"A Confession"

400 50 2
                                    

Natameme ako sa kinatatayuan ko, it feels as if what happened make me forget how to walk. Kinakabahan ako na parang hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala na siya ang AG na nagpapadala sa akin ng bulaklak at mga letters.

Agad akong naglakad papunta sa cafe at omorder ng milktea sa staff.

"Juskoo... Si angel, hayysssss bat ba ako kinakabahan." Bulong ko sa sarili ko.

Naguguluhan ako eh, ang sabi niya naunahan siya ni Ward na kunin ang attention ko... Anong ibig sabihin niya dun?

Bobo ka ba Angge? Sabi nga inlove siya sayo diba? Sabi ng utak ko

"Ito na pa yung Milktea niyo ma'am." Inabot ng staff sa akin ang limang milktea na inorder ko at agad na naglakad patungo sa bench.

*Calling Ward Kasih* (Kasih means love in English)

"Angge?" Rinig kong saad niya. Ang soft talaga ng boses ng babaeng toh.

"Hmm." Tanging saad ko. Pano ba naman ang dami kong dala nahihirapan tuloy akong bitbitin lahat ngayon.

"What's taking you so long?" Tanong niya. Nakita ko naman siya sa di kalayuan na nakatayo sa gilid nina Charice habang nakakunot ang noo.

"I'm here!" Sigaw ko sa kanya at winagayway ang kamay. Sinalubong niya naman ako at tinulungan sa mga milktea na dala ko sabay tingin sakin na parang may gustong sabihin.

"Is the line that long that it takes you more than 20 minutes in the cafe?" Pag kompronta niya.

"Mamaya na ako magchichika at pwede ba wardo wag kang english ng english naiistress esophagus ko sayo." Natatawa kong saad.

"Siraulo!" Sagot niya at tumawa na din. Lumapit ako sa kanila at nilingon ang rooftop na kinaroroonan ko kanina at nakita si Angel sa taas na nakatingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Andito na milktea niyo... Take it." Inabot ko sa kanila ang mga orders nila at agad na tumabi kay Zyrah at Ward na kasalukuyang umiinom na.

"Wala kang binili sa sarili mo?" Tanong niya, umiling naman ako at ngumiti pano ba naman eh dumating si Angel nakalimutan ko na tuloy kung anong favorite kong flavor sa milktea.

"I'm fine di naman ako nauuhaw."Saad ko at tumingin sa kanila.

"Bat ba di ka bumili Angge? Kami kami lang yung  umiinom dito oh." Saad naman ni Charice. Mga toh talaga sabi ng okay lang ako eh.

"Share na lang tayo Angge. " Inabot sakin ni Celine ang milktea niya ng biglang nagsalita si Ward.

"Kami na lang Celine." Saad niya kaya napataas ang kilay ni Celine sabay ngisi sa akin. Naiinis ako pag ganun siya, mang-aasar na naman toh panigurado.

"KAYO na." Madiin niyang saad. Siraulo talaga tong babaeng toh, may balak pa hatang ipahalata kay Ward na gusto ko siya.

"Here Angge." — Ward.

"Ward sabi ko naman sayo okay lang ako eh." Reklamo ko at nagdecline na tanggapin ang Milktea na nasa kamay niya.

"Angge isa!" Gulat naman ako ng biglang naging cold ang boses niya.

Ngumiti ako.

"Nagbago na pala isip ko, opo. Nauuhaw pala ako." Sarkastiko kong saad na ikinatawa naman nila.

I slowly take a sip on Ward's drink and wag kayo ha lipstick ang nalasahan ko sa straw. Opo yes po lipstick talaga.

"Oiiiii! Indirect kiss ang mga ferson." Pang-aasar ni Russel.

"Sira malamang isang straw lang meron." Saad ko.

"Bobo ka ba?" Tanong ni Ward. Juskooo tumatapang si Ward ha, matapang naman talaga Siya pero nakakapanibago yung realtalk side niya.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now