"That Girl"

1.3K 54 2
                                    

Naglalakad ako sa gilid ng dalampasigan habang pinagmamasdan ang mga taong masayang naglalaro sa buhangin. Rinig mo mula sa gilid ng dalampasigan ang hampas ng alon sa dagat na wari nakakatanggal ng problema.

Ibang-iba talaga ang  buhay kapag malapit ka sa dagat

Naupo ako sa mga upuan na malapit sa cafeteria ng beach resort habang  nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

"Angge." Tawag sakin ni Celine habang naglalakad palapit sa akin.

"Yes Joy?" Sagot ko rito.

Umupo sya sa tabi ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. She's my Joy² bestfriend ko, malaki na sya but she's a baby to me, a clingy one.

"Masaya ka ba?" Tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya dahil nagtataka ako sa tanong niya.

Why wouldn't I be happy right?

"Why do you ask all of a sudden?" Tanong ko.

"Kasi I have see how you suffer from love and everything. Laging may conflict ang family mo, niloko ka, sinasabihan ka ng negative ng iba. I mean how do you handle all this things na ikaw lang?". Napangiti na lang ako ng mapait habang itinuon ang tingin sa mga taong naliligo sa dagat. Mukhang ang saya nila.

"Hindi naman kasi yun tungkol sa kung sino ang kasama mong labanan ang mga hirap sa buhay mo, tungkol yun sa kung paano mo labanan ang kahirapan mag-isa. You may need people to be with you and they are their when your at your happiest. But when your down not a single message will came asking you if your okay."  Saglit akong huminto at tinignan sya.

"Hindi na ako nag eexpect na may taong dadating at ipaparamdam sa akin na mahalaga ako dahil andun na ako dati eh. Naniwala na ako, pero at the end of the day wala lang pala ."

Totoo naman eh, along the way all the fights that I pass through walang ina o ama ang nandun para sa akin. Walang nagtanong kung okay lang ba ako, at walang naging concern sa kalagayan ko. I only have Celine, the one who cheer me up the most kapag down ako. And I'm so thankful I have her.

"Atsaka I have you naman Celine eh, what are friends are for right?" Saad ko

"Anong friends? Friends ba tayo?" nagulat naman ako sa sagot niya kaya agad na napakunot ang noo ko. "Bestfriends." Sagot niya at niyakap ako.

Goshhhhh, If wala akong nakilalang Celine maybe nalulunod na ako sa lungkot ngayon.

"Anyway, hinahanap na tayo nina mama tara na sa cottage."

Bumalik na kami sa cottage at sakto namang nagla lunch na sila kaya umupo na lang kami agad sa tabi nila.

"Angge... Kamusta ka? Ano feeling mo dito okay lang ba yung resort?" Tanong ng mama ni Celine.

"Okay naman po, maganda dito."Sagot ko.

"Alangan magreklamo ka na pangit, ang kapal din ng mukha mo pag ganun." Sagot ni Celine.

"Aba, may sinabi ba akong pangit ha? Aba ang ferson desisyon sa buhay." Saad ko habang tinataasan sya ng kilay.

"Dapat lang maappreciate mo noh, dinala kita dito para maging relax tas magrereklamo ka." Agad kong binatukan si Celine na kinadaing niya.

"Nagreklamo ba ako ha? Ikaw nga nagreklamo eh na wala kang mahanap na gwapo dito, di naman maganda." Pang-aasar ko. Masanay na kayo samin ganyan talaga bonding naming mag bestfriend eh burdagulan.

"Mas magrereklamo pa akong kasama ka kaysa maiwan sa beach na toh noh." Dagdag ko.

"Tseee! Kala mo ako hindi!" Naiinis nasagot niya.

"Oh bat ka umiiyak? Kawawa naman batang this, ano gusto mo lollipop? Awww kawawa." Pang-iinis ko pa. Binatukan niya naman ako sabay takbo palayo.

"Pangittt!!" Sigaw niya. Tong babaeng toh talaga kumakain pa tumatakbo na eh. Mapapahabol pa ako nito, ang sarap pa naman ng ulam.

