a/n: hey guys, thank you and please keep on reading and ENJOY :)
***
LUNCHTIME!
Papasok kami sa canteen ng kaibigan kong si Sophie Martinez. Bitbit ko ang ipinabaong kanin at ginataang tulingan ni Lola Coring sa akin.
Sinubukan kong alukin kanina si Blaze na sumabay na siya sa amin ni Sophie sa canteen ngunit tulad ng mga nakaraang araw, walang salitang nilagpasan lang niya ako na para bang hindi ako nag-eexist. Langhiyang lalaking to. Ignore talaga ang beauty ko.
Madalas solo flight si Blaze sa loob ng campus, dahil pinangingilagan ito ng mga kaeskwela nila kaya wala itong kinabibilangang grupo o mga kabarkada. Pagdating naman sa labas, iyong mga dating kaklase nito sa pinanggalingang St.John College ang kasa-kasama nito. Pawang mga pasaway at hindi rin nagseseryoso sa pag-aaral ang mga iyon, palibhasa mga anak-mayaman.
“Malala ka na talaga, Angel, tigilan mo na nga ang kakahanap kay Blaze” puna ni Sophie sa akin nang mapansin nitong naghahanap ako kay Blaze sa grupo ng mga estudyanteng kumakain sa canteen. “Ang dami naman diyang nagkakandarapa sa beauty mo, ewan ko ba kung ‘don ka pa sa lalaking ‘yon nagkagusto,” umiiling na sabi nito.
Alam ni bestie Sophie ang “obsession” ko sa Blaze, ito kaya ang “Partner-in-crime” ko sa pagkalap ng information tungkol sa resident bad boy ng Stanford University.
“Mahirap kalaban ito, Sophie,” sabi ko sakanya sabay turo ng aking kaliwang dibdib. Corny ko na masyado, HAHA:) iba talaga nagagawa ng love. Pero atleast consistent ako sa dean’s list, dahil nakatuon lang ang attention ko sa studies at yun lang, okay, oh, well except ky Mr. Crush, Blaze Alonzo.
Speaking of Blaze, I haven’t described him that well yet, so here it is :)) Loading kasi yung utak ni Author eh.
Sigurado akong walang kokontra sa akin kapag sinabi kong sa Blaze Adrian Alonzo ang pinakagwapong lalaki sa buong eskwelahan nila. Makintab at itim na itim ang buhok nitong hanggang batok. Mas mahaba iyon kaysa sa required sa eskwelahan nila pero walang makasita rito. Grey ang kulay ng mga mata nito na binagayan ng mahahabang pilik. (a/n: HAHA:), hindi ko kasi alam ang tagalog ng Grey) Matangos ang ilong nito at mistulang naka-lipstick ang mapupulang labi, at talagang maamo ang mukha nito. (a/n: Kung hindi nyo pa po ma gets yung itsura ni Blaze tingnan nyo lang po yung picture na nasa right, Ian Somerhalder <3)
Kadalasan, kapag pumasok ito ay hindi mukhang estudyante dahil kung hidi kulang ay hindi naman nito isinusuot ang tamang uniform. Tuwing Biyerneslang kasi dapat pinapayagang mag civilian. Pero ito, buong linggong ina-apply ang rule na iyon sa sarili. Walang necktie, dark-colored ang undershirts gayong puti ang plo nito, madalas naka-shades, colored ang mga medyas at naka sneakers. Kung ibang tao lang siguro ito at hindi maimpluwensiya ang pamilya, malamang hindi ito tinanggap sa eskwelahan nila, lao pa’t sarisaring kalokohan sa loob ng campus ang kinasasangkutan nito.
Minsan ay pumasok itong lasing at may dala pang alak sa bag. Niyaya pa nitong uminom ang mga kaklase nito and worse, pati ang professor nito sa klaseng pinasukan. Madalas din itong may nakakabanggang mga lalaking kaeskwela na hindi gusto ang sarkastiko at tila palaging nang-uuyam na pananalita nito. Ito kasi ang klase ng taong hindi naniniwala sa pagiging tactful. Kaya kahit alam nitong hindi gusting marinig ng mga kaharap ang totoong obserbasyon nito, hindi nito pinipigilan ang sarili sa pagsasatinig niyon.
Hindi man ito ang unang nanunugod sa mga nakakaaway nito, madalas ay ito naman ang nabe-blame dahil nga sa palagiang pagbibitaw nito ng mga salita. It was like he was so bored with his life that he relieved that boredom by creating havoc in other people’s lives. Para bang manhid na ito sa lahat ng klase ng emosyon kaya para maibsan ang kabagutan ay inaaliw nito ang sarili sa pagpapalabas ng mga kahinaan ng mga taong nakapaligid dito.
BINABASA MO ANG
Being With You
Novela Juvenil"Because for once in my life, I must have done something right, that's why God gave you to me."