Napapadalas na ang paghatid sundo sa akin ni Angel. Napapadalas na din na siya ang kasama ko araw-araw. Kung dati ay si Celine ang lagi kong kasama sa kada gagawin ko mapacondo man o sa school ngayon ay si Angel na.
Araw-araw niya padin akong binibigyan ng iba't ibang klase ng bulaklak. Perfect na sana ang lahat, ang tanging problema ko ay si Ward.
Iwas na iwas siya sakin, mapalapit lang ako kunti sa kanya ay aalis siya at lilipat dahil di daw siya komportable na mapalapit sa akin.
Parang walang pinagsamahan ampt. Hindi ko sasabihing di ako nasasaktan dahil kaibigan ko siya ngunit habang lumalayo siya ay para akong sinasaksak.
Ano ba ang ginawa ko sa babaeng toh?
Kasalukuyan akong nakaupo katabi so Louise para maghintay na dumating sina Ward at ang mga kaibigan namin. Si Celine naman ay paparating patungo dito at agad na umupo at tahimik lang kami habang nakasandal ang ulo nilang dalawa sa balikat ko.
Ginawa pa akong sandalan.
"Louise?" Pagtawag ko kay Louise at inangat niya naman ang ulo niya.
"Hmm?" Tanging sagot niya.
"May alam ka ba kung bakit ako iniiwasan ni Ward?" Tanong ko rito.
Kumunot ang noo niya at tinignan ako na parang may mali akong nasabi.
"Hindi mo ba talaga gets Angge!" Sigaw niya.
"Ay bat sumisigaw vebs?" Natatawang saad ni Celine. Siraulo talaga seryoso yung usapan sasabat eh.
"Angge you should know much about Ward... Yan kasi Angel ka ng Angel, si Angel kilalang kilala mo na habang si Wardo hindi pa eh mas una mo siyang kilala." Saad nito. Naguguluhan naman ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko rito. Huminto siya saglit at knewento sakin lahat.
"Louise POV"
Flashback
Tapos na ang performance namin kaya unti-unti ng nagsiuwian ang ibang mga studyante habang kami ay andito pa sa labas ng school at hinihintay na isa-isang makaalis ang mga kaibigan namin.
"Ward, sabay na lang ako kina Charice ha? Dadaan sila sa kanto malapit samin eh." Saad ni Zyrah habang si Wardo naman ay tanging tango lang ang sagot.
"Bye Louise, bye Wardo." Saad nilang tatlo ni Charice, Coting at Zyrah.
"Ikaw Jelly? Gusto mo sabay ka na lang sa amin?" Tanong ni Ward kay Jelly.
"Asan pala si Celine?" Dagdag niya.
"Kinuha na ng papa niya, hinanap nga ni Tito si Angge pero busy yung babaeng yun."
Nagulat naman ako sa pagdeliver ni Ward na busy si Angge. Nangangamoy selos ah.
"So ano? Sabay ka na samin?" Tanong niya.
"Sabay ka na lang samin Jell... Hahatid ako ni Wardo." Nakangiti kong saad. Minsan lang maghatid si Wardo kaya sulitin natin.
"Okay lang nagtext na ako kay Dada eh, susunduin niya daw ako." Tumango na lang kami at maya maya pa ay huminto ang isang itim na sasakyan sa harap namin at agad na binaba ang bintana nito.
"Dada." Bati ni Jelly sabay halik sa pisngi ng papa niya. In all fairness ang gwapo ng Papa niya ha.
"Friends ko dad, si Louise at si Ward." Pagpapakilala niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/317039052-288-k451593.jpg)
YOU ARE READING
If Parallel Universe Exist (WANGGE)
Ficción GeneralMaybe in another life, in a parallel universe they could end up with each other. A universe where they are not deprived from happiness that they deserve, a universe where being happy with the person you love us not prohibited... A universe where the...