"Anak, bakit ba kasi ayaw mo sa kaniya?! Eh, mabuti naman siyang tao, responsable at may pagmamahal sa pamilya," pagtatanggol ni Merlina kay Dazel.
"Mom, I don't care kahit siya pa ang pinaka santo sa buong kababaihan. Hindi ko siya gusto dahil hindi siya ka-level natin. Paano nalang kung malaman ito ng mga kaibigan ko sa company or yung mga classmates ko rati, na successfull na rin ngayon.
Pagtatawanan nila ako dahil may daughter in law ako na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ayaw kong mangyari yun, mom! Mahalaga sa akin ang career ko, ang image ko!"
Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sagutin ang mga sinasabi sa akin ng mommy ni Jun.
Thankful ako dahil sinasagot siya ni lola para mabigyan man ng hustisya ang side ko.
"Anak. Isa kang journalist kaya alam mo na, nasa new generation na tayo. Normal na ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan, ng mga babae. Hindi na yun big deal ngayon."
"Oo nga mom, pero may mga taong conservative pa rin. Ayaw kong mapabilang sa mga sasabihan na iresponsableng ina dahil hindi ko napalaki ng maayos at disiplinado ang aking anak.
Also, people admired me, mom. Hindi lang sa pagiging journalist ko, kundi nagbibigay din ako ng motivational advise sa lahat. Tapos, mababalitaan nila ang tungkol sa aking anak. Baka, masabihan pa akong sinungaling Naku, ayaw kong mangyari yun. Pinaghirapan kong buuhin ang aking magandang image ngayon."
"Anak. Wag mo masyadong sambahin ang career mo. Ang ibig kong sabihin, mas pipiliin mo ba ang magandang image kesa sa pamilya mo?!"
"Mom, iba naman yan." tumingin siya kay Dazel. "Kung siya lang, yes, I will choose my career kesa sa kaniya."
"Anak. Please, hayaan mo nalang sila! And give her a chance. Kapag nakasama mo siya. You will realize, mali ang mga iniisip mong hindi mabuti tungkol sa kaniya. She is nice, responsable, mapagmagal, kind, may manners.
Lahat na ata ng kabutihan nasa kaniya na." Nakita ni Lydia ang tuwa ni Dazel ng marinig ang mga complements ni Merlina.
" Besides, paniguradong magiging masaya ang pamilyang bubuuhin nila ng apo ko."
Napatawa si Lydia. "Yan ba ang nangyari sayo mom, after ng maraming linggong pagsasama ninyo sa bakasyon?
Yung sinasabi ninyong magiging masaya ang pamilyang bubuuhin nila. Siya lang ang makaka-benefit non dahil ang anak ko naman ang magpapakapagod sa kaniyang trabaho. Habang siya nakahiga sa malambot na kama. Kumakain ng mga masasarap na pagkain. Nakakabili ng mga mamahaling damit. In short, sa piling ng anak ko, magiging buhay reyna siya."
"Grabe naman po kayo!"
"Bakit hindi ba totoo?!"
Sumabat si Merlina. "Tama na yan." Hindi na nagsalita pa si Dazel dahil inisip niya ang kalusugan ng matanda.
"Anak. Sana baguhin mo ang ganiyan mong paniniwala mo. Baka, nakalimutan mo ang buhay mo noon. At sana naman magkaroon ka ng time sa pamilya mo. Huwag puro trabaho. Mayaman ka na anak, malayo na ang narating ng pagiging hard working mo sa trabaho. It's time na para pagtuunan mo ng pansin ang sarili mo, ang pamilya mo.
Halimbawa ngayon, may family day si Nicole. Kailangan naroon ka. May responsible ka rin as parent ni Nicole, hindi lang sa trabaho mo." Hindi nakasagot si Lydia sa mga sinabi ni Merlina.
"Okay, pumasok na kayo. Anong oras na!" Wika ni Merlina.
"Sige mom," tumingin siya kay Nicole. "I'll try na makapunta sa family day sa school mo."
"No need mom. Baka pagpunta mo roon ay tapos na. Then, sisisihin mo naman ako gaya nangyari noon," seryosong sagot niya sa magulang. Naglakad na siya paalis sa dining area.
BINABASA MO ANG
Junjun and I (Completed Tagalog)
General FictionAnak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi san...