Kabanata 2

1 0 0
                                    

Hindi ako nasanay mag senyorita dahil buong buhay ko I work really hard, just to support myself. Alam ko lahat ng mga mababang uri na legal na trabaho, kaya tinulungan ko si Kakay upang magligpit sa pinagkainan ko.

Lalo, pinagkainan ko yun, tapos ipapaligpit ko sa iba.

Hindi ako ganiyang tao, noh!

She refused, kahit anong agaw ko, hindi niya binibigay. Dagdag niya pa, " Ma'am, binilin kayo ni sir Jun sa akin n alagaan ko kayo ng maayos kaya maupo nalang po kayo. Kung may kailangan kayo, kahit ano po, tawagan niyo lang po ako."

"Pwede naman akong tumulong sayo. Wala naman akong ibang mapagkakaabalahan dito!"

"Marami po, manood kayo ng tv. Maraming palabas ngayon na magaganda.

Kung mahilig naman kayo mag-alaga ng halaman, pumunta lang kayo sa garden.

May malaking library din po ang mansion na ito. Iba't ibang uri ng mga mababasa ninyong kuwento; may romance, may comedy, may horror, may action, at marami pa po!

Pwede rin kayo maglakad lakad sa labas, kung gusto niyo makalanghap ng sariwang hangin, or gusto niyo makita ng view dito. Mababait din po ang mga tao rito, ma'am. At higit sa lahat, don't worry po dahil safe naman dito!" Paglalahad ni Kakay kay Dazel para malibang ang babae.

" Sa nabanggit mo, mas gusto ko yung maglakadlakad sa labas."

"Ayos po yan, ma'am!"

"Naisip ko nga, tuwing umaga, maglakadlakad ako sa labas para ikabubuti ng baby ko."

"Opo. Pero po, mas maganda nandito si sir Jun para may makakasama kayo sa ganiyan!"

"Oo nga, eh! Kung hindi lang dahil sayo, mababagot ako rito. Ayaw kasi makipag-usap sa akin ng maayos ang pamilya niya sa akin."

"Sa bagay na yan, ma'am. Masasanay din kayo. Ganun talaga ang mga ugali nila. Kaya wag niyo nalang sila intindihin or problemahin para hindi kayo ma-stress pati ang baby ninyo.

Sigurado ako, kapag lumabas na ang baby, magbabago rin ang pakikitungo nila sa inyo."

"Sana nga, sige labas muna ako!"

"Okay po!"

Isisipin ko nalang yung sinabi ni Kakay. Nilagay ko ang aking kanang kamay sa aking tiyan at hinimashimas ko.

Sana nga baby, sa pagsilang ko sayo at makita ka ni ma'am Lydia, lola mo at ni Nicole baka magbago ang pakikitungo nila sa akin. Baka, matanggap na nila ako.

Nakangiti akong tumingin sa paligid ko. Napalingon ako dahil may sumitsit sa akin.

Lumapit ako sa kaniya. "Alam mo, chismosa ako kaya itatanong ko na ito. Diyaan ka ba nakatira?" Turo niya sa bahay namin. Nasa gilid lang namin ang bahay nila, naka-line sa bahay namin. Malayo nga lang ang space sa pagitan ng bahay namin at sa kanila. Sa tingin ko, kasing edad ko lang siya.

"Oo," mahinhin na sagot ko.

"Kaano-ano ka naman nila, ng mga nakatira diyan?" Nagulantang ako sa tanong niya. Ewan ko, kung sasabihin ko ba ang totoo or hindi.

Naisip ko rin, dito na ako titira kaya malalaman din niya pati ang buong nakatira rito ang relasyon ko sa pamilya Florez.

"Ano na, bakit ang tagal mo sumagot?" Nakangiting pabiro niya.

"Excited?!" Pareho kaming tumawa sa sinabi ko.

"Girfriend ako ng nag-iisang anak ng may-ari ng bahay na yan."

"Si June? Girlfriend ka ni June?"

"Oo."

"Kababata ko yan, eh! I mean, since grade six. Pareho rin ang pinapasukan naming high school noon. Pero ngayong college ay hindi na dahil sa kaniya kaniyang kurso namin. Na-miss ko yung loko na yun! Hindi ko pa yun nakikita personally!"

Junjun and I (Completed Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon