As expected, maraming tao sa sinehan dahil bibisita rin yung bida sa pelikula.
Kinuha ko ang aking dalang de batterya na electric fan, tinapat ko kay mrs Merlina.
"Nag-eeffort ka pa talaga, ha?!"
"Oo naman!"
"Makakapanood ba talaga tayo? Eh, ang daming taong nakapila para makapanood man lang! Wag na natin siguro ituloy, baka abutin tayo ng sobrang gabi rito! Tandaan mo, 10pm ang uwi ng anak ko."
"Wag kang mag-alala nakakuha na ako ng ticket. Kahapon pa ako nagpa-reserve! Kapag nasa loob na tayo ng sinehan, hindi na tayo magtitiis sa mainit na labas dito! Diyaan ka lang po kukunin ko lang ang ticket nating dalawa."
Nanghiram ng upuan si Dazel para makaupo ang matanda, para hindi siya magtitiis sa paghihintay habang nakatayo.
Parang nag-iba ang tingin sa kaniya ng matanda. Natuwa siya kay Dazel dahil sa kabila ng nangyari dahil sa pagsusumbong niya, nananatili ang pagiging mabait niyang tao.
Nakita niya rin ang pag-e-effort ng babae upang hindi na sila maghintay at pumila ng sobrang haba.
Nakita niyang pabalik na si Dazel, hawak hawak ang dalawang ticket na pina-reserve niya.
"Tara na po! First batch tayo kaya hindi na tayo maghihintay pa."
"Thank you, naman!" sambit ng matanda.
Nagkaroon ng batch two dahil sa sobrang daming mga taong nandito.
Buti talaga, naisipan ko kahapon magpareserve kaya ngayon hindi na kami matatagalan bago makapanood.
Pumasok na kami sa loob. Hinanap ko yung magiging upuan naming dalawa ni mrs. Garcia.
"Salamat naman dahil nandito na tayo sa loob. Hindi na ako magtitiis sa mainit dahil sa sobrang tao. Nawala ang lamig ng aircon dahil sa maraming tao!"
"Oo nga po, eh!"
Nagsimula na ang movie na papanuurin namin. Tiningnan ko si mrs Garcia. Nakikita ko sa mukha niya ang saya at tuwa.
"Akala mo hindi ko na mapapanood ang movie niya, ang huling movie niya," sinabi niyang huling movie dahil baka sa sunod na mga linggo or buwan lilisanin niya na ang mundo.
Masaya ako mrs Gacia na tuparin ang mga bagay na gusto mong gawin at gusto mong puntahan.
Siguro, naiintindihan kita dahil ayaw mong mag-aalala ang pamilya mo kapag nalaman nilang may taning na ang buhay mo.
Hinimas himas ko ang aking tiyan. Kinausap ko ang baby ko, through my mind.
Baby, masaya ka rin ba dahil parte ka rin bilang instrumento sa pagtutupad ng mga bagay na gusto mangyari ng lola mo.
Kahit nakakaiyak ang movie na pinapanood namin pero ang expression ng mukha niya ay sobrang saya.
Sobrang saya siya dahil mapapanood niya ang huling movie na gusto niyang panuurin.
Natutuwa siyang lumabas sa sinehan. Mababakas ang ngiting walang katapusan.
Kinuha niya ang hawak kong mamahalin na ballpen at mamahaling notebook. Oo mamahalin ang mga bagay na yun.
Sinadya niya, dahil importante ang araw na ito at baka ito na ang huling pagkakataon na makita niya ang idolo niyang artista.
Sinabi ko sa kaniya, ako na ang kukuha ng autograph para hindi na siya mahirapan.
Lalo na maraming nakapilang tagahanga ng artista na yun.
She refused. She said, Gusto kong maranasan ang maging fans niya. Masarap sa pakiramdam kapag pinaghirapan mo ang isang bagay na makuha."
BINABASA MO ANG
Junjun and I (Completed Tagalog)
General FictionAnak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi san...