahit sobrang taba mo pa. Alam mo naman sobrang mahal kita!"
"Ang sweet naman!" sabi ng mga kaibigan niya.
"Pagkatapos ng graduation ko. Magpapakasal tayo para matali ka na sa akin. Gusto na kitang tawagin na wife ko at husband mo." Lalo pa silang naghiyawan sa mga sinabi ni Jun.
Mamaya pa ang balik ng demo ni Jun kaya sinulit niya ang oras para panuirin ang kaniyang mag-ina lalo na ang kaniyang baby.
Sobra saya niya sa araw na ito, sa blessing na dumating sa kanila.
Pati rin si Lydia, hindi napapagod sa pagkarga sa kaniyang unang apo mula sa nag-iisang anak na lalake.
Naaaliw at natutuwa siya habang tinititigan ang kaniyang unang apo.
This is the best blessing na dumating sa kanilang buhay ngayon.
Masaya sila! Sobrang saya nila!
BINABASA MO ANG
Junjun and I (Completed Tagalog)
General FictionAnak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi san...