NAGSIMULA nang kumain si Sonia. Kapuna-punang kung anu-ano ang hinihingi ni Vivian na ikinataranta naman ni Jewel.
Halos sabay pang natapos kumain ang dalawa. Muli siyang tinapunan ng tingin ng ina.
“As what I’ve said, titigil ka na sa pag-aaral. Wala na si Yaya Lourdes at Pacing. Simula ngayon, ikaw ang gagawa ng gawaing bahay pati na rin ang pagluluto.”
“Pero, Ma!” tutol niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha.
“Hindi pa tapos ang aking sinasabi kaya ‘wag kang sumabat!” Nanlilisik ang mga ni Sonia.
Kinagat niya ang ibabang labi at tumahimik. Walang magawa kundi paghandaan ang sasabihin ng ina.
“Wala na akong ipapasahod pa sa kanila. Isa pa'y hindi na kayo kailangan alagaan ni Vivian. Kaya gumawa ako ng desisyon at iyon ay pinal. Titigil ka na sa pag-aaral at pagsilbihan mo kami ng anak ko. Wala rin akong sapat na pera para matustusan ang iyong pag-aaral.”
“Ma, first year college palang ako. Ayoko huminto sa pag-aaral.” Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Ang Buenavista Construction and Development ay pagmamay-ari ng ating pamilya.”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mama?” iritadong singit ni Vivian at marahas na inilapag ang baso sa mesa. “You're going to stop studying to serve us. That's what suits you,” insulto pa nito sa kanya.
Hinarap ni Jewel ang kapatid na may luha sa kanyang mga mata. “Hindi ito ang gustong mangyari ni Papa.”
“Alam ko. Pero wala na nga si Papa, ‘di ba? Kailangan mong huminto sa pag-aaral para makatipid tayo.”
Sasagot pa sana siya kung hindi namagitan ang kanilang ina. “Wala akong oras para makinig sa mga himutok mo, Jewel. Kung ayaw mong samain sa akin, sundin mo na lang ang sinasabi ko. Entiendes?”
“Y-yes, Ma.” Napayuko si Jewel, gustong itago ang nangingilid niyang luha. Gusto niyang mag-aral at makapagtapos. Napakabigat ng kanyang dibdib at pakiramdam niya'y sasabog na siya sa sobrang sama ng loob.
At gayon nga ang naganap. Mistula siyang bayarang utusan sa sarili nilang tahanan. Sa kanyang ina walang problema kung pagsisilbi at pagsunod sa kagustuhan nito ang magsisilbing daan para mapamahal siya rito. Handa siyang magtiis para lang maramdaman ang pagmamahal nito. Kahit ang kapalit ay ang kanyang magandang edukasyon.
Sa kanilang ina'y hindi siya nahihirapan, kabaliktaran naman kay Vivian na ang trato sa kanya'y masahol pa sa bayarang utusan. Ni singkong duling, wala naman siyang natatanggap. Kulang na lang pati ang pagsubo at pagpapaligo rito'y gawin niya.
Si Vivian ay sunod sa layaw. Bawat naisin nito'y ibinibigay ni Sonia. At ngayon ito'y kabilang sa mga sikat na fashion model sa bansa.
Samantala, si Jewel ay palihim na ipinagpatuloy ang pag-aaral. Gabi na pareho kung umuwi ng bahay ang kanyang ina at kapatid. Hindi naging problema ang kanyang tuition fee dahil nasa scholarship siya. Ginamit din niya ang atm card na ibinigay ng kanyang ama bago ito pumanaw. Inilihim niya ang bagay na iyon sa kanyang ina at kapatid.
Lumipad si Vivian sa ibang bansa para pumirma ng kontrata bilang bagong mukha ng isang International model. Samantala, nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Jewel.
Ikinatuwa iyon ng dalaga. Siguro hudyat na iyon para bigyan siya ng pansin ng ina. Baka kapag wala sa piling nito ang paboritong anak, matutunan na siyang mahalin. Pero nagkamali siya…
***
“MA, ano pa bang dapat kong gawin, mahalin mo lang ako tulad ng pagmamahal na ibinibigay mo kay Ate Vivian?” tanong niya sa ina. Sabado noon at halatang nakainom ito.
