Kabanata 3

1 0 0
                                    

Upo muna tayo rito!" Kinuha ni Ayden ang biniling ice cream para makaayos ako sa pag-upo.

"Ngayon lang ulit ako nakatikim ng ice cream kaya na-miss ko na ang lasa, lalo na ang favorite kong manggo!"

"Ako rin. Sa katunayan, ngayon lang ulit ako nakatikim ng ice cream. Ang mga barkada ko kasi ayaw ng mga ganito, eh!"

Tumingin ako kay Ayden. "Kasi, mga alak ang mga iniinom ninyo?!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

" Oy, hindi ah!"

"Biro, lang!"

Nakatitig ang binata kay Dazel. "Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka!"

"Shut up! Paalala ko lang sayo. May asawa na ako at magkakaroon na kami ng baby!" Pabiro niyang sabi kay Ayden.

"Ganun ba ang dating sayo?!"

"Oo!"

"Sa akin naman complement lang."

"Alam mo, doon mo yan i-complement sa single, huwag sa akin!"

"Naisip ko tuloy, bakit ka ganiyan mag isip. Kapag wala ka bang boyfriend at anak, may pag-asa ba ako?"

Bigla akong napa-ubo ng marinig ang tanong ni Ayden.

"Ano bang klaseng tanong yan?! Wait, ikaw ba, may gusto ka sa akin?"

Ngumiti si Ayden sa kaniya. "Bakit? Ano bang gagawin mo, kapag nagkaganun?"

"Ano gagawin ko?!"

"Oo!"

Binatukan niya si Ayde. "Yan ang gagawin ko kapag hindi ka pa hihinto sa pagtitrip sa akin! Kuha mo ba?!"

Tinapik niya ulit. "Lagi ka nalang nakangiti ah, seryoso ako ngayon, ha!

Yang joke mo na yan, wag na wag mo yan ipapakita kapag nandito si Jun? Siguradong magkakaroon ng malaking gulo!" tumayo na ako at nagpaalam na sa kaniya.

"Uuwi ka na agad? Wala pa ngang kalahating oras nandito tayo."

"Uuwi ako ng maaga para hindi ako ma-chismisan dito. At para na rin, hindi ko marinig ang mga pantitrip mo sa akin." Nakangiting tiningnan ni Ayden paalis si Dazel.

Nang umuwi na ako, wala na ang mga amega ni mrs Garcia.

Inabangan niya pala ako sa sala. "Bakit po?"

"Bakit po?! Diba, sinabi ko na sayo, huwag kang magpapakita sa mga kaibigan ko."

"Mrs. Garcia, hindi na natin mababago ang nangyari. Mabuti na rin yun para hindi na sila magtatanong pa at hindi na ako magtatago."

"Ang point ko lang naman dito, sundin mo ang mga sinasabi ng mga tao rito dahil yan ang mangyayari kapag sumuway ka! Kuha mo ba, ha?"

I ignored what she said. Lumapit ako sa kaniya. "Gusto niyo po ba kumain ng ice cream? Kakakain ko lang ng ice cream at ang sarap po!"

"Lagi mo talaga iniiba ang usapan. Ano naman connect yun sa pinag-uusapan natin?"

"Wala po. Gusto ko lang po kayo ayain na kumain!"

"Bawal ako sa ice cream!"

"May allergy po ba kayo or something na makakaapekto sa kalusugan ninyo?"

"Wala. Ayaw lang ng anak ko na kumakain ng ganiyan, lalo na matanda na ako!"

Binigay ko sa kaniya ang binili kong ice cream. Ayaw niyang tanggapin kaya kinuha ko ang kaniyang kamay.

Sa tingin ko gusto niya rin. "Kung kakain man ako ng ice cream, doon ako kukuha sa ref. Hindi sa dala mo. Baka kung saan saan mo yan kinuha!"

"Unang una po, binili ko po ito diyaan sa nagbebenta. Parang kilala po kayo ng lalakeng nagbebenta. Kasi nang bumili ako nagtanong siya sa akin, bakit ako lumabas sa gate na yan na galing dito. I told her the truth. Sabi niya, ibigay mo 'to kay Merlina, favorite niya 'to." Ang matandang iyon ay kaibigan ni Merlina. Siya yung kausap ng matanda kapag nalukungkot siya sa bahay.

Junjun and I (Completed Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon