a/n: nakapag update din. hehe sorry, at natagalan. nasira yung laptop ko eh.
***
“So kailan mo gusto magsimula? At anong araw tayo? M-W-F ba o T-Th?” sunod-sunod na usisa ni Angel.
“Bahala ka,” nagkibit-balikat na sagot ni Blaze.
Sa totoo lang hindi naman niya kailangan ng tulong nito. Kayang-kaya niyang ipasa ang lahat ng back subjects niya kahit pa nakapikit siyang kumuha ng exams. Sinasadya lang talaga niyang ibagsak ang mga subjects niya bilang pagrerebelde sa kanyang ina.
Ang IQ niya ay mas mataas pa sa IQ ng mismong mga professor niya. Sa katunayan, galing siya sa eskwelahan para sa mga intelectually advanced noong nag-aaral siya sa high school sa States. Subalit nang mabalik siya sa poder ng kanyang ina, naisip niyang kung mapapahiya ito sa kabobohang ipapakita niya ibabalik siya nito sa poder ng Tita Leny niya sa states. Ngunit mas mahalaga talaga rito ang makukuha nitong mana sa lola niya kaya kasehodang mapahiya ito at ang amain niya, pinapirmi pa rin siya nito sa bansa.
Sa totoo lang, nababagot na rin naman siya sa pakikipagmatigasan dito. At kung tutuusin, matagal na siyang maaaring umalis sa poder nito at ng lola niya. Nasa legal age na siya. Hindi na siya maaaring puwersahin nitong manatili sa poder nito katulad noong bata siya kung kailan tinangka pa niyang tumakas dito. Pero eksaktong napagpasyahan na nniyang gawin iyon nang bigla nitong ipain sa kanya ang impormasyo diumanon nito tungkol sa kanyang ama. Pumirmi lang daw siya sa San Rafael hanggang mag beinte-uno siya at sasabihin nito sa kanya kung nasaan ang ama niya.
Pagtuntong kasi niya ng beinte-uno ay ipapasa na rito ng lola niya ang lahat ng mamanahin nito mula rito. Iyon daw ang napagkasunduan ng mga ito noong bawiin siya mula sa poder ni Tita Leny.
“Sige. Miyerkules bukas, bukas na lang tayo magsimula. Tig-iisang oras lang okay na iyon. Mabilis ka namang maka-catch up, eh,” anito.
Hindi siya tumugon pero pinagmasdan niya ito sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi ito masasabing sobrang ganda. Ngunit hindi rin naman maaaring bale-walain ang taglay na kagandahan nito. Bahaggyang kulot ang buhok nitong hanggang kalahati ng likod ang haba. Madalas nakatabing iyon sa kaliwang bahagi ng mukha nito. Sa palagay niya ay sinasadya nito iyon upang kahit paano ay matakpan ang pilat nito.
Pero kung tutuusin, hindi na nito kailangang gawin iyon. Hindi naman pangit tingnan ang hugis-luhang pilat nito. In fact, it just made her appear more human. Without it, madaling pagkamalan itong anghel na naglalakad sa lupa. Lalo na at taglay nito ang pinakamaamong matang nakita niya sa buong buhay niya. Tila palaging nangungusap ang mga iyon, parang palaging nakakaalam ng lahat pero hindi nanghuhusga kundi umuunawa at nakikisimpatya. Hugis-puso ang mukha nitong dinodomina ng mapupulang labing tila palaging nakangiti. (see right side for Angel’s cute pic)
“Blaze?” nakakunot-noong pukaw nito sa nagliliwaliw niyang diwa. Sa anyo nito ay tila may itinatanong ito sa kanya ngunit hindi niya narinig. Wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya kundi nasa hitsura nito.
“Ano?!” asik niya upang pagtakpan ang kakulangan. He would be damned first before he let he know he was actually thinking how angelic she appeared. Nabigla ito at napaatras.
“Papunta nang high school grounds iyan. Dito and daan palabas,” sagot nitong alanganing itinuturo ang maliit na gate patungo sa building ng San Rafael High School.
Pinaghihiwalay ng mataas na sementadong bakod ang dalawang eskuwelahan. Dahil wala sa nilalakaran ang isip, doon siya dinala ng kanyang mga paa.
“Pakialam mo ba? Dito ko gustong dumaan. Bakit ba nakabuntot ka pa rin sa akin?” nakaangil na sabi na lang niya.
“Eh, hindi ka pa kasi umoo sa sinabi ko. Ayos lang sa iyong bukas na tayo magsimula?”
“Bahala ka,” tugon niya, saka malalaki ang hakbang na tinalikuran ito at umalis.

BINABASA MO ANG
Being With You
Novela Juvenil"Because for once in my life, I must have done something right, that's why God gave you to me."