Pasuray-suray si Sonia nang pumasok sa bahay. Galing ang babae buhat sa isang pagtitipon. “Mahalin kita? H-hindi na siguro mangyayari, 'yon. Isa kang pagkakamali. At kahit maghilom pa ang sugat sa aking puso na nilikha ng iyong ama–sh*t! Lumayas ka sa harapan ko at ipagtimpla ako ng kape. Bilisan mo!”
Marahan siyang tumango at tumalima. Gusto niyang samantalahin ang magandang pagkakataon na wala ang nakatatanda niyang kapatid. Bakit hindi? Wala si Vivian na batid niyang siyang isa sa pinakamalaking hadlang.
Lagi siyang pinag-iinitan noon ni Vivian. Pinapahirapan sa mga gawaing bahay. Isa rin sa talento ng kapatid ang humabi ng mga kasinungalingan. Masulsol ito at ayaw na nakikita siyang lumalapit sa kanilang ina.
Makasarili si Vivian. Sa halip na tulungan siyang mapalambot ang puso ni Mama Sonia, ibayong panggagatong pa ang ginagawa ng kapatid para lalong magalit sa kanya ang ina.
Maraming beses na siyang pinagbuhatan ng kamay ng ina at iyon ay dahil sa mga kalokohan ni Vivian. Nagsumbong ito sa kanilang ina na kumuha siya ng malaking halaga ng pera sa wallet nito.
Nilampaso sa sahig ni Mama Sonia ang kanyang mukha sa tindi ng galit nito. Si Vivian nama'y nakangisi at nasisiyahan habang pinapanood ang paghihirap niya sa kamay ng kanilang ina.
Sasamantalahin ni Jewel ang pagkakataon na wala si Vivian.
Pagkatapos magtimpla ng kape, binalikan niya sa sala ang ina at idinulog ang kape nito.
Lumuhod si Jewel para hubarin ang sapatos ni Sonia. Pero nagulat ang dalaga nang sipain siya sa balikat ng kanyang ina. Nag-angat siya ng mukha at kinabahan nang makita ang madilim nitong hitsura habang nakatitig sa kanya.
“Gusto mong mahalin kita tulad ng pagmamahal ko kay Vivian, di ba?”
“I-I think I deserve it, Ma.”
Sarkastiko ang ngiting gumuhit sa labi nito. “May paraan para matutunan kitang mahalin, Jewel.”
“Handa akong gawin kung anuman ‘yon, Ma.”
“Bigyan mo ako ng apo,” walang kaabog-abog na sabi nito.
Napamaang ang dalaga sa narinig. Hindi agad nakasagot. Nagulat siya nang hiklatin nito ang kanyang isang braso at ilapit ang mukha sa kanya.
“Bigyan mo ako ng apo na hindi maibibigay sa akin ni Vivian. At huwag na huwag kang magdadala ng lalaki sa pamamahay ko. Apo lang ang gusto ko!”
Sa hindi mabilang na naging karelasyon ni Vivian, isa lang ang sineryoso. Ngunit ni minsa'y hindi pa niya nakita ang lalaki. Pero ayon sa kanyang narinig sa pag-uusap ng ina at kapatid, nagmula sa isang buena familia ang lalaki.
Nakilala ni Vivian ang kasintahan nang maging modelo ito sa isang sikat na luxury brand company–under Collins Group Of Companies kung saan mataas ang posisyon ng lalaki.
"Mababasa po ito ang completed story sa Dreame at Goodnovel" salamat po.
BINABASA MO ANG
One Night With A Stranger (Published Under 𝐈𝐦𝐦𝐚𝐜 𝐏𝐏𝐇🦋 )
Romance𝒜𝓊𝓉𝒽ℴ𝓇: 𝒮ℴℴ𝓃 𝓉ℴ 𝓅𝓊𝒷𝓁𝒾𝓈𝒽, ℐ𝓂𝓂𝒶𝒸 𝒫𝒫ℋ🦋 "𝐹𝑒𝑒𝑙 𝑡𝒉𝑒 𝑏𝑒𝑎𝑡 𝑜𝑓 𝑚𝑦 𝒉𝑒𝑎𝑟𝑡. 𝐹𝑎𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡𝒉 𝑦𝑜𝑢, 𝐼 𝑑𝑖𝑑𝑛'𝑡 𝑒𝑥𝑝𝑒𝑐𝑡. 𝐵𝑢𝑡 𝑏𝑒𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡𝒉 𝑦𝑜𝑢 𝑖𝑠 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑡...