"Angge's POV"
Nakahiga lang kami sa floor panel ng sasakyan ni Ward ngayon. We were on an overlooking view dito sa tuktok ng bundok na pinuntahan namin. We were both so exhausted about things kaya napagpasyahan naming magpahinga at magpahangin na lang muna.
Nakasandal ako sa balikat niya habang nakapulupot naman ang kamay niya sa bewang ko.
"Angge." Pagpukaw niya ng atensyon ko kaya binaling ko agad sa kanya ang tingin ko.
"Hmm?"
"Thank you." Bulong niya at ngumiti. " Thank you for giving me a chance to love you again. To prove myself to you. To make you feel how worthy you are to be love and how it feels to be loved by you. You were the best yet the most upside down hill relationship i've experienced. You were my coffee in the morning, my lighthouse when I lost my way home, my map when I don't know where to go. You were my everything Angge. And I am so naive and stupid if I make myself lose you again ."
Napangiti na lang ako at hinaplos ang mala anghel niyang mukha.
"Thank you din. Thank you dahil hinintay mo akong magdesisyon, thank you kasi di ka nagsawang hintayin ako kahit na nakakapagod ako hintayin, thank you kasi di ka sumuko kahit ilang beses kitang nireject at ilang masasakit na salita na ang natanggap mo sakin. Salamat kasi pinatunayan mo ang sarili mo sakin, salamat kasi di mo ako iniwan kahit nahihirapan ako. Salamat dahil anjan ka palagi kahit na di ko sinasabing kailangan kita. You are a level up version of Ward Reinalyn. And I am so grateful and happy I got a chance to witnessed you change for yourself." Tumigil ako saglit at tinignan siya sa mata. " You maybe the worst relationship I had but you prove to me that you can also be my fairytale love, my anchor when I am sinking while sailing, my hand when I got no one to hold on to, my savior when I am losing hope. Ikaw yun lahat ward and I would never deny that in the last two years I have never been inlove with someone else. Siguro nagkagusto ako sa iba... Pero wala pa ding tatalo sayo."
Unti-unting kumakawala ang mga luha sa mga mata niya habang niyayapos ko sya. Ayukong umiiyak sya pero ngayon, as long as tuwa ang dulot nun di ko sya pipigilang umiyak.
"I love you." Parang tumigil ang mundo ko sa katagang pinakawalan niya. Ang tagal kong hinintay mula sa kanya ang mga katagang toh, ngayon ay sinasabi na niya.
Pinunasan ko ang luha niya at agad siyang siniil sa isang malumanay na halik.
"I love you too my Ward Reinalyn." Saad ko. "Pero naiinis ako sayo sa ginawa mo!" Saad ko nung kumalas na kami sa isa't-isa.
Flashback
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Unti-unti kong ginagalaw ang kamay ko pero napagtanto kong nakatali ako sa isang upuan.
"C-CELINE?!" Sigaw ko na nagbakasaling andito din ang bestfriend ko."Celine!! Asan ka?"
Nakarinig ako ng isang yapak na papalapit sakin.
"Gising ka na pala... Buti naman." Saad ng isang lalaking baritono ang boses.
"P-pakawalan niyo ako dito! Asan si Celine?!... Celine!!!" Sigaw ko pero nakarinig ako ng isang malakas na hampas sa mesa kaya agad akong napaigtad.
"Wag mong hanapin ang bestfriend mo dito! Buti nga ikaw lang dinala namin!" Sigaw niya ulit. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng parang mga patalim na parang pinapatalasan kaya di ko namalayang nanginginig na ako.
"May mga itatanong lang kami sayo. Dapat sagutin mo ng maayos!" Sigaw niya at ramdam ko ang pagdampi ng isang kutsilyo sa leeg ko kaya nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.
"P-please... W-wag." Pagmamakaawa ko.
"Wag kang mag-aalala. Habang masunurin ka hindi ka namin sasaktan." Saad niya. Naglakad sya ng paikot ikot sakin bago nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/317039052-288-k451593.jpg)
YOU ARE READING
If Parallel Universe Exist (WANGGE)
Ficção GeralMaybe in another life, in a parallel universe they could end up with each other. A universe where they are not deprived from happiness that they deserve, a universe where being happy with the person you love us not prohibited... A universe where the...