"Kidnapped"

463 53 7
                                    

"Angge's POV"

One Month Later

It's been a month after Ward started pursuing me again. And on those one month she never failed to spoil me with different experiences everyday.

Dinala niya ako sa Baguio, Albay, Cebu and all those places we never been before. Madami akong napuntahan ng kasama sya.

And I will never regrett that in that one month I have never felt so much love, she has showered me with things I never experienced before. And I am so grateful and happy that she's trying real hard to prove herself to me. Well second chance never really hits hard.

"Angge." Napaangat ang mukha ko ng tawagin ako ni Celine

"Yeah?"

" Pwede mo ako tulungan dito?" Inabot niya sakin ang phone nya at nakita kong kachat nya si Ced.

Aba aba aba. Lumalovelife na din yata tong bff ko.

"Aba... Never know my bestfriend have this shy side. Kailan ka pa natutong maging speechless ha?" Pang-aasar ko sa kanya kaya hinampas niya ako.

"Aray naman! Makahampas toh halos humiwalay kaluluwa ko!"

"Siraulo. Edi patay ka na sana ngayon."  Tong isang toh ayaw makisabay sa joke.

"Ano ba kasing gagawin ko jan?" Tanong ko. " Lovelife mo yan alangan problemahin ko pati yan." Saad ko at tinawanan sya. Maya-maya pa ay bigla kong natanggap ang isang text ng isang Ward Reinalyn my love charot.

From: Ward
Let's meet today at 10 at Liambhor Veges. See you there. Be safe please. I love you .

Napangiti na lang ako sa text nya at di ko napansing nakataas na ang kilay ni Celine sakin.

"Pangiti-ngiti ka pa jan eh noh. Kaya pala kasi kausap ang joward nya." Pang-aasar nya. Simula nung pinursue ako ni Ward halos silang lahat nakasubay-bay sa aming dalawa. Jusko. "Ano sabi?"

"She just said she wanna meet me at 10. Sa restau na kadalasan natin kainan." Sagot ko.

"Ah sige bihis ka na."  Diretso nyang saad na agad kong pinagtaka.

"Your acting weird sa totoo lang."

"Ano? Anong weird ka jan, guni-guni mo lang yan." Celine. "Sige go, bihis ka na." Tinulak nya ako papunta sa room ko pero hinarap ko sya at pinigilan.

"Wait... Bat biglaan yata? Kanina may pupuntahan ako ayaw mo akong paalisin tas ngayon paalisin mo ako." Takang tanong ko. "Anong meron?"

"Wala." Aba bilis makasagot. Halatang menemorize ang sagot.

"Ano nga?"

"Wala nga." Celine.

"Isa."

"Wala nga eh."

"Dalawa." Pag umabot ako ng tatlo sasakalin ko talaga tong babaeng toh.

"Ta—"

"Wala nga sige na bihis na!" Tinulak niya ako sa kwarto ko at agad na sinara ang pinto kaya agad kong pinihit ang doorknob pero ang bruha nilock yata sa labas.

"CELINEEEEE NOBLEZAAAAA!" Sigaw ko at narinig ko naman ang pagtawa niya. Itong bruha talagang toh.

Binalewala ko na lang si Celine at agad na ding nagbihis dahil 9:20 na din naman kaya dumiretso na ako sa Cr at naligo.

Fast-forward:

Tapos na akong magbihis kaya agad na akong bumaba at nakita ko naman si Celine dun na nakaupo sa sofa at nakabihis na din.  Teka, sasama ba tong babaeng toh? Ano namang gagawin niya dun? Makikithird wheel na naman? Charrrr.

"Done ka na?" Tanong niya.

"Obviously yes... " Tumigil ako saglit. "Pero teka, sasama ka?" Tanong ko.

"Kung makatanong ka parang ayaw mo akong masama dun ha." Pamimilosopo niya. " Hndi noh, pupuntahan ko lang sina Ruzzel, manunuod kaming sine. Oo sine."

Gosh, ang weird talaga ng babaeng toh ngayon.

"Why didn't you count me in?" Tanong ko.

"Eh kasi nga, sasabihin ko sana kanina kaso kausap ko si Ced tas nagtext din si Ward sayo. And I guess mas importante yang kay ward kaya hinayaan ko na." Saad niya. Umupo ako sa tabi nya hinila sya palapit sakin.

"Importante  din naman kayo sakin, lahat kayo. Pero if you want pwede kong itext si ward if pwede ba imove ang—"

"WAG!!"  Sigaw niya. Jusko, bat ba sumisigaw tong babaeng toh nakakaloka.

"H-huh?"

"A-ah w-wala. Sige na okay ka na ready ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Oo ready na ako."

Lumabas na kami ng condo ko at agad kong binigay sa kanya ang susi ng sasakyan ko at sya na ang pinagmaneho mukha naman tong driver.

Tahimik lang naming binabagtas ang kasagsagan ng kalsada habang tumutugtog ang kanta ni Taylor na Treacherous at ineenjoy ko lang din ang nasa paligid. Medyo dadaan din kasi kami sa maliit na forest dito kaya mas nakakagaan ng loob . I cannot stop but be mesmerized by the beauty of Manila, maganda ang California but Manila and the Philippines has things that always make me choose my hometown over and over again.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid ng biglang inapakan ni Celine ang pedal na agad kong kinasubsob.

"Celine ano ba naman yan?!" Inis kong saad, ang sakit ng bibig ko eh

"A-angge... M-may nakaharang. Mukhang may mga baril." Pag-anunsyo niya kaya tumingin ako agad sa harapan at tama nga sya. May isang itim na van na may mga 6 anim na lalaking nakabantay sa labas at silang lahat ay armado.

Kinakabahan din ako.

"A-angge." I can feel Celine's frightened face and I have that urge to protect her in all means.

Biglang lumapit sa amin ang tatlong lalaki at agad na kinatok ang bintana kaya agad kaming nagtinginan ni Celine.

"BABA!" Sigaw ng isa sa mga lalaki.

Unti-unting pinihit ni Celine ang pinto pero pinigilan ko sya.

"Wag!" Saad ko.

"BABA!! ISA!" Pinutol ng isa sa mga lalaki ang baril niya kaya agad akong napababa at hinila si Celine.

"B-bababa na kami. Ito na." Saad ko. Nakakapit naman sakin si Celine ng bigla syang hilahin ng lalaking nakatakip ang  bandana sa mukha.

"Dito ka! HALIKA!"

"Pare, ang ganda ng isang toh. Ano kayang pwede gawin dito." Kinabahan ako sa sinabi nya kaya agad akong kumawala sa kapit ng isa sa kasamahan nila pero masyado syang malakas.

"Wag please! Please maawa kayo! Wag yang bestfriend ko!" Sigaw ko. Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang luha ko habang nakatingin kay Celine na halos putlang-putla na.

"Maganda ka din naman. Sige ikaw na lang." Hinila niya ako papasok sa sasakyan pero dahil may natitira pa akong lakas ay kinagat ko ang kamay niya kaya agad niya akong nabitawan.

"Celine halika—". Naputol ang sasabihin ko ng hilahin ako ulit ng isa sa mga lalaki at pinasok sa sasakyan.

"ANGGEEEEE! ANGGGEE! IBABA NIYO SI ANGGGE!!" Rinig kong sigaw ni Celine pero nagtawanan lang sila at tinignan ako at hinimas ang legs ko.

"Sexy mo naman miss." Saad niya at sinimot ang buhok ko. Teka, parang narinig ko na ang boses na toh.

"Magaling ka ba sa ka—". Siniko ko sya at natamaan ang mukha nya kaya ngayon ay dumudugo na ang ilong niya. Familiar talaga ang boses nya.

Nanlalaban ako sa kanila pero masyado silang madami at may isang tumakip sa ilong ko ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay narinig kong may tinawagan ang isa sa kanila bago ako nawalan ng malay.

"Boss, nakuha na namin. Ano? Dalhin na namin jan?"

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now