Pang-apat na beses nang tumikhim si Angel subalit wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula kay Blaze sa tanong na binabasa niya mula sa hawaqk na libro.
“Blaze”, aniyang bumaling dito.
Kaya naman pala wala itong imik dahil tulog ito. Nakakalean ito sa mahabang mesa sa gitna ng library. Napabuntong-hiningang isinara niya ang libro. Pangatlong linggo na iyon ng tutorial nila. At katulad ng mga nauna, tinulugan na naman siya nito. Nag-aalangan siyang gisingin ito dahil mukhang antok na antok ito. Pero kailangan niyang gisingin ito dahil masama na ang tingin dito ng librarian.
“Blaze? Gising na, Blaze. Baka masita na naman tayo ni Mr. Uwak.” Mahinang niyugyog niya ang balikat nito.
Nagising naman ito. Pupungas-pungas na nag-inat at humikab ito. “Tapos na ba tayo?” yanong nitong nagsimulang ligpitin ang mga libro nito.
“Eh, hindi pa , Blaze. Nasa second question pa lang tayo, ‘o,” tugon ni Angel at itinuro ang nakasulat na assignment nila sa notebok.
“Asar!” naiinis na sambit ni Blaze. “May pupuntahan pa ako. Sa lunes na lang natin ituloy iyan.”
“Paano itong project natin?” – Angel
Magkapareho kasi sila sa bagong proyekto nila kay Mrs. Roldan kung saan kailangan nilang gumawa ng collage ng mga pamosong taong naging parte ng political history sa Europe. Madalas kasi silang pinagpapareha ni Mrs. Roldan. Hindi naman sa pagmamayabang, alam nitong responsible si Angel, gagawa at gagawa pa rin ito ng paraan upang magkaroon ng grade si Blaze kahit pa hindi ito tumulong. Ganoon katindi ang hangarin ni Mrs. Roldan na huwag buagsak si Blaze sa ikatlong pagkakataon.
Nauunawaan niya man ang hangarin ng propesor, hindi naman kunsintidor magmahal si Angel. Gusto niya, sariling sikap ni Blaze kaya ito ga-graduate at hindi dahil nagpauto siya sa feelings na nararamdaman niya para dito.
Pinigilan ni Angel ang kamay ni Blaze na akmang isusukbit sa balikat ang knapsack nito. Salubong ang mga kilay na tinitigan nito ang kamay ni Angel. Agad namang nag-init ang pisngi ni Angel kaya agad niya inalis ang kamay sa pagkakahawak dito.
“K-Kailangan nating gawin ito, Blaze.” - Angel
“Sa bahay ko na gagawin.” – Blaze
Napakunot-noo siya. Iyon din ang sinabi nito noong Miyerkules patungkol sa project nila na sa Lunes na ang deadline ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nagagwa ayon na rin mismo kay Blaze.
“K-Kung gusto mo, ako na ang gagawa para sa iyo, pati na iyong last project natin!” wala sa loob na biglang naiprisinta ni Angel.
Tila pareho silang nagulat sa sinabi niya. Umarko ang kilay ni Blaze at bumakas ang pagdududa sa mga mata.
“At ano ang kapalit, little girl? Gagawin ko anumang gusto mo?” patuyang sabi nito.
Bahagya siyang napangiwi sa itinawag nito sa kanya pero mabilis na gumana ang utak ni Angel. Gusto talaga niyang lubos na makilala pa si Blaze. Subalit kung ipipilit naman niyang manatili ito roon nang labag sa loob nito ay malamang na wala ring kahantungan iyon. Kailangan makapa muna niya ang pinakamagandang paraan upang makumbinsi itong pagtunan ang atensiyon sa pag-aaral. Sa tigas ng ulo nito, hindi uubra ang basta mga salita lang.
At isa pa, bitin siya sa ten minutes nilang pagkakasama. Para mapalapit dito, siguro mas mabuti kung malalaman din niya ang mga pinagkakaabalahan nito sa labas ng school. Hindi kasi siya lubos na naniniwalang pawang mga barkada lang nitong mga sakit din sa ulo ang nakakasalamuha nito.
May isang munting tinig na nag-uudyok sa kanyang kalahati ng mga sinasabi ng iba tungkol dito ay exsaherasyon na lang. isang malaking bahagi ni Angel ang nagbubulong sa kanyang maskara lang ang pagkasalbahe ng imahe nito. Dahil paanong magiging ubod ng sama ang isang taong isinugal ang sariling kaligtasan para lang sagipin ang isang kuting mula sa rumaragasang sasakyan?
Iyon ang unang beses na nakita ni Angel si Blaze isang taon na ang nakaraan sa sentro ng bayan habang namamalengke sila ni Lola Coring. Kaya naman nang malaman niyang ito ay walang iba kundi ang notorious na stepson ni Mayor Ranulfo Alonzo, hindi siya makapaniwala.
“Gagawin ko ang assignment mo at ang project natin kung isasama mo ako sa lakad mo ngayon,” walang gatol na tugon ni Angel sa paasik na tanong ni Blaze. Biyernes ngayon. Kaya natitiyak niyang pupunta na naman ito sa misteryosong lokasyon na palagi nitong pinupuntahan tuwing ganoong araw.
Halata ang pagkabigla sa anyo ni Blaze. Kumunot ang noo nito. “ Bakit?”
“Gusto ko lang malaman kung saan ka pumupunta tuwing ganitong Biyernes. Kasi, nakikita kita tuwing uwian. May pinupuntahan ka malapit sa boundary. Saan ka pumupunta?” –Angel
“Lahat ba ng ba ng kilos ko minamatyagan mo? Bakit mo alam ang tungkol doon?”
Nag-init ang mukha ni Angel, pero sinalubong niya ang tingin ni Blaze. “Kasi, madalas, nakakasabay ng jeepney na sinasakyan ko ang motorsiklo mo kapag Biyernes. Sa Mabolo ako bumababa kaya alam ko lang, malapit sa boundary ang pinupuntahan mo lagi tuwing ganitong araw.”
Matamang pinagmasdan siya ni Blaze pero mayamaya ay makahulugang napangiti ito. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa, saka tumungo.
“Gusto momng malaman? At kapag isinama kita roon ngayon, gagawin mo nang project at assignment ko sa History?” – Blaze
Tumango si Angel. Piping nahiling niya na sana ay hindi totoo ang kutob niya na isang dalaga ang binibisita nito tuwing Biyernes malapit sa boundary ng San Rafael st Sto. Niño. At kung malaman nga niya iyon, ano ang gagawin niya? Ah, bahala na. Basta sa ngayon, naextend pa ang oras na makakasama niya ito. Kontento na siya roon.
Hindi tiyak ni Angel kung guni-guni labg ba niya o talagang narinig niya itong nagsabing, “Let’s see how tough you are, little girl.”
***
a/n: yaay, may update na din ako. yung picture po sa side ay si Sophie Martinez yung bestfriend ni Angel :) this chapter is dedicated to @laramontanes, coz she's such a sweet girl :)
BINABASA MO ANG
Being With You
Ficção Adolescente"Because for once in my life, I must have done something right, that's why God gave you to me."