"I Want You"

430 37 8
                                    

Mabilis na lumipas ang oras kung kaya't andito kami ngayon ni Mahal sa mall, mamimili daw siya ng mga gagamitin niya dahil sa condo ko na siya titira.

Habang namimili siya ay abala naman ako sa pagbitbit ng mga pinamili niya.

Ginawa pa nga akong maid.

"Angge... Bagay ba toh sakin?" Tanong niya.

"Oo bagay." Saad ko kahit hindi ako nakatingin. Pano ba naman andami kong dala.

"Eh ito?" Tanong niya ulit.

"Oo bagay yan." Saad ko ulit.

Napalingon naman ako sa salamin dahil tinitignan ko ang sarili kong repleksyon.

"Ito Angge?" Jusko naman tong babaeng toh andaming tanong.

"Tumingin ka kasi dito! Sabi bagay kahit di nakikita!" Reklamo niya.

"Eh kasi kung ikaw nagbitbit nito edi sana hindi ako nahihirapan noh?" Sarkastiko kong saad.

"Mas matangkad ka kaya wag kang ano jan!"

Patuloy lang sya sa pagpili ng mga damit at nagmumukha akong walking closet sa mga bitbit ko.

Ang ganda ko pero pinagbitbit lang ng mga damit. Charizzz.

Habang naglalakad kami ay may napansin akong isang clothing store na sobrang mura lang ang mga binibenta.

"Ward Reinalyn." Basa ko sa pangalan ng store. Ward? Kay ward kaya toh? Wala naman siyang binanggit na store nya eh ni hindi nga sya nagkikwento tungkol sa buhay niya. Ang alam ko lang ay anak sya ng isang mayamang business man sa UK at isa syang British. Kaya ang ganda niya.

Dahil sa curiousidad ko ay agad kong hinila si Mahalia sa store at agad na namili habang hatak hatak sya.

"Teka Anggee! Bat ba tayo andito?" Naiirita niyang saad.

"Wag ka nga, hindi ako nagreklamo nung namili kaya wag mo akong reklamohan jan!" Saad ko at inirapan siya.

Ang ganda ng quality ng mga damit dito, halatang brand new and sobrang ganda.

"Good day ma'am how can I help you?" Tanong ng isang staff.

"Good day din po... Can I ask? Magkanong tong sweatshirt na toh?" Kinuha ko ang sweatshirt na kanina ko pa nagugustuhan.

"That's 4,550 ma'am." Gosh nakakabutas ng bulsa. Hindi sa wala akong pera pero ayukong gumastos ng mahal sa mga bagay na di minahal ayy.

"By any chance miss? Do you know who owned this store?" Tanong ko rito.

"Yes po, the store was named after the daughter of our boss Reinalyn Ward and minsan lang sya nagchecheck dito kasi abala din sya sa school." Saad ng staff. So this is really Ward's? Ang expensive talaga ng babaeng yun.

"Wala ba kaming discount Ms? Bestfriend niya yung may-ari." Biglang sabat ni Mahalia kaya siniko ko siya.

Siraulo mapapahiya kami dahil sa babaeng toh.

"Bakit?" Takang tanong niya .

"Sira ka ba? May pera ka naman jan diba?"

"Pano kung kulang?"

"Don't worry ma'am may discount po kami for people na kaibigan ni Madam. You just need to fill up some files ma'am." Saad ng staff at nanghingi naman agad si Mahalia. Mukhang mas siya pa ang kilala ni Ward ah hanep din tong isang toh.

"Mahal jusko ka talaga! " Bulong ko sa kanya.

"Bakit? Eh sabi mo kaibigan mo siya edi G the O na beh ano pang hinihintay natin diba?" Natatawa niyang saad.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now