"Hoyyyy Joy²!! Tumigil ka nga! Sige ka magkaka appendix ka sa ginagawa mo juskooo." Sigaw ko habang hinahabol sya pero takbo padin sya ng takbo."Hoyyyy!! Gutom pa po ako juskooo naman eh! Celineeeeee! Maawa ka sa sikmura ko!!" Tumigil naman sya at tinawanan ako habang nakahawak sa tiyan niya .

"Oh ano? Tawa-tawa ka jan eh." Saad ko .

"Tignan mo hitsura mo, ang pangit mo pala talaga."  Aba yung ferson napangitan Kay Angelica Jhane Gegante, aba di ako papayag nun.

"Ikaw nga habang tumatakbo ka para kang asong ulol." Saad ko.

*Pakkkkk!*

Isang malutong na hampas sa braso ang natanggap ko galing kay Celine. Bale buto ko dun ah. Napasinghap ako sa sakit ng braso ko at tinignan sya ng masama.

"Arayyy! Pag ikaw binatukan ko jan—" Pinutol niya ang sasabihin ko habang naiwan akong inis na inis at nakahawak sa braso ko kung saan niya ako hinampas.

"Pag ikaw sinuntok ko..." Saad niya pabalik.

"Ikaw talaga Celine kahit kailan ka talaga eh."

Tinawan niya lang ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa cottage. Diba tumakbo kami para bumalik lang sa cottage, kahit kailan talaga tong babaeng toh.  Habang naglalakad ako kasunod ni Celine may nakasalubong akong babae.

Matangkad sya, maputi, matangos ang ilong at maganda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matangkad sya, maputi, matangos ang ilong at maganda. Sa tingin ko may lahi tong babaeng toh. Sa bawat hakbang niya ay ang pagsunod din na pitik ng balakang niya, para syang isang Modelo na naglalakad lang sa runway na inirarampa ang suot niya ngunit kabaliktaran ang babaeng toh, hindi ang suot niya ang inirarampa niya kundi ang kagandahan niya. Sobrang ganda niya. Mukhang kaya kong titigan lang ang mukha niya buong magdamag. Ang ganda niya.

"Hoyy!! Angge??!" Winagayway ni Celine ang kamay niya sa harap ko na ikinabalik ko sa reyalidad.

"A-ano ba yun?" Nauutal kong tanong.

"Ang sabi ko, swiming na lang tayo ulit mamaya pahinga muna tayo." Saad niya at tanging tango na lang ang ginawa ko dahil pagod na din ako. Habang papalayo kami ay nahuli kong nakatitig sa akin ang babae kanina.

Nakakalunod ang mga titig niya. Juskooo angge yang kabaklaan mo umaabot kahit saan. Iniwas niya ang titig niya at agad na naglakad na lagpas sakin ngunit ng nakalagpas sya ay nahulog ang bracelet niya. Agad ko itong pinulot at tinignan habang nasa kamay ko ang bracelet.

"W&K". Ibabalik ko sana ito ngunit mabilis syang nawala kung kaya't binulsa ko na lang at ibabalik ko na lang kapag nahanap ko sya. Sinundan ko na si Celine sa cottage at dun na muna nagpahinga habang mataas pa ang araw.

Umupo akosa couch habang hinihimas ang naka engrave na letters sa bracelet ng babae kanina. Ipinikit ko ang mga mata ko upang magpahinga dahil napagod ako kakahabol kay Celine, hindi kasi ako informed na may lahing tikbalang tong babaeng toh ang bilis tumakbo.

"Hope to see you again, miss tall and handsome." Tuluyan akong nawalan ng ulirat at unti-unting dumilim ang paningin ko bago nakatulog.
















Hi everyone, this is your author and I hope your all doing good as of the moment. Sorry if there are any gramatical errors or typing erros in the story since I only used my phone when writing this. Be safe and be good everyone, iloveyou.
—Hershey_Wrights

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now