Chapter 3

30 1 0
                                    

(Angel’s House & Still her P.O.V)

“ANGEL? Ikaw na ba iyan, apo?” narinig ni Angel na tawag ni Lola Coring habang ipinapasok niya sa silong ng bahay ang bisikleta niya.

Tumingala ako at nakitang dumungaw si Lola sa bintana. “Opo, ‘La,” tugon ko sa kanya at na agad akong pumanhik sa hagdan.

Ang may kalakihang bahay na ito ay minana pa ni Lolo Timo sa lolo nitong dating Matapat na katiwala na hacenderong may-ari noon ng lupang kinatitirikan ng bahay nila at lupang sinasaka ng lolo niya. Matagal nang naisalin sa pamilya nila ang titulo ng lupang iton. Regalo iyon ng hacendero na si Don Paquito Villagonzalo sa lolo ni Lolo Timo kapalit ng Matapat na paglilingkod nito. Ipinasya kasi ng mga Villagonzalo na bumalik na sa Estados Unidos noon kaya tuluyan nang naiwan ng mga ito ang mga ari-arian sa San Rafael.

At kung noong panahon ng lolo ni Lolo Timo ang mga Villagonzalo ang naghaharing-uri sa bayan ng San Rafael, ngayon ay ang mga Alonzo, Cornelio, Cervantes, del Serra, at de Guzman na. Samantalang ang mga Villareal, bagaman isa sa mga pamilyang pinakamatatanda sa baying iyon ay maglulupa pa rin hanggang ngayon. Ngunit labis na kinararangal ng lolo ang trabaho niya. Hindi iyon kahiya-hiya.

“Nagluto ako ng biko, apo. Mag-merienda ka muna bago ka tumuloy kina Tiya Maria mo,” wika no Lola Coring pagkatapos niyang magmano rito.

“Opo, magbibihis lang po muna ako,” sabi ko at pumasok na sa silid ko.

Pagkagaling ko kasi sa paghahatid ng panaghalian ni Lolo Timo sa palayan ay dumidiretso na ako sa patahian ni Tiya Maria, kung saan ako suma-sideline sa pananahi ng mga basahan. Ang baryang kinikita ko doon ay sapat nang pambili ng mga patuka nila sa manok. Bukod doon, tungkulin ko ding ihingi ng kaning-baboy sa mga kapitbahay ang alaga naming inahing baboy sa likod-bahay. (a/n: sipag ni Angel noh? Para talagang anghel)

Kapag walang pasok, ako rin ang nagdidiligbng mga tanim na gulay ni Lola Coring sa harap ng bahay naming. Ang kalahati niyon ay pangkain nila habang ang kalahati niyon ay ibinibenta naming kay Aling Ancia na may puwesto sa palenke. Lubhang napakaswerte ko dahil kahit simple ang pamumuhay naming at minsan lang ako makatikim ng luho, hindi naman siya nagugutom o nilalamig sa kawalan ng matitirhan.

Subalit higit pa roon ang pangarap ko para sa lolo’t lola kong nataguyod sa akin. Gusto kong suklian ang walang-sawang pag-aaruga nila sa akin. Nais kong bigyan sila ng marangyang buhay baling-araw. Iyong hindi na kakailanganin pa ng mga ito na magtrabaho ng maghapon masiguro lang na mamumuhay sila nang maayos.

Kaya nga labis ang pagsisikap ko sa pag-aaral. Ipinangako ko sa aking sarili na magtatapos ako at maghahanap ng magandang trabaho. Hindi ako papaya na hanggang sa pagyao ng lolo’t lola ko ay lupa ng San Rafael lang ang natatapakan ng mga ito.

Ngunit kung noon ay silang tatlo lang ang laman ng mga pangarap ko, ngayon ay may nadagdag na-----si Blaze. Siguro, kung maipapakita ko rito ang mga kagandahang inaalay ng mundo, matututuhan na nitong burahin ang lungkot sa mga mata nito. Ang mabura niya ang hinagpis na ikinukubli ng galit, iyon ang isa pang pangarap na nais niyang makamit.

***********************************************************************************************************

a/n: yung picture po sa gilid ay si lolo timo at lola coring :)

Being With